LEAN MACAROV Nahulog kami sa parang walang katapusan na bangin, tinatangay ng hangin ang buhok at damit ko. Nanatili akong nakapikit at mahigpit ang hawak sa kamay ni Flame sa buong pagkahulog. Naramdaman kong bumagsak ako sa malambot na bagay, binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko ang mga kaibigan na tumatawa. Pinagtatawanan ni Tristan at Krayver ang makalat na buhok ni Wade at ganun din naman si Wade. Si Kairo naman tinutulungan si Luke na hanapin ang salamin niyang nawala. Si Tracy naiinis dahil nasira ang ayos ng buhok niya si Shane naman ay natatawang kinakausap si Tracy. "Please get off me" Napalingon ako kay Flame na nakatingin sa ibang dereksyon, namumula ang tenga niya. Ngayon ko lang napansin na napaupo ako sa tiyan niya, kaya pala hindi masakit ang pagbagsak ko. Tumayo ako a

