Nang palabas na ako ng condo nila nabaling ang tingin ko sa likod nang may magsalita. "Daddy love..." tawag ni Ging hindi ako lumingon sa likuran ko kapag lumingon ako para ako nag-taksil sa boyfriend ko. "Huwag na huwag mo na akong tatawgin na ganyan mula ngayon, Ging at wala nang namamagitan sa ating dalawa ang nasa isip ko ngayon ang anak na lang natin may responsibilidad ako pero hindi sa'yo." aniko nang hindi lumilingon. "Pupunta ka pa rin ba sa party?" tanong ni Ging hindi ako nakasagot dahil nag-aalinlangan akong magpunta dahil ito rin ang simula ng pag-amin ko kung sino ang anak ko sa buhay ko. "Hindi ko alam," pag-amin ko na lang. "Huwag mo na ako isipin, daddy love kundi si Frey na lang....huwag mo naman ipagkait na makilala ka niya bilang ama oo, alam niyang ikaw ang ama ni

