Chapter 6

1547 Words
Caroline “What are you saying, Knight?” kunot ang noo kong tanong sa lalaking halos kainin na ng buhay ang lalaking kasayaw ko. Knight just smirked. Pinanlakihan ko siya ng mata. He was my classmate way back in college. Manliligaw. Makulit na manliligaw to be exact. Ano'ng ginagawa niya rito? Matagal ng walang paramdam ang taong 'to simula nang umalis siya papuntang Singapore. He’s still the same. Bigla na lang susulpot out of nowhere. His body build is much bigger than before. Hapit sa kanya ang long-sleeve niyang suot. He looked kinda formal and serious. Iyong mga tipong masungit na boss. “Yes, wifey?” His voice became soft this time. “Wifey? I doubt that. The way she reacted when you called her misis ko, she felt sick,” sagot ng lalaki. Paladesisyon din pala itong lalaking 'to. “Excuse me?” Inirapan ko nga. “Hindi ba? He's not your husband.” He asked me, confirming. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Namaywang si Knight as if he’s waiting for my confirmation. “Babs, you're here. Kanina pa kita hinahanap.” Another familiar voice spoke beside me. Dumagdag pa ang isang ‘to! I turned around and saw Dev. What a night. Gusto ko lang naman matapos ang trabaho ko para makauwi na ako. Hinapit ako ni Dev sa baywang palapit sa kanyang katawan. Walang preno ang galawan. “Dev!” Napasubsob ako kanyang dibdib. In fairness, ang bango niya. Hindi masakit sa ulo ang pabango niya. “And who are you?” Magkapanabay na tanong ng lalaki at Knight. Nilingon ko ang dalawa. “Are you guys crazy?” tanong ng lalaking kasayaw ko kanina sa aming tatlo. “What the hell is this all about?” “And who are you?” asked Knight to Dev. Matalim niya itong tinitigan. Naghahamon ng away ang tingin. “And who the f**k are you?” Dev returned the question to Knight instead. Tinapatan niya rin ng matalim na titig si Knight. “Tumigil kayo. Mapapalabas tayong apat dito sa bar.” May diin kong sabi. “I'm her husband. Why? Do you have a problem with that? ” maangas na sagot ni Knight at hindi ako pinansin. Maingay ang paligid pero dinig ang boses nilang nagpapataasan ng yabang. “Asawa? Are you f*****g serious?” ulit ni Dev. “f**k you.” Mabuti na lang at mga lasing na iyong mga tao sa paligid namin kaya wala silang pakialam sa amin. “Tang ina ka pala, e! Hindi mo ba ako kilala? O gusto mong itapon kita palabas ng bar na ‘to.” Napalunok ako sa sagot ni Dev. Baka patulan niya si Knight at bigla na lang gawan ng masama. Papalag sana ako kay Dev ngunit hinigpitan niya ang pagyakap sa baywang ko. Dikit na dikit. Baka makawala si Mr. Liu sa pinaggagawa nilang tatlo. “I don’t f*****g care who you are.” Nalintikan na sa kayabangan ng dalawa. “I'm out of this drama,” saad ng lalaki and he walked away. Nakipagsayaw na lang siya sa iba. Napansin ko na nakakakuha na kami ng atensyon sa mga nagbabantay ng bar. Kumawala na ako kay Dev. “Pwede bang tumigil ka na? Mapapalabas tayo ng wala sa oras dahil sa iyo.” Mariin kong sabi. “See? Ayaw niya sa iyo. Come here, Caroline.” Hinila ako ni Knight. Hindi rin ako pinakalawan ni Dev dahil hinawakan niya ako sa kamay. So, naipit ako sa dalawang isip bata. “Tumigil nga kayong dalawa.” May diin kong sabi. “Para kayong mga bata.” Sabay agaw ko ng kamay sa kanilang dalawa. Nilapitan na nga kami ng bouncer. “May problema ba dito mga Boss?” “Wala pre. May lamok lang na umaaligid sa misis ko,” sagot ni Dev. “Ako bang tinutukoy mong lamok?” tanong ni Knight. Dev raised his middle finger. “f**k you.” Susugurin ni Knight sana si Dev ngunit agad na nahawakan ng bouncer ang kamay ni Knight. Malaki si Knight pero mas malaki ang katawan ng bouncer at marami sila. “Magpalagay kayo mga pre ng pamatay ng lamok dito sa bar. Mahirap na baka magka dengue pa tayo.” Ang bwisit talagang mang-asar nitong si Dev. “Damn you!” Gigil na gigil si Knight. Hinila ako ni Dev palayo. Nakawala na tuloy si Mr. Liu dahil sa kanila. “Alam mo ikaw, muntik na ako makalapit kay Mr. Liu kung hindi ka nangialam at hindi mo pinatulan si Knight. Tingnan mo, nakaalis na ng hindi ko napansin.” Galit kong sabi pagkalabas na pagkalabas namin sa bar. Muntik pa akong matumba dahil ang taas