Caroline
Masakit ang paa ko dahil sa mga sugat mula sa pagtakbo kagabi. Bigla akong naging runner. Mabuti na lang at mabilis akong tumakbo kung hindi, baka pinagpipiyestahan na ang katawan ko ngayon. Naiwan ko pa ang sapatos ko, mahal pa naman ng bili pero kailangan ko na ring itapon ang isang pares para hindi malaman ni Dev na ako ang hinabol niya.
I froze the moment I saw him in my apartment. Prente siyang nakaupo, tila hinihintay lang akong magising. Bumaba ang tingin ko sa lamesita, may tasa ng kape-black coffee. Iyong mug ko pa talaga ang ginamit. I scoffed.
Saan kaya siya kumuha ng kapal ng mukha para magtimpla ng kape sa bahay ko nang walang paalam? At bakit bakit ba siya nandito? Alam na kaya niya ang ginawa ko kagabi?
“Ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?” inis kong tanong agad sa kanya.
Buti na lang at hindi ko pa nahuhubad ang medyas na sinuot ko kagabi.
His intense, dark gaze swept over me, sending shivers down my spine. Mariin kong kinuyom ang kamao ko. I forced a blank look, ignoring the way he stared at me. I needed to act like everything was normal-that nothing happened last night.
“Ganyan ka ba bumati sa bisita mo?” he asked casually, taking a slow sip of coffee.
Anak ng tipaklong...
I raised an eyebrow at him-my usual greeting.
“Hindi naman kita bisita. You invited yourself in. Tsk... nagawa mo pang magkape. Hindi rin masyadong feeling close, Villaflore?” medyo casual kong sabi pero pinaramdam ko sa kanya na hindi ako natutuwa na makita siya ngayon. Nagngingitngit akong kumprontahin siya sa nalaman ko kahapon.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Binalik niya ang tingin sa mga mata ko nang walang kakurap-kurap. Nakakatakot. Madilim.
“Ano'ng problema mo?” I asked as if hindi ako naapektuhan sa ginawa niyang hayagang pagsuri sa akin.
Kalmado pa rin siya sa kanyang pagkakape. Binaba niya ang tasa.
“Nasaan ka kagabi?” Tumayo siya, inayos ang jacket, at humakbang ng dalawa-mabigat, mabagal.
Bigla akong kinabahan. Pero bakit ako? Hindi ba dapat siya, kasi siya ang may tinatago?
“Nasa Sta. Monica. Bakit mo naitanong? Pumunta ka ba rito para tanungin lang 'yan?”
Hindi siya sumagot. Parang tinitimbang niya kung nagsasabi ako ng totoo. His eyes stayed locked on mine-sharp, unblinking, cold.
Dumiretso talaga ako kagabi sa Sta. Monica dahil alam kong hahanapin niya ako. Nakipagkita ako kay Logan at sinabi kong wala pa akong bagong impormasyon. Doon na rin ako naglagi nang matagal at siniguradong may mga nakakita sa akin para walang duda.
“Tanungin mo si Jim kung hindi ka kumbinsido,” dagdag ko. “Ano bang problema mo?”
Malakas siyang suminghap parang pinipigil ang inis. Naglakad siya papunta sa pinto, humarap sa akin, at sumandal sa malamig na dingding. Itinukod ang isang paa roon, parang relaxed, pero nakita ko ang paggalaw ng panga niya. Ibinulsa ang dalawang kamay, like he was trying to hold himself together.
“Mahirap akong kalaban, Caroline. Iba ako magalit,” sabi niya nang mababa ang boses, sa ibang gawi rin siya tumingin as if he's warning me or reminding himself.
I lifted my chin and stared back. I gave a small smile. “Mahirap din akong kalaban, Mr. Villaflore.” Kung gusto niya akong takutin, sayang lang ang effort. I've seen worse.
A faint smirk tugged at his lips, like he was testing how far I'd go. Nagtagpo ang matapang naming titig. His eyes dared me to look away. Mine told him I wouldn't.
“Hanggang saan ka dadalhin ng pinaniniwalaan mo?”
I froze for a moment, trying to absorb his question. What does he mean by that? Hinuhuli ba niya ako?
“What do you mean?” I asked softly, trying to read him, pero wala siyang emosyon.
Umayos siya ng tayo at humarap sa akin. “Are you really ready to die for him?”
