Caroline
Black Eagle sent me a mission order. My newest target is a Chinese businessman from China.
I bit my lip after reading my mission for the second time. Naikuyom ko rin ang aking kamao dahil si Dev ang kasama ko sa mission. Kung hindi nga naman ako minamalas sa katandem ko palagi. Para na akong babangungutin dahil hanggang dito sa bahay ay siya pa rin ang kasama ko.
Binalik ko ang phone sa bulsa at nilingon si Duncan na naglalaro.
Lumapit ako kay Clarita, ang yaya ni Duncan. “Ikaw na muna ang bahala sa kanya. May pinapagawa pa sa akin si Sir Logan.”
Nag-angat ng tingin ang bata nang marinig ang pangalan ng daddy niya. I smiled at him. Kamukha siya ni Boss Logan. Hindi maipagkakaila na anak niya ito. May pagka-mestiso ang itsura ni Duncan dahil may lahing banyaga ang lolo niya.
“I’ll be back, baby Logan. I have important things I need to do. Your yaya Clarita will take care of you while I’m not around. You behave, okay?” I said to him.
Kumunot ang kanyang noo but he nodded slightly. “Okay.”
Pagkatapos tumango ni Duncan binalik niya ang atensyon sa paglalaro.
Napangiti ako sa tipid na sagot ni Duncan. Kapag walang sumpong ang batang 'to, ang sweet saka ang clingy. Minsan nga lang may pagkasuplado.
“Ako na ang bahala sa kanya, Lyn. Tapusin mo na iyong pinapagawa sa iyo ni Sir Logan,” saad ni Clarita. Dinampot niya ang ibang laruan ni Duncan na nakakalat sa sahig at nilapit sa bata.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa natapos siya sa ginagawa niyang paglapit ng mga laruan sa bata.
“Salamat. Kapag may kailangan ka tumawag ka agad sa akin. Babalik din agad ako.”
Tumango si Clarita. “Sige, ingat.”
I smiled at her. Laking pasasalamat ko rin talaga dahil masipag si Clarita sa pag-aalaga sa bata. She’s young but mature in the way she does her job. Wala akong dapat ipag-alala dahil maasikaso at alagang-alaga si Duncan.
I waved my hand to Duncan. “Bye, baby Logan.” And he waved back to me.
Tinapunan ko pa ng huling sulyap si Clarita bago tuluyang lumabas ng silid.
Kahit ilang araw na masakit ang katawan ko dahil kapag nag-tantrums si Duncan ay nagpapabuhat. Nakakalungkot din palang iwanan siya kahit saglit. Ngayon lang ulit ako makakalabas ng isla dahil iba ang trabaho na binigay sa akin ni Boss Logan.
Takang-taka na nga talaga ako dahil hindi pinupuntahan ng mommy niya ang bata.
Paano kaya niya natitiis na hindi puntahan si Duncan? At bakit kaya kinukulong din ni Boss Logan si Miss Calli? Nakikiramdam lang ako sa kilos nina Boss Logan at Dev. Pagdating sa bata at kay Miss Calli, hindi ako makabwelo na mapakinggan ang pinag-uusapan nila.
Naisip kong utuin si Grec na isama ako kapag maghahanda ito ng pagkain ni Miss Calli para naman makita ko siya at makausap. Hindi naman ako nangingialam, pero gusto ko lang siya makita. I would tell her how her son misses her so much.
Paano kaya niya natitiis na hindi puntahan si Duncan? At bakit kaya kinukulong din ni Boss Logan si Miss Calli? Nakikiramdam lang ako sa kilos nina Boss Logan at Dev. Pagdating sa bata at kay Miss Calli, hindi ako makabwelo na mapakinggan ang pinag-uusapan nila.
Naisip kong utuin si Grec na isama ako kapag maghahanda ito ng pagkain ni Miss Calli para naman makita ko siya at makausap. Hindi naman ako nangingialam, pero gusto ko lang siya makita. I would tell her how her son misses her so much.
Kahapon nga nandito ang mga kaibigan at ang pinsan ni Boss Logan. Lahat sila ay hindi sila makapaniwala na may anak na ang kaibigan nila. Sa kanilang magkakaibigan, ang pagkakaalam ko ay si Bossing ang pinakabata. Siya rin ang pinaka-easy go lucky sa kanila at maraming babae. Kaya nagulat din ako na siya pa ang nagkaroon ng anak sa kanilang seven na founders.
Naisip ko na gusto niya talaga si Miss Calli kaya binuntis niya. Ang swerte niya kay Bossing. Nakikita ko kung paano tratuhin ni Bossing si Ma’am Dorcy. Pagdating sa mommy niya ay mapagmahal at protective si Bossing kaya ang swerte ng magiging asawa niya.
Pagpasok ko sa loob ng silid ay ni-lock ko ang pinto at sinimulang hubarin ang mga damit ko upang makaligo na. Kinuha ko ang roba at sinuot. Nakaligo na ako kaninang umaga pero sa tuwing aalis ako ay naliligo ulit ako to freshen up. Pagdating ko ay naliligo din ako dahil nanlalagkit ang pakiramdam ko kapag galing sa labas.
Naisip ko bigla kung nabasa na ni Dev ang bago namin na mission. Wala pa siyang tawag o paramdam kahit sa text lang.
Dinampot ko ang jeans na kakahubad ko lang at kinuha sa bulsa ang phone ko. Nilagay ko sa ropero ang marumi kong damit.
I dialed Dev's number. Nagdalawang isip ako kung tatawagan ko siya dahil mas okay kung hindi ko siya kasama kaya hindi ko na tinuloy ang pagtawag sa kanya. Magpapatay malisya na lang ako na hindi ko nabasa o nakalimutan ko na siya ang partner ko sa mission ngayon.
I wiggled with my thoughts. Marahil hindi pa niya nababasa dahil busy sila ni Boss Logan.
I dialed Steph's number instead of Dev's and called her. Naka-ilang ring lang at sinagot naman.
"Send me all the details of Mr. Liu. Asap."
Si Steph ang isa sa mga assistant ng Black Eagle. Kapag may kailangan kaming details, lahat ng mga nakalap na information tungkol sa target namin sa kanila kami magtatanong. Pero kung nakulangan kami sa ibang details, kami na ang kumikilos. Pinag-caravan din namin ang bawat information na binibigay sa amin bago namin ginagawa ang mission.
Hindi lahat ng target ay madaling patumbahin. Madalas, mahigpit ang security dahil hindi ordinaryong tao sa lipunan o businessman. Maraming mga illegal na ginagawa kaya alam ang kalakaran.
"Okay. Give me fifteen minutes. I'll send it right away."
"Thanks. Tawagan mo rin si Jordan. Sunduin niya ako sa isla twenty-five to thirty minutes." I replied.
"Taguig or Makati?" tanong niya, referring to kung saan ako mag-stay pagdating sa Manila.
"Hindi ko pa nabasa ang information ni Mr. Liu."
"He's living in Makati, but he's always staying in Taguig these last few days ayon sa information niya."
I slightly nodded. "Then, I'll stay in Makati."
"Alright. I'll tell Jordan. He'll be there in thirty minutes." She replied before she ended the call.
Pagkatapos ng maikling tawag, pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo, na-received ko na ang mga information tungkol kay Mr. Liu. Hindi naman ako nagbabad sa banyo dahil kailangan ko pang maghanda ng dadalhin. Balak ko pang magdala ng salad na gawa ni Joy. Nasarapan ako sa salad. Gustong-gusto ko iyong dressing. Iniiwanan pa niya ako sa ref nang naka-pack na kaya naman iyon ang ginagawa kong dinner.
"Thanks, Joy. Sorry hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Nagmamadali kasi ako hindi kita nakita kanina." Tinaas ko ang hawak kong tupperware nang naabutan ako ni Joy na nagsara ng ref.
"Hindi naman sa akin 'yan." Nagtataka pa ang reaksyon niya pagkalapit niya sa akin.
Nilapag ko sa kitchen counter ang dalawang pack ng salad. Kumuha ako ng paper bag sa loob ng cabinet.
"Pero ikaw ang gumagawa kaya thank you."
"Ha?" nagkamot pa siya ng ulo.
"Pagbalik ko magpapaturo ako sa iyo gumawa ng dressing. Bawi ako sa iyo," nakangiting sabi ko.
"Hindi nga sa akin 'yan."
Hindi ko na lang pinansin ang sinagot niya at nilagay ko na sa paper bag ang dalawang pack ng salad at nagmadali na akong lumabas ng kitchen. "I gotta go. Bye." Pahabol kong paalam.
Ilang damit lang ang dinala ko. Bibili na lang ako ng damit ko pagdating sa Makati kapag kinailangan ko.
Until now, wala pa rin message si Dev. I smirked. Busy ang unggoy na iyon ngayon ah. Busy kumain ng saging.
Gabi na ng dumating ako ng hotel sa Makati. May nagsundo sa akin pagkababa ng chopper at hinatid ako diretso sa hotel na tutuluyan ko ng ilang araw.
I took my phone out of my pocket and checked my messages, but I received nothing from Dev. I shake my head.
Weird.
Ganun ba siya ka-busy?
But I don't care. Magpa-party ako ng husto mamaya sa club ni Mr. Liu dahil ilang araw kong hindi makikita ang pagmumukha ng unggoy na iyon. Dapat mag-celebrate ako dahil tahimik ang magiging umaga ko. Naging tahimik ang buong araw ko dahil walang Dev ang naninira ng araw ko
Inabot sa akin ng driver ang key card ko at ang susi ng sasakyan na gagamitin ko pagkatigil ng namin sa tapat ng hotel.
"Nasa basement parking ang auto mo." Imporma ng driver sa akin.
"Thanks," sagot ko sabay abot ng susi at key card bago siya tinalikuran.
Isang fitted black velvet dress ang sinuot ko na hindi aabot sa tuhod at three inches black heels. Red lipstick lang ang nilagay ko na kolorete sa mukha. Nakalugay lang din ang mahaba kong buhok.
Ayon sa profile na sinend sa akin ni Steph, Mr. Liu is one of the drug dealers ng bansa. Mahigpit ang security at walang basta-bastang nakakalapit sa kanya unless may transaction sa kanya.
Kailangan ko siyang manmanan nang mabuti. Kailangan kong makaisip ng plano kung paano ako makakalapit sa kanya.
Ganitong oras ay nasa bar na siya somewhere in Taguig for his business transaction. Hindi naman kalayuan dito sa Makati.
Hinarangan ako ng bouncer na makapasok pagdating ko sa bar dahil exclusive bar iyon para sa mga kilala at kaibigan ni Mr. Liu. Kumuha ako ng check sa purse at inabot sa kanya. Dinoble ko ang bayad. Wala naman akong gagawin ngayon kundi ang i-stalk ang target ko.
A wicked smile appeared on his lips as I handed him the check, and I was in. Ang bilis niyang utuin. Sa tingin ko naman, hindi lahat kaibigan ni Mr. Liu ang nandito. Pero alam kong may mga mata nang nagsu-surveilance sa akin. Bawat kilos ko ay nakabantay sila.
I ordered tequila negroni. While waiting for my drink, naglilikot ang mga mata ko hinahanap kung saan nakaupo ang target ko.
May tumabi ng upo sa akin sa bar stool ngunit hindi ko iyon pinagkaabalahan na tingnan nang makita ko ang familiar na bulto ng katawan.
Si Dev ba iyon? Sino ang kausap niya? Bakit siya nandito? Galing siya sa itaas kung saan tingin ko naroon si Mr. Liu.
I blink back my eyes. Siya talaga. Napalunok ako't tatayo sana pero hindi ko magawa. Naguguluhan ako na ewan.
My eyes met Dev's gaze the moment he looked at me.
"Dev..." I uttered his name.
Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako na nagdilim ang anyo ng mukha niya nang gumawi ang tingin niya sa katabi ko.
Dumikit ang mainit na braso sa kamay ko ng lalaking katabi ko kaya napilitan akong tingnan siya.
May hawak siyang glass of alcohol on his right hand. Hindi siya nakatingin sa akin but I know he's fully aware that I'm looking at him.
"Arkhie." He said before he sipped his alcoholic drink. Tiningnan niya ako pagkatapos.
Ang swabe ng galawan.
Inabot sa akin ng bar tender ang drink ko.
"Devone," I told him. "Oh, s**t!" mahinang napamura ako. Natampal ko rin ang noo.
Bigla ko kasi naalala na nandito si Dev. Of all names, iyong katunog pa ng pangalan ng unggoy na iyon. Buti hindi saging ang nasabi ko.
