LEAN MACAROV "Lean," naramdaman ko ang pagtapik sa pisngi ko "Lean gising na andito na tayo" Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at uminat. "Ow" Binaba ko agad ang kamay ko at lumingon sa tabi ko, nakita ko si Flame na mukhang kagigising lang din. Tiningnan ko siya at si Kairo na nasa baba ng karwahe kaharap ako. "Ikaw yung katabi ko kanina ah" mahinang sabi ko sa kanya, ngumiti siya at nginuso si Flame na humihikab "Kunin ko lang ang mga gamit natin. Gising na kayo" Napaisip ako, buong oras kay Flame pala ako nakasandig sa pagtulog? Tumayo ako at bumaba para tumulong sa pagbuhat ng gamit. Nasa gitna kami ng manipis na daanan ng lupa at napapalibutan ng mataas na mga d**o. Sa harap ay may maliit na bayan, hindi tulad ng pinuntahan namin dati. Ang langit at ang mga ulap ay med

