Makalipas ang isang linggo ay nakalabas na rin ng ospital si Lovelle at Damian. Hindi na tumuloy ang mga ito sa bahay ng lolo at lola ni Dimitri. Hiniling kasi niya na doon na sa bahay niya ang mga ito mag stay. Sa tagal kasi ng panahon. Ngayon lang sila mabubuo, bilang isang pamilya. Hindi iyong nasa ibang bansa ang mga magulang niya, habang nandito siya sa Pilipinas, nag-iisa. Ang company naman sa ibang bansa ay napapatakbo ng maayos ng kanyang ama Hands-on pa rin ito sa company sa ibang bansa, sa tulong na rin ng kanang kamay nito. Tuluyan na rin nakulong si Guiller dahil sa mga kasalanang nagawa nito. Kaso na ginawa nito sa kanyang tunay na ama, at sa pagbabanta sa buhay nila. Ngayon ay pagbabayaran na nito ng matagal ang lahat ng kasalanan nito sa loob ng piitan. Si Lucas at Anna n

