LEAN MACAROV Nagising ako ng masakit ang ulo. Unti-unting bumubukas ang mga mata ko at nakita ko ang dalawang paa ko na nakatali sa upuan. inangat ko ang ulo ko, madilim kaya hinintay kong mag-adjust ang paningin ko. Nakakarinig ako ng mga iyak, sigaw at ingay sa paligid. Bigla kong naalala ang kakaibang nilalang na nakita ko sa kulungan. Sinubukan kong tumayo pero nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang upuan. Nilibot ko ang tingin ko, nandito pa rin ako sa padilim na selda. Nasa harapan ko ang mesa na puno ng mga papel, lumingon ako at nakita ang isang imahe ng lalaking nakatalikod mula sa akin at kinakalikot ang mga kakaibang kulay ng likido sa mga bote. Lumingon siya sa akin at ngumisi at naglakad palapit. "Gising ka na pala, prinsesa" nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko ang p

