LEAN MACAROV Umuwi ako sa dorm pagkatapos ng nangyari. Tapos na ang concert at nagsiuwian na ang mga studyante sa kani-kanilang mga dorm. "sigurado ka bang ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Krayver sa akin bago ako pumasok sa kwarto. Tumango ako sa kanya at binigyan siya ng isang matamlay na ngiti. Pumasok ako sa kwarto ko para madatnan si Tracy, Shane at France na nakaupo sa higaan, nakapajama at hawak-hawak si Rift sa kanilang kandungan. Lumipad si Rift palapit sa akin, niyakap ko naman siya. Gumawa ng parang umiiyak na ingay at man isiniksik ang kanyang sarili sa akin. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina, niyakap ko si Rift ng mahigpit at napaiyak. Nilapitan agad ako ni Tracy at Shane para yakapin. Si France nanatiling nakaupo sa kama at nakatingin lang sa akin, parang hi