ng heels nitong suot kong sandals. Aalalayan niya dapat ako pero tinabig ko ang kamay ko. “Kaya ko.” “Ang yabang mo ikaw na ang tinutulungan.” “Oh, thank you ha!” pilosopo kong sagot. “Umayos ka nga. Tingnan mo nga 'yang suot mo halos mahubaran ka na diyan. Magpasalamat ka at dumating ako kung hindi, pinutakte ka na ng dalawang lamok na 'yon lalo na ang mukhang pambira sa puti ng lalakinh 'yon!” “Si Knight ba ang sinasabi mo? Saka ano ba dapat ang suotin ko sa bar? Nakapajama at tsinelas? Kung hindi ka dumating nakalapit na sana ako kay Mr. Liu dahil dito sa suot ko.” “Ako pa ang sinisisisi mo? Lumakad kang mag-isa sa mission nating dalawa. Nating dalawa.” Pinagdiinan niya ang salitang dalawa. “Kaya ko naman tapusin ang mission kahit wala ka.” Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Sumunod siya sa akin papuntang parking lot. “It’s our mission, Caroline. Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang pinasok mong bar? Kuta ng mga sindikato at adik. Wala kang laban sa kanila dahil hindi ka nila sasantuhin kahit babae ka.” Nilingon ko si Dev. “At tayo, ano’ng tingin mo sa trabaho natin? We are just the same as them. We kill people for a living. At sa tingin mo natatakot akong mamatay? No.” “Pera lang ba ang lahat sa iyo?” Kunot ang noo ko sa tono ng boses ni Dev. Naging seryoso at parang may pinaghuhugutan. Ang lalim. Is it all about money? “Bakit ikaw? Hindi ba pera lang ang dahilan ng 'to kaya ganito ang trabaho mo?” Dev clenched his jaw. Lalo niyang kinuyom ang dalawang palad habang nakatingin ang mga mata niyang puno ng kalungkutan. “Siguro nga.” There's a silence between us after his short answer. “This is not all about money, Dev. Ginagawa ko ‘to dahil malaki ang utang na loob ko kay Mr. Logan. Ginagawa ko ‘to dahil sa pamilya ko. At hindi mo iyon maintindihan dahil wala kang pamilya.” I felt a pang of pain in my chest as I looked into his eyes. Bakit ang bigat ng puso ko bigla? Bakit ako tila nasasaktan sa mga binitawan kong salita? “Look, Dev. Nandito tayo para sa trabaho. Wala akong pakialam kahit ikamatay ko pa ang mission ko,” sabi ko sabay talikod sa kanya. “Umalis ka na sa Black Eagle. Ako ang bahala sa iyo.” Napatigil ako. Biglang tumibok nang malakas ang puso ko. I swallowed. Bahagya ko siyang nilingon pero hindi ako nagsalita. “Tama ka hindi kita maintindihan, at hindi mo rin ako maiintindihan. But save yourself. Habang may pagkakataon pa, umalis ka na sa organisasyon. Magbagong buhay ka. This job is not for you. Kung kailangan mo ng tulong para makaalis, sabihin mo lang.” Napaawang ang labi ko at muli akong lumingon kay Dev. It was a different picture of him under the stars. Seryoso. Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. The atmosphere became heavy as we stared at each other. Tila tumigil ang mundo sandali. I bite my lower lip. Logan needs me. I still have my last mission before I leave Black Eagle. Gusto kong isatinig pero sa ngayon kaming dalawa lang ni Logan ang nakakaalam sa mission ko. At hindi ko alam kung makakalabas pa ako sa organisasyon ng buhay pagkatapos ng mission ko. “Bakit ba bigla na lang ay naging concern ka sa akin, Villaflore?” I asked him instead to lighten the atmosphere. Hindi ako sanay na ganito ang pag-uusap naming dalawa. Dev was just looking at me. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang slacks. He shrugged his shoulders. He smiled. Siguro ay naramdaman niya na naging seryoso ang usapan naming dalawa. “Wala lang. Ayaw ko lang maging byudo agad.” He said. Nawala na ang pagiging seryoso niya. Bumalik ang aura niya na laging nakangiti at mapang-asar at nuknukan ng pilosopo. “Ikaw naman, syempre lahi muna ang iisipin ko. Sayang kung hindi tayo makabuo kahit isa kung mamamatay agad ang asawa ko.” My face turned sour. “Funny,” sarcastic kong sabi. I crossed my arms in front of my chest. Malakas na tumawa si Dev. Iyong tawa na malutong pero ramdam ko ang lungkot dahil abot sa kanyang mga mata ang tawa niya. “Ang ganda mo talaga kahit pikon ka, Babs.” “Bwisit!” sabay irap ko at mabilis na naglakad papunta sa kotse ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD