LEAN MACAROV Nagising ako nang makarinig ng nagkakagulo sa baba. Kinusot ko ang mga mata ko at lumabas ng kwarto, pagkababa ko nakita ko silang nagtatalo. Kumunot ang noo ko at tumabi kay Flame na nagbabasa habang nagtatalo sila. "Ano meron?" mahina kong tanong, hindi ko pa maintindihan ang pinagsasabi nila dahil kagigising palang din ng isip ko. Hindi ako pinansin ni Flame kaya sinilip ko siya. Napalayo ako ng upo nang makita ko ang madilim niyang ekspresyon, parang may malaking apoy na nakapalibot sa kanya na ayaw niyang makausap siya. Pero hindi ko alam kung imagination ko or totoo ba talaga? Lumapit ako kay Kairo na seryosong nakatingin sa kanila. "Kairo, Kairo" tawag ko sa kanya habang hinihila ang ang sleeve ng shirt na suot niya, mukhang natauhan siya at napansin ako pero para