Si Logan ba ang tinutukoy niya? Ang galing niya. Bilib na ako. Nalaman niya agad na ako ang sumunod sa kanya kagabi. No wonder he's Logan's right hand. But unfortunately, may iba siyang motibo. And that's what I need to figure out. May kinakaharap na problema ang boss namin, at sisiguraduhin kong hindi magtatagumpay si Dev.
Kumurap ako at ngumiti, trying to make the conversation casual. “Hindi ba, iyon naman ang trabaho natin? Unless... we don't believe in the same thing anymore.”
Something flickered in his eyes—a mix of surprise and something darker. His lips curled into a faint, cold smile.
Lumapit siya. Dahan-dahang inabot ang buhok kong nalaglag sa gilid ng mukha at marahang isinuksok sa likod ng tenga ko. Hindi ko inaasahan iyon.
Hindi niya agad inalis ang kamay niya. Parang tumigil ang mundo ko saglit. Ramdam ko ang bahagyang pagbilis ng t***k ng puso ko. Tumikhim ako at iniwas ang mukha sa kanya.
"Sana lang... hindi mag-krus ang landas natin sa ibang pagkakataon." He whispered.
Ang hina ng boses niya. Parang siya lang halos ang nakarinig.
Napatitig ako sa kanya. Nalilito ako sa mga sinasabi niya. Suddenly, there was a silence between us... loud and almost suffocating.
"I am willing to die for him. That's my job, to protect him and his family. At hindi ako magdadalawang-isip na patayin ang sinumang gustong saktan sila... Kahit sino. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat... ang traydor." It was a warning.
A small, sad smile appeared on his lips.
“At bakit ikaw, Villaflore? Hindi ba... iyon din ang gagawin mo?” I asked him, but I doubt that he'll answer the same.
I feared that his betraying us. At sana mali ako... that what I saw yesterday was part of his mission.
He laughed, a sarcastic one-and I hated it. Pero bigla siyang sumeryoso. Lumalim ang mga mata.
“Countless times, Babs. And I would still do it without a second thought. Hindi ako gagawa ng ikapapahamak niya. Trust me. We're still on the same boat.”
My lips parted. Ramdam ko na totoo ang sinasabi niya, pero halatang may malalim siyang pasan na gusto kong intindihin. My heart felt heavy and aching.
Bakit nasasaktan ako sa mga sinabi niya? Natatakot na hindi ko mawari.
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit, paghihirap, at pagod. And in this moment, gusto ko siyang lapitan at yakapin-gusto ko siyang i-comfort at ipaalala na nandito ako, ang partner niya.
I faked a soft smile, the kind that didn't quite reach my eyes.
“Kung parehas tayo nasa iisang bangka, hindi tayo magkalaban. Pinapaalala ko lang sa iyo, trabaho natin ang protektahan si Logan at sina Miss Calli. Kaya tayo naririto para sa kaligtasan nila, hindi para ipahamak sila.”
He met my gaze, and I could feel the weight behind his eyes. He swallowed, a slow, deliberate gulp. “Lahat ng tao ay mamatay. We cannot escape death.”
Napalunok ako. Kinabahan. Sa tono ng boses niya, halata na wala siyang kinatatakutan
“Enough, Dev. Walang pupuntahan ang usapan natin. At saka bakit ba ganito ang pinag-uusapan natin? Wala namang traydor sa grupo natim, 'di ba?”
He just nodded.
I looked away. I sighed. “By the way, ikaw, nasaan ka kagabi?”
“Mission. I was on my mission.”
I don't believe you.
I balled my fists and shrugged my shoulders. The room suddenly felt smaller.
“May pinapahanap sa akin si Boss Logan.” His eyes stayed locked on mine.
Pinapahanap? Kung parehas kami ng hinahanap, bakit hindi kami magkasama sa mission?
I wanted to ask those questions, but I decided not to. "Talaga? Nahanap mo ba?"
"I do. Kilala mo ako magtrabaho."
Alam na alam ko kaya sana nga nagsasabi ka ng totoo.
Napalunok ako, nanlambot sandali. But I quickly composed myself. I cleared my throat. "Alam ko."
Mission is mission.
He nodded slowly and then shrugged as if it didn't matter anymore.
Naglakad ako papunta sa lamesa. Studio-type lang ang apartment ko, may isang kuwarto, magkatabi ang dining at sala, at may maliit na kusina sa gilid.
