LEAN MACAROV
"Lean, wakey wakey!" naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko "Lean, may pasok tayo" I just groaned. Ayaw ko pang gumising, masakit ang katawan ko dahil sa kahapon, gusto ko pang matulog.
Niyugyog niya ako kaya umupo ako sa higaan at kinusot ang mga mata ko. Pinalibot ko ang tingin ko at nagulat sa hindi pamilyar na kwarto. Bigla kong naalala ang mga nangyari kahapon, wala na pala ako sa mansyon.
"You're so adorable! Pero you need to make ligo na kasi we're going to be late"sabi ni Tracy habang
tinutulak ako papasok ng CR wala akong nagawa kundi magpatulak. Kumunot ang noo, nabobother ako sa pagka conyo niya.
"isuot mo 'to, uniform natin yan" Binigay saakin ni Shane yung kahon pagkalabas na pagkalabas ko ng CR.
"Bat maikli yung palda" Nakasimangot kong tanong sa kanila
"Ewan, I'm not the one who made the design naman, isuot mo nalang babagay naman yan sayo" Tinulak ako ni Tracy pabalik kaya wala na akong nagawa.
Nakatingin lang ako sa salamin, I'm wearing a black coat with pink linings at blouse sa ilalim nito, Yung palda ko naman, color black na pink yung hemline, mga 3 inches above the knee, naka sneakers ako kasi wala pa akong black shoes.
"Lean! Labas na diyan!" rinig kong sigaw ni Shane mula sa labas ng CR. Hindi maiwasang mamangha, I look different.
"Eto na!" I looked at the mirror one last time tapos lumabas na "Oh! You're drop dead gorgeous!"sabi ni Tracy taps nilibot niya ako.
"Sigurado akong malalamangan mo sila Jenny!" nakathumbs up na sabi saakin ni Shane. Kumunot ang noo ko dahin hindi ko alam yung pinagsasabi nila
"Sino yan?"
"May Festivities dito sa school. Kasama na yung Fiarae Queen at siya ang nanalo dun kaya pakiramdam niya siya yung pinakamagandang nilalang sa buong Academy" pagpapaliwanag ni Tracy.
"Okay sana kasi may kagandahan siya, pero sobrang sama ng ugali" dagdag ni Shane at inaayos ang gamit niya sa kanyang mesa.
"I know that dear, kaso, yung time na ng coronation ay dinaya niya ako" sabi ni Tracy na parang napipikon na.
"Bakit? Paano ka dinaya?"
"Well, akala ni Tracy na genuine na ang pakikipagkabigan ni Jenny, yun pala, nilagyan niya ng potion yung iniinom ni Tracy kaya habang nagcocoronation, biglang nagbloat at namula tong si Tracy" natatawang kwento saakin ni Shane, siniko siya ni Tracy at sinamaan siya ng tingin
"Well, enough of that, let's go at malalate na tayo" kinuha na naming ang mga bag namin at lumabas na.
"Ano ang Fiarae?" tanong ko sa kanila. Pansin ko kasi na paulit-ulit nila itong sinasabi.
"Fiarae ang tawag sa mga naninirahan sa Vindora, people with special abilities. Something out of the ordinary." sagot ni SHane habang yakap-yakap ang mga libro niya.
Habang naglalakad sa daanan, hindi ko maiwasang mailang sa mga taong nakatingin sa amin at nagbubulungan.
"Whoah, is she the transferee?"
"She looks weak"
"She's cute"
Yan ang naririnig naming dito sa hallway, naninibago ako, It's my first time in school remember? Pakiramdam ko namula ang mukha ko s ahiya, I have never given this much attention before.
"Oh. Instant celebrity ka na agad! " bulong saakin ni Shane
"So popular na like us! haha!" tili ni Tracy, napangiwi ako at pumunta sa likod ni Shane. Being in the spotlight is really uncomfortable.
"Popular? sikat kayo dito sa Academy?" Naguguluhan kong tanong sa kanila. Tracy just shrugged and smile at every person she meets.
"Hindi ko alam kung sikat ba ang tawag dun pero kasi, our group has the rearest people who can control elements. Which is pretty rare kaya nabibigyan kami ng espesyal na attention"
"Woah, so parang may special treatment kayo" mangha kong tanong sa kanya. Tumango siya pero ngumiti ng mapait.
"Yeah, we have privileges, being powerful and all pero kami ang una na mamamatay kapag nagkaroon ng gera. We serve in the frontlines"
Bigla ako nalungkot sa sinabi niya. People who recieved more get to pay more.
"Speaking of, Bakit hindi natin sila kasabay?"luminga linga ako pero hindi ko sila nakita "Wala lang, magkikita parin naman tayo mamaya sa classroom ehh."sagot ni Shane
napa 'ahh' nalang ako, biglang tumigil si Tracy kaya napatigil rin kami, biglang nanlaki ang mga mata niya
"Hala, sabi ni Kuya pupunta muna tayo kay Headmaster para i-enroll ka, nakalimutan ko"
--
END