Safiara Academy

1659 Words
LEAN MACAROV "I'm Tracy Ryker" sabi nung magandang babae na pinagpala ng malalaking meh. Lumapit si Shane sa akin at inabutan ako ng tuwalya. Pumunta kami sa kwarto nilang dalawa ni Tracy. "Ako si Lean, Lean Macarov" sabi ko sa kanila. Napakagat labi ako, I feel guilty not saying may full name. It won't even matter. "Cute ng pangalan mo tulad sayo, ilang taon ka ba?" tanong ni Tracy. "I'm 18" simpleng sagot ko. Napatigil si Shane sa pagtutupi ng damit at nilingon ako. "Seryoso ka?" gulat nilang tanong. Tumango lang ako at nagkibit balikat sila. "Mag shower ka na dun!" nginuso ni Shane ang pintuan sa tabi ko, tumango ako sa kanya. Malagkit na rin kasi sa katawan. Gusto ko muna ng oras magisip-isip. Pagpasok ko sa CR napangiwi ako, masikip naman dito. Huminga ako ng malalim, siguro naninibago lang ako. Habang naliligo ako, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga nangyayari. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Hindi ako makapaniwala na napunta ako sa mundo sa labas ng malalaking pader na iyon. Nang matapos ako, Lumabas ako ng CR. Nakita ko sila Tracy at Shane na seryosong nag-uusap pero ngumiti nang makita ako. "Done!" Sabi ko sa kanila, Tumango naman sila at ngumiti, may kinuha si Tracy sa isang drawer at inihagis ito sa akin na mabilis ko namang nasalo. "Here, wear this" Nang tiningnan ko ito, isang maliit na three-fourths na dress na kulay maroon. Binigyan din nila ako ng puting dollshoes. "Thank you!" Sabay ngiti ko sa kanila  "You look fabulous!" Tracy exclaimed, pinisil niya ulit ang mga pisngi ko pero pumayag nalang ako dahil pinahiram niya ako ng damit. "Hey, what's up with your hair? Bakit mahaba masyado?" tanong ni Shane, I just shrugged, Doyle never wanted me to cut my hair. He said it was beautiful at would stare at it intently minsan natatakot na ako sa pagkacreepy niya.  "Pwede bang bawasan natin? baka mahirapan ka kasi" sabi ni Tracy. Tumango ako sa kanya kaya ngumiti siya sakin at sinuklay ang buhok ko, nakaharap ako sa salamin. Halos kalahati ang nabawas niya sa buhok ko.  "Ayan! hindi ko masyadong iniksian dahil baka manibago ka" sabi ni Tracy. Tumingin ako sa salamin at nakita ang pagbabago. Yung dati kong buhok na umaabot sa sahig, hanggang beywang nalang ngayon. "Hmmm," biglang sabi ni Tracy habang nakatingin sa buhok ko "Hindi ko ala ang hairstyle na babagay." "I fishbraid mo nalang" Sabi ni Shane sa kanya habang nag iimpake  "Shane, bat ka nag iimpake?" Kunot noo kong tanong sa kanya habang inaayos ni Tracy ang buhok ko.  "Seriously Lean, Sunday na kaya so we need to to back to the Academy" nagulat naman ako sa sinabi niya.  "Academy?" tanong ko, parang hindi ko pa narinig yan ah. "Ay oo nga pala, pasalamat ka at first day palang bukas, madali kang makakahabol"sabi ni Shane habang namimili ng damit  "Mag aaral din ako?" nagtataka kong tanong. I never went to school, yet alone wala akong mga ability tulad nila. "What?! hindi mo pa naranasang magaral?" parang shock na tanong ni Tracy sakin "Nag-hohome school lang kasi ako" malungkot kong sabi sa kanila, totoo naman. Sa mansyon, mga private tutors lang ang pumunta. I have atleast 9 lessons a day. Kasama na ang etiquette at atlong iba't-ibang linggwahe. "Hayy, girl, Wag kang mag alala, palagi tayong magkasama sa school we're going to be super bff's!" Excited na sabi ni Tracy saakin, lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Bff's" tanong ko, anong salita yun? hindi ko naman nabasa sa dictionary yun ah? "Ang inosente mo talaga! You know, bestfriends forever" sabi sa akin ni Tracy Best Friends? Napangiti ako at naiiyak, nung una kasi sa mga libro ko lang nababasa yung mga ganyan, yung nagshoshopping kayo tapos naghahanap ng boys, yung tipong mga ganun? tapos ngayon may mga babaeng handa akong tanggapin kahit hindi nila ako kilala. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na nag-uunahang pumatak. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako or nasisiyahan sa mga nangyayari. "Oh! Why did you cry? Did I say something wrong?" Lumapit si Tracy saakin, mabilis naman akong umiling "I-it's my first time to have friends, and I'm really happy about it" napahagulgol naman ako "Aww, poor darling, shh don't cry" Niyakap nila akong dalawa, It's the first time I felt this Happy  "Hinding hindi tayo magkakahiwalay, forever and ever!" Sabi ni Shane, If this would be the feeling of having friends, I would never want to stop this feeling nagkatawanan kami at tinapos na ang pag iimpake, sabi ni Tracy hihiram lang daw muna ako ng damit sa kanya, maybe this weekend mamimili kami ng damit at mga gamit ko but I don't have money. "We're ready!" Sigaw ni Tracy, pababa na kami ng hagdan, nakita namin yung boys na dala-dala na ang mga bag nila "Whoa. ang ganda mo talaga" sabi ni Tristan saakin pagkababa ko ng hagdan, Hinawakan niya ang kamay ko para alalayang bumaba. "Thank you" sabi ko sa kanya at ngumiti. Tumakbo ako palabas para habulin sina Shane. "Ooooh. Na thank you zoned si Mr. Player!" Asar ni Kairo kay Tristan, umirap at ngumuso lang si Tristan. Nagtaka ako, bakit? ano ba ang dapat kong gawin? Lumapit ako sa kanya at tumingkayad. Hinalikan ko siya sa pisngi kaya bigla siyang namula. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin. "Hoy Lean!" bigla akong pinagalitan ni Tracy "Anong ginagawa mo?" "I-I thought kissing someone on the cheek was a sign of gratitude?" pagpapaliwanag ko sa kanila. Siningkitan ako ng mata ni Shane, nagbuntong hininga nalang silang dalawa. "Girls shouldn't kiss boys so easily" pagpapaliwanag ni Tracy "Boys are scary  my love, hindi sila dapat pagkatiwalaan" "Oooohhh" biglang sabi ko. Bumalik ako kay Tristan na nakatulala pa rin dahil sa gulat. Pinahiran ko ang pisngi niya gamit ang palad ko "binabawi ko yung halik" Naglakad ako palayo at narinig ko ang tawa ng mga lalaki sa likod. Napailing si Tracy at nginitian ako at sinalubong ako ng yakap. naglalakad ako habang nakatingin sa paanan ko, ang galing, di ko lubos na maisip na nakatakas ako sa Mansyon na yun, alam kong magagalit si Doyle pagnalaman niyang lumabas ako pero hindi naman niya ako mahahanap Bigla akong bumangga sa harapan ng isang mabalahibong bagay. Nang inangat ko ang tingin ko napatakbo ako. "Wahhh!" sigaw ko sabay takbo sa likod ni Shane, nakakita ako ng isang malaking fox na malalaki ang mga paa. Naalala ko bigla ang halimaw sa kagubatan. Biglang tumawa yung mga kasama ko kaya sumilip ako mula sa gilid ni Shane. "Oy! bat niyo ko tinatawanan!" sigaw ko sa kanila, may halimaw sa harapan pero tawa lang sila ng tawa. mukha silang ewan, alam ba nila yun? "parang kanina lang ay dala dala mo siya tapos ngayon takot ka na sakanya?" Natatawang tanong ni Wade saakin Huh? nakarga ko ba yan kanina? nakayanan kong kargahin ang malaking