LEAN MACAROV "Bakit ganyan mukha mo? ayaw mo bang maging partner ang gwapo na tulad ko?" Lumapit sina Wade at iba naming mga kaibigan. Sinamaan ko ng tingin si Wade, hindi niya sineseryoso yung pagdadamdam ko. Lumapit si Shane at Tracy at yumakap ng mahigpit. "Nagsisi ako na naging Academy officer pa ako. Forget the benefits, I wanna sleep" sabi ni Tracy na nagkakalat ang buhok at nangingitim ang ilalim ng mga mata. "Nagugutom na ako," sabi ni Shane "Isang oras lang ang break namin kailangan kong kumain ng madami." Napatawa ako, hindi lang sila ang mukhang mga pagod. Maging si Tristan, Kairo, Luke at Wade ay mukhang bibigay na din. "tara, kain mo na kayo, ako magbabayad" sabi ko sa kanila, nanlaki ang mga mata nila. "Talaga!?" sigaw ni Trsitan "Kahit ilan ha, walang bawian." "Oo

