LEAN MACAROV Hinampas ko siya sa dibdib at sabay kaming tumawa. "Pero seryoso," napatingin ako sa mukha niya, nakangiti siya pero kumikinang ang mga mata niya, parang may tinatago siya sa likod nito "Ang gusto ko lang ay ang makakabuti para sayo Lean, ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko na rin" Napangiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit bago bumitaw. Nagabgo ang kanta at napunta naman ako kay Luke. Nanlaki ang mga mata ko, kulay berde ang suit ni Luke na may puting turtle neck sa ilalim, ang buhok niya na karaniwan na nagkakalat ay nakasuklay. "Himala," natatawa kong sabi sa kanya "I never thought a green suit would look so good" Napangisi siya at mas nilapit ako sa kanya. "You look stunning," bulong niya sa tenga ko "You look like a walking ball of fire." Tinulak ko siya n