Bahagya akong nagulat dahil may pagkain na nakahain na tinakpan lang ng plato. Nilingon ko siya. Nanatili lang ang panitig niya sa akin. Hinila ko ang upuan at umupo saka binuksan ang takip na mga plato.
"Ano 'to?"
"Pagkain?"
"Alam ko. Pero bakit mo ako pinagluto?"
Tumabi na rin siya sa akin. Hinila ang isang bakanteng upuan. Tinanggal ang jacket. Nasundan ko siya ng tingin. Bakit ang dali sa kanya na parang normal lang ang pinag-usapan namin kanina?
Kanina lang ay halos lamunin na niya ako ng buo sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Tapos ngayon, umaakto siya na wala lang iyon.
"Ano bang nakain mo at bakit ganito ka kaseryoso? Ang aga-aga, Dev. Pwede ba? Kung gusto mo na naman akong bwisitin, huwag ngayon kasi kailangan ko pang alagaan si Duncan."
I changed the topic on purpose. This was too heavy to bear right now.
"I know you know what I mean."
Napamaang ang labi ko. Napahawak ako sa dibdib.
"Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo. Gusto mo ba ng almusal?" I asked instead, trying to lighten the mood. Though I had a hint of what he was saying, it wasn't clear. Ang lalim ng pinag-uusapan namin.
Natatakot ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa maaring mangyari.
We fell silent for a moment. Then bigla siyang tumawa nang malakas.
Ito na ang Dev na kilala kong palaging mapang-asar. Baliw na ba siya?
"Yeah. I want breakfast. Sira na pala ang coffee maker mo. Nagpa-init na lang ako ng tubig. You better buy a new one. You know I love coffee in the morning."
"Kakaiba ka rin, 'no? May balak ka pa yatang ulitin ang pagpunta dito sa bahay ko."
Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang upuan ko palapit sa kanya. Dumikit ang kamay niya sa baywang ko, at para akong nakuryente. Magaan lang ang pagkakadampi pero sapat na upang magpabilis ng t***k ng puso ko.
"Ano ba?!" mariin kong singhal sabay tulak sa kanya.
Bigla niyang inilapit ang mukha niya, halos magdikit ang mga labi namin pero tumigil siya bago pa man magtagpo. Parang tinutukso ako, hinahamon ako kung bibigay ba ako.
My breath came shallow. "Ano ba, Dev?"
Hindi siya natinag sa pagtulak ko sa kanya. Pinagdikit na niya ang upuan naminin at hinawakan ang isang kamay.
"Gago ka. Bitawan mo nga ako!" singhal ko upang itago itong nararamdaman ko. Hindi ito maganda. Kapag patuloy siyang lalapit, baka... hindi na ako makapagpigil. Napapaso ako sa kanyang mainit na katawan.
Then, with a voice low and rough, he whispered, "I want you, Babs."
"Will you stop calling me Babs? Hindi mo naman ako nobya." I frowned.
Bakit may parte sa puso ko na kinikilig sa kanya? Para bang... matagal ko na siyang kilala.
Weird.
"Eh 'di tayo na," he said with a playful smile, even winking at me. "Sinasagot na kita."
Nagdikit ang dalawa kong kilay. Nag-init din ang bunbunan ko sa mapang-asar niyang banat. "Kapal! Siraulo ka."
His loud laugh echoed through the room.
Bakit ang sarap pakinggan ng tawa niya? I can sit here all day listening to his laugh. And I hope we'll always like this. Kahit asarin niya ako ng asarin basta siya pa rin si Dev na kilala ko.
"Masaya ka?" I shot back, mocking him.
He nodded without hesitation. "Yes. Just seeing you already makes me happy. Pero..." His gaze lingered on me, the corner of his lips curling into a smirk. "Iba ang gusto kong almusal, Babs."
"Bastos!" My protest came out half-hearted. "Kulang ka pa yata sa kape!"
Tumayo ako't handa nang umalis pero maling-mali ang ginawa ko. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako pabalik kaya napaupo ako sa kandungan niya.
Napakapit ako sa kanyang malapad na balikat para hindi tuluyang matumba. Pero bago pa ako nakapag-react, mahigpit niyang hinawakan ang batok ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang pilyo niyang ngiti!
And without warning, his lips crashed into mine... mabilis, marahas, at parang ayaw na niya akong pakawalan