Hinatid nila ako sa condo namin at pagewang-gewang akong naglakad papunta sa elevator may nasasalubong pa akong mga tao. "Sir, tulungan ko na kayong maglakad." narinig kong bungad ng boses mula sa gilid ko at tinaas ko ang kamay para sumenyas na huwag. Naglakad na ako papunta sa elevator kahit pagewang-gewang na ako pinindot ko ang up bago bumukas saka ako pumasok sa loob napa-upo na ako sa sahig humawak ako sa bakal at pinindot ko ang floor number namin. Masakit para sa puso ko na balewala sa kanya ang pag-alis ko kanina mas inisip niya ang anak ni Ging. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko para i-text siya binaba ko ang gitarang naka-sabit sa balikat ko. Yumukyok ako sa gilid at iniisip ko ang ex niya at ang anak nito. Kaya ba pinangalanan niyang Win ang anak nito nang dahil sa kanya

