LEAN MACAROV "Nagugutom ako" reklamo ni Flame habang papunta kami sa office ni HM, may sasabihin daw siya sa amin. "Dapat kasi prinito nalang nating yung isda kanina." Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. "Hoy Flame umayos ka nga" inis kong sabi sa kanya. Parang kanina lang nag-eemote dahil bumalik yung ex-lover niya pero ngayon ako nanaman yung pinagdiskitahang paglaruan. They still seem uneasy about it pero mas kumalma na ngayon, not like this morning. Pumasok kami sa office ni HM at mabilis na umupo sa sofa. Nakapambahay si HM at dala yung stick niyang massager. "You have another quest" sabi niya. They groaned still complaining. Maging ako ay natahimik, naalala ko bigla ang nangyari nung nakaraang mga araw. "HM, kadadating palang namin mula sa isang quest. Meron