I silently hissed. Devone? What the heck! Bwisit na Dev talaga.
Natawa si Arkhie.
"Your name sounds familiar," may himig na pang-aasar ang pagkakasabi niya.
He mouthed f**k you. Tumawa siya na mapang-asar at nakatingin sa harap. Sinundan ko iyon ng tingin ang tinitingnan niya.
“Ako pa ba ang kausap mo?”
“Yeah. I'm just enjoying the night.” He said and smirked. Sa akin na siya nakatingin.
I ignored him. Inirapan ko na siya dahil parang lasing na. Binalik ko ang tingin sa harapan kung saan nakikita ang kabilang side mula sa kinauupuan ko ngunit hindi ko na ulit nakita si Dev. Maraming tao ang nagsasayaw at lakad nang lakad kaya mahirap na siyang mahagilap ulit.
"Hey-" Naiwan sa hangin ang sasabihin ko nang makitang wala na iyong katabi ko.
Hindi ko nagawang sundan ng tingin ang nagpakilalang Arkhie sa akin nang mapansin ko ang mga lalaking nakatingin sa akin. They must be Mr. Liu's bodyguards.
Tumayo ako't lumipat ng pwesto kung saan hindi ako mapapansin. I have no idea kung gaano sila katagal nakatingin sa akin dahil kausap ko kanina si Arkhie.
Nakipagsiksikan ako sa mga nagsasayawan kung saan mahihirapan na mabantayan ako ng mga bodyguards.
Gumilid ako lalo at dinial ang number ni Dev. Nandito siya pero hindi ako nilapitan. May plano rin pala siyang hindi ako isama. Iisa lang ang isip namin. Siya pa ang may lakas ng loob na hindi ako isama. Siguro para sa kanya mapunta ang buong bayad.
Cannot be reached ang number ng unggoy na iyon. Inis kong binalik ang phone sa purse ko.
Nag-order ulit ako ng isa pang negroni dahil hindi ako makalapit sa pwesto nina Mr. Liu na nasa itaas. Doon ko nakita nanggaling si Dev kanina. May kasama pa siyang isang lalaki na may tattoo sa katawan. At sa lalaking iyon panigurado ang ibang mga tauhan na naka-coat na black.
Napapaisip ako kung sino ang mga kasama ni Mr. Liu at bakit nakalapit si Dev sa kanila.
Kailangan kong malaman kung ano ang ginagawa ng unggoy na iyon dito kaya siya ang hahanapin ko muna ngayon.
Kung inaakala niyang mauunahan niya ako na matapos ang mission, nagkakamali siya.
Nakisayaw ulit ako sa dance floor habang hindi inaalis ang tingin paakyat sa second floor pero pasimple lang. May mga nakakaakyat naman. And I decided na umakyat na rin.
Nilapag ko sa lamesa ang hawak kong baso at umakyat sa second floor. I bite my lips with the view. Mas wild ang mga nagsasayawan dito. Bawat couches may mga babaeng kasama. I spotted Mr. Liu. May mga kausap na Chinese rin at Filipino.
I started dancing. Mas lumapit ako sa pwesto nila. I can see his face from where I'm dancing. Sinimulan kong sayawan ang isang lalaki na tumayo sa likuran ko at sinabayan ko iyon. Hinaklit ng lalaking kasayaw ko ang baywang ko padiin sa kanyang katawan. Gusto ko siyang tadyakan at sipain but I control myself.
Pasimple kong nilayo ang katawan ko sa kanya nang sinimulan niya ng hawakan ako sa braso. Nangingilabot ang pakiramdam ko. Gustong bumaliktad ng sikmura ko.
“Want to go somewhere else?” bulong ng lalaking kasayaw ko sa punong tainga ko.
“Back off.”
Nilingon ko ang pamilyar na boses sa likuran namin. Madiin at galit ang boses.
His aura is dark. Parang lalamunin kami ng buo sa paraan ng kanyang pagtitig sa lalaki. I swallowed. Hindi ko gusto ang pagkakatitig niya. Nakakatakot. I can sense danger. Tinulak niya ang lalaking kasayaw ko nang hindi ito kumilos.
“f**k. Who are you?”
His head tilted and shifted his gaze toward me.
“Misis ko?”