Nang matapos ang practice sinamahan ko si Frey sa classroom nito bumungad sa amin ang kaibigan ko na si Mars. "Pre, tapos na ang practice?" bungad ni Mars sa akin pinapasok na lang niya si Frey na napag-alaman kong estudyante niya. "Oo, may klase pa ako sinabay ko na lang ang siya." aniko. Napansin ko na tumingin siya kay Frey bago niya ako balingan ng tingin. "Magkakilala kayo ng estudyante ko?" tanong ni Mars at kaagad akong tumango lumayo kami sa may pintuan. "Ex ni Win ang Mama niya noong hs," bulong ko sa kanya dahilan para tumingin siya sa akin. "Legit?" gulat nitong tanong sa akin at hindi kaagad ako nagsalita nang may dumaan sa tabi namin. "Oo, pero wala na sila nang maging kami 'yon ang sabi ni Win sa akin magkakabata sila at ex ni kuya Jirah ang tita ni Frey." bulong ko pa

