---------- ***Krysthel's POV*** - Isang linggo muna kaming nag-stay sa bahay ng tito Sancho at tita Atasha ko habang inaayos pa ni Gray ang malilipatan namin. Mas pinili ko lang din ang manatili muna sa bahay ng mag- asawa para makapag- adjust ang triplets, at makabubuti sa kanila dahil sa mga anak ni Summer na makakalaro nilang tatlong. Isang magandang balita ang sumalubong sa akin sa pagbabalik, nagkaayos na pala sina Savy at Angela at magpapakasal na daw muli ang dalawa. Buntis na rin ito na tulad ko. Si Summer naman--- pakiramdam ko may problema siya sa mga magulang niya, para kasing hindi niya masyadong pinapansin ang mga ito. Hindi ako nag- uusisa kahit pa kuryuso ako, hihintayin kong si Summer ang magkwento sa akin. Isang malaking bahay na sa tingin ko matatawag na rin mansyon

