present... Mag-kausap pa rin sina Dino at Gun iniwan ko sila bigla at tumalikod. Napalingon naman ako nang may lumapit sa tabi ko at kinalabit ako kumunot ang noo ko nang makita si Frey ang anak ni Win kay Ging lalayo sana ako nang magsalita ito. "Tito Light, alam mo mas nakaka-inggit ka dahil ikaw ang kasama ni Papa noon habang kami ni Mama malayo sa kanya noong panahon nag-aaral pa kayo." sambit nito sa akin nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya at para akong namalik-mata dahil kamukhang-kamukha niya ang Papa niya babaeng version ni Win. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong ko na lang parang wala akong pakialam sa kanya. "Dahil kahit buhay na ako nung panahon na 'yon wala naman akong nakalakihang ama si Mama lang, tito ang sabi ni Mama nangako silan

