3RD PERSON'S POV Bumaba ang Head Master mula sa Griffin na malaki ang pinagkaibiga mula nang una siyang mahanap ni Lean, hindi na ito ang maliit na Griffin na nakilala niya dahil isang malaking nilalang na ito. "Rift" nanghihinang sabi ni Lean nang makita ang kanyang alaga. Lumapit si HM sa harapan ng pader at napailing. "Dahil sa katandaan hindi na mabilis na makarekober ang katawan na ito," malungkot niyang tiningnan ang mga studyanteng walang malay at mga sugatan "Paumanhin, ngunit responsibilidad ng isang magulang ang protektahan kayo at ito nalang ang kaya kong maibigay." Tumayo si Lean, nararamdaman niya unti-unti nang bumabalik ang lakas niya at nawala na rin ang pagkahilo niya. Itinaas ni HM ang kanyang mga kamay at itinapat ang kanyang mga palas sa malaking apoy na ilang metro