pusa na ito?! Wala akong maalala. "Si Meow mo yan, ganyan ang true form niya" natatawang sabi saakin ni Kairo  "t-talaga?" Lumapit ako sa malaking hayop at hinawakan ang balahibo nito, he purred again, just like the how he purred hours ago. "Hala! meow ikaw nga!" tapos niyakap ko siya, bumabaon ang mukha ko sa balahibo niya. "Omg!" napasigaw ako nung umangat ako sa lupa, kagat-kagat niya ang likuran ng damit ko at napaupo sa likod niya. "Gusto ata ni Black na sakanya sumakay si Lean" sabi ni Luke, tumango naman yung iba "Uy! wag niyo akong iwan!" mangiyak na sigaw ko sa kanila dahil papasok na sila sa isang karwahe na lumilitaw. Pagtingin ko sa harapan, may apat na malalaking ibon na kulay pula. "Sweety, don't worry, andiyan naman si Twin brother." sabi ni Tracy at nginitian ako habang pinapasok ng iba naming mga kasama ang mga bagahe. "Hoy! Flame! alagaan mo yang bestfriend ko!wag kang mag alala, andito yung bag mo saamin, enjoy!" tapos pumasok na silang lahat sa loob Nanlaki ang mga mata ko, Twin? kambal pala niya si Flame? grabe magkaibang-magkaiba ang mga ugali nila. "Tss." napalingon naman ako sa likod ko, andun si pala si Flame "U-uy, hindi naman tayo mahuhulog dito diba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya, tiningnan niya lang ako "Uy!" Napahawak ako ng mahigpit sa balahibo ni Meow nung umangat na siya sa ere, naout of balance ako, malapit na akong mahulog pero may humawak sa beywang ko, lumingon ako kay flame na nag aalalang nakatingin saakin. "Okay lang ako" ngumiti ako sa kanya ng alanganin, umangat ulit kami kaya pumikit ako "Don't close your eyes you'll regret it later"  Dahan-dahan ko namang binuksan ang mata ko pero pumikit ulit, nasa ere na kami "Wag kang mag alala, I won't let you fall" seryoso niyang sabi, binuksan ko ang mata ko for the second time around "Woah." Amaze kong sabi, ang ganda dito, nakikita ko ang gubat sa baba, yung mga lumilipad na isda at lumilitaw na ilog, mga nilalang na hindi ko alam kung ano, mga malalaking paru paru at mga buhay na halaman, Ang ganda talaga dito, napangiti nalang ako sa nakikita ko "Anong pakay mo dito?" seryosong tanong ni Flame saakin "Wala, I just need to find the truth, hindi ko nga alam kung tungkol ano yung truth na yun" sabi ko habang nasa baba parin ang mga mata ko "I'm warning you, pagnalaman kong may gagawin kang ikapapahamak ng buong Vindora, I'm going to kill you" Hindi na ako sumagot, medyo natakot ako sa sinabi niya. Siguro maraming mga mushroom ang nagtraydor sa kanila, para pagbantaan niya ako ng ganito. "Woah" namamangha kong sabi habang papalapit kami sa malalaking bundok, pagkatapos ng mga bundok may isang malaking kastilya. May mga pader na nakapalibot dito at puro kagubatan na ang iba. May nakakasabay din kaming mga iba't-ibang karwahe na papunta din sa kastilyo. Dumaan kami sa malaking gate na may nakaukit sa itaas Safiara Academy mula sa gate, makikita ang napakaluwag na daanan na may poste ng ilaw na nakapaligid. Sa kanan, may field kung saan naglalaro ang mga estudyante at sa kaliwa naman open din pero marami ang nag-eensayo. Bumaba na ako mula kay meow at nanatili pa ring nakatitig sa Academy na sinasabi nila, I have no words to explain the amazement I feel. -- END "Welcome to Safiara Academy, Lean Macarov" sabay sabay nilang sabi, I smiled, So, this is my new home I guess
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD