"Bakit parang iisa ang sinasabi nyo sa akin?" tanong ko na lang sa kanila. "Sinong siya?" sabay nilang sambit sa akin at nakita kong pagtataka sa mukha nila. "Si Mars," aniko na lang. Nag-text siya at nag-reply kaagad ako hindi ko lang sinabi kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko. "Nag-text sa akin ang jowa mo, Light, ano ang i-rereply ko?" tanong ni Mike at pinakita ang text message ni Ice. "Nag-reply naman ako sa kanya huwag mo na lang pansinin," aniko at iniwasan ko ang tingin niya. "Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mong pagseselos sa ex niya," wika naman ni Chana at sumabat si Mike sa kanya. "Alam niyang nagseselos ako sa ex niya—ang hindi ko lang masabi pati sa anak ng ex niya." aniko na lang sa kanilang dalawa. "Legit? Pati sa bata?" banggit ni Chana hindi naman kaag

