LEAN MACAROV Nang makarating na kami sa Market Place, namamangha pa rin ako kahit nakapunta na ako dito. Pumunta kami sa tree house at nilagay ang mga gamit namin doon. Binigyan ako ni Headmaster ng sapat na pera para bilhin ang mga kailangan ko. Lumabas muli kami sa Market Square, maraming Fiarae dito. May mga studyante din mula sa Academy na bumibili ng mga kakailanganin nila, ang iba naman ay pumunta dito para bisitahin ang kanilang mga pamilya. Naglakad kami sa mga pasikot-sikot na daan hanggang sa makarating kami sa Market square, ito ang unang pagkakataon na pumunta ako dito. Maluwag ang espasyo at may mga malalaking bahay ang nakapalibot sa Square, may kakaiba itong mga disenyo, gawa ito sa mga kahoy at puno ng mga halaman at bulaklak bilang disensyo. Sa gitna ay may malaking

