Chapter 11

1166 Words
Caroline "Here's your order, Ma'am. Enjoy your food," nakangiting sabi ng waitress pagkatapos nitong nilapag ang pagkain na in-order ko. Nakaupo ako sa kabilang dulo ng restaurant kung saan naroroon ang mga taong pinapahanap ni Logan. My body tensed, and my heart raced when I saw Dev coming. Namilog ang mga mata ko. Muntik na akong mapatayo but then I stopped when he sat casually with the people Logan had been looking for. Shit! Ano'ng ginagawa niya rito? He was wearing his usual attire - his wayfarer, denim black jacket, and jeans. Ramdam ko ang tension sa table nila. The two of them were arguing, but Dev sat calmly, his arms crossed, with a blank look on his face like he didn't care about the argument. Maya-maya ay may pumasok na lalaki at lumapit sa kanilang table. Yumuko kay Dev bilang paggalang as if he was some kind of boss or king. What the hell? Bakit siya yumuko kay Dev nang ganun na parang boss niya? Dev had the same facial expression - no reaction at all. Walang pakialam sa taong bumati sa kanya. Then I remembered someone. May kahawig siya na hindi ko matandaan kung saan ko nakita. The way he looked, the way he calmly sat or maybe a frustration was all over him but just kept silent. Ngumisi siya ng may sinabi sa kanya ang kaharap at napailing. Logan... Mas dumagundong ang kabog sa dibdib ko. Hindi maaring si Logan ang kamukha niya. Pero kung titingnan mong maigi, may pagkakahawig nga sila. In their eyes maybe? But I saw in him the way Logan moved. I just couldn't explain or pinpoint their exact similarities, but somehow, the way he was looking blankly, he looked like Logan. Baka dahil lagi silang magkasama kaya nagagaya na niya kung paano kumilos si Logan. Nag-iisang anak lang ang boss namin. Masyado na yata akong maraming iniisip kaya kung ano-ano na ang napapansin ko. Magtrabaho na nga ako! Pinilig ko ang ulo sa mga napapansin. I released a breath, my curiosity piqued. Sinilip ko ang wristwatch - seven in the evening. My food looked undeniably delicious, pero tila nawala ang gana ko. My appetite wouldn't let me eat, knowing I might miss even the slightest detail sa nangyayari kina Dev. My chest tightened as my eyes followed their every move. My mind buzzing with questions I couldn't silence. Hindi sinasadyang napatingin ako sa waitress, and she smiled at me, soft and polite. I managed a faint smile in return and sighed. Wala na rin akong choice kundi simulan ang pagkaing in-order ko kahit wala akong ganang kumain. My hands felt a little shaky as I picked up my fork. Dahan-dahan kong ginalaw ang pagkain habang nananatiling nakatuon ang mga mata ko kina Dev. I held my gaze steady, afraid to blink, afraid to lose sight of him. Maya-maya ay tumayo siya. Tumayo rin ang mga kasama niya at nakipagkamay sa kanya. My thoughts tangled in confusion with questions piling up fast. What the?! Gusto ko na siyang lapitan at tanungin, but I couldn't. My legs felt heavy. I clenched my hands under the table, forcing myself not to let my emotions take control of me. Besides, I have all the evidence on my phone. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos sa gagawin. Alam kong hindi niya ako sasaktan. Hindi nga ba niya ako kayang saktan? I lifted my glass and sipped while keeping my gaze on him. Logan once told me that I should trust no one. Does he know about this? Is this part of his plan? Bakit niya sa akin pinapahanap ang mga taong iyan at hindi kay Dev? But Dev is his most loyal and trusted man. Handa itong ibuwis ang buhay para sa kanya. Still... a strange doubt crept in. What if Logan knew something I didn't? What if Dev wasn't who I thought he was? And what if Logan sent me here not to find those people... but to watch Dev? What if this was never about them? Pero paano kung inutusan lang din si Dev at may sarili siyang mission? Sumasakit ang ulo ko sa dalawa. Malalaman ko rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan kong mag-ingat. Sasabihin ko na ba kay Logan ang nakita ko ngayon? Not yet. I need to confirm something. Ano kaya ang tinatago mo sa amin, Dev? Agad din akong tumayo at lumabas upang sundan sina Dev. Pumasok sila sa kanya-kanya nilang sasakyan habang si Dev ay naiwan sa parking lot. May kausap siya sa phone. Sinundan ko ng tingin ang mga sasakyang magkakasunod na umalis, their lights fading into the distance. My chest tightened. I hesitated for a moment, torn between chasing those men or staying. But my gut told me to stay. I chose to follow Dev instead of those two men he was talking to a while ago. I saw him tighten his jaw, his fist clenching at his side. Lumapit ako nang dahan-dahan. Muntik na niya akong makita dahil bigla siyang lumingon. Ang lakas ng pakiramdam niya na may nagmamasid sa kanya. Maingat ko siyang sinilip mula sa pinagtataguan kong sasakyan na Fortuner. But his eyes... they caught mine. Nakatingin siya sa gawi ko. My heart stopped. Then it raced-hard and fast. Parang may malamig na dumaloy sa dibdib ko habang nanatili akong nakayuko, hoping he didn't really see me. Shit! s**t! s**t! I slowly crouched lower, sliding my foot backward, careful not to make a sound. Hindi niya ako pwedeng mahuli. A single wrong move and he'll catch me. I glanced to the side-may nakaawang na space sa pagitan ng dalawang sasakyan. That was my only way out. I took a silent step back and another. Maingat. Pucha naman! Sumabit sa may grills ng drainage ang heels ko. Ngayon pa talaga. I heard his footsteps coming toward me. Nanlamig ang pawis ko. Hinila ko nang marahan ang paa ko pero ayaw kumawala sa grills! His footsteps were getting louder. Closer. Shit! Konti na lang... Makisama ka naman. Tinanggal ko na lang ang paa ko sa sapatos at mabilis na umalis palayo sa sasakyan at lumipat sa kabila. The cold ground bit into my bare foot, but I didn't care. He's fast. I know how he works. Maingat si Dev at mabilis. Tumakbo ako palayo dahil mahuhuli na niya ako. Masakit sa paa ang ilang mga batong naaapakan ko, pero hindi ako pwedeng tumigil. I heard him. Humahabol siya sa akin! Pucha! Tumawid ako sa kabilang kalsada kahit naka-go ang mga sasakyan. Muntik pa akong mabangga ng sasakyan. I felt the shortness of my breath as I was running not to get caught. Tumakbo ako papunta sa kabilang street kung saan naka-park ang sasakyan ko. Finally, I reached my car. My bare foot aching with every step. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, pinaandar ko agad. I couldn't stay here for long. Any moment now, I'm sure he'll be here. Kahit na nakasuot ako ng nakapang-disguise, malalaman niya kayang ako ang hinabol niya? Pucha, sana hindi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD