3RD PERSON'S POV Nanlaki ang mga mata nila nang may malaking bola ng apoy ang lumilipad papunta sa loob ng pader. "Arial Attack?!" gulat na sigaw ni Tracy "Akala ko ba maglalakad lang sila!" Nakarinig sina ng dumadagunggong na sigaw ng isang malaking nilalang sa itaas ng mga puno. May itim na dragon ang lumipad sa taas nila papunta sa loob ng Vindora. Bumagsak ito sa mga mga bahay at dumulas papunta sa gitna ng Capital. Dahan-dahan itong tumayo at gumawa ng nakakabingi na ingay. Mula sa balkonahe ng kastilya ay lumabas ang reyna na nakaawang ang bibig. "Dark Dragons," bulong niya sa sarili na puno ng takot "Oh, no, no, no" Tumayo ang itim na dragon, hindi man kasing laki ng mga elder dragons na kasinglaki na ng isang kasilya, ang dark dragons ay kasing laki ng tatlong bahay ngunit

