LEAN MACAROV Makaraan ang tatlong araw ng hindi pagtulog dahil sa pagbabasa ay natapos na rin ako sa pagtake ng exam. Nasa office kami ni Headmaster, nandoon silang lahat. Nagtaka ako kung bakit nandoon silang lahat, wala bang silang pasok? Binigay ko kay Luke ang mga libro at mga handouts na pinahiram niya sa akin. Busy silang lahat dahil may mga sarili silang ginagawa pero nung binagsak ko ang mga libro sa harapan nila, nagulat sila. Tiningnan ni Wade yung makakapal na libro at gulat akong tiningnan. "Tinapos mo lahat 'to?" gulat niyang tanong "That's three years worth of lessons!" "Dude, that's sick" gulat na sabi ni Kairo at mas lumapit pa sa mga libro. May kinuha si Tristan na isang pirasong papel at tumawa ng malakas "Guys," panimula niya "Naalala ko yung quiz na 'to kay Prof

