Masakit ang ulo, at dahan-dahang iminulat ang mata. Nagtaka pa si Dimitri sa paligid na nakikita niya dahil hindi ganoon ang ayos ng kwarto niya. Ipinikit niyang muli ang mga mata, hanggang sa mapagtanto niyang wala talaga siya sa sarili niyang kwarto. Hanggang sa muli niyang iminulat ang mga mata. Doon niya nakita na maliit lang ang kwartong kinalalagayan niya, at kulay puti lang ang lahat ng gamit sa kwartong iyon pati ang cover ng kama. Tatayo sana niya, ng mapansin niyang wala siyang saplot ni isa. Bigla namang binundol ng kaba si Dimitri ng malinaw niyang maalala ang nangyari. Matapos niyang mainom ang alak na binigay ng waiter ay biglang nag-init ang kanyang katawan. Akala niya ay kaya niyang mapipigilan ang nararamdaman. Hanggang sa maramdam niya na parang tinutupok siya ng apoy.

