------------- ***Krysthel's POV*** - Warning: Contain Mature Scene! - Kinalma ko ang sarili ko, hindi ako dapat magpaapekto sa lalaki. Alam kong hindi niya ako magawang saktan. Sunod- sunod ang paglanghap ko ng hangin. Nang medyo kalmado na ako, agad akong umalis mula sa may veranda at napagpasyahan kong bumalik na sa baba. Naging successful naman ang house blessing namin at ang family dinner na inihanda ni Gray. Naging masaya naman ako at nakalimutan ko rin naman ang presensya ng weird ng lalaki. Hindi din naman nagtatagal ang mga bisita namin, agad din umalis ang mga ito. Nang nakauwi na ang lahat ng bisita, agad ko naman pinatulog ang triplets. Nasa may dining kaming dalawa ni Gray. Pumunta lang ako dito para uminom ng tubig, naabutan ko si Gray, may hawak siyang alak. Hindi da

