"BABS."
Tumaas ang isang kilay ni Caroline nang marinig ang boses ni Dev mula sa kanyang likuran. Kay aga-aga at ang ganda ng kanyang gising ngunit sisirain lang ni Dev. Hindi niya nilingon ang binata. Nang bumukas ang lift ng elevator nagmadali siyang pumasok sa loob. Mabilis din na sumunod sa kanya si Dev. Tumabi sa kanya at ang lapad-lapad nang pagkakangiti.
Caroline rolled her eyes, showing Dev how frustrated she was to see him.
"Babs... Good morning." Bulong ni Dev sa tainga ni Caroline.
Inis na tinulak ni Caroline si Dev upang ilayo sa kanyang tainga. "Ano ba?!"
"Where's my morning kiss, Babs?" Dev was smiling ear to ear. Tila hindi nito alintana ang nakasimangot na mukha ni Caroline.
Siniko nang malakas ng dalaga si Dev sa sobrang inis.
"Stay away from me, Dev."
"And if I don't?" tanong ni Dev. Sinilip pa niya ang nakasimangot na mukha ni Caroline dahil nasa harap ang tingin.
"Bahala ka na sa buhay mo. Just stay away from me."
"You and I are meant to stay with each other. We will have babies-"
Siniko ulit nang malakas ni Caroline si Dev sa tagiliran kaya't napaigik ito sa sakit. This time, dalawang beses pa.
"Ang hard mo namang magmahal, Babs. But I love it."
Pinuno ni Caroline ng hangin ang dibdib at hinarap si Dev. "Will you shut up? Hindi ako natutuwa sa iyo, Dev. Nasira na ang buong araw ko dahil sa iyo!"
Pagkabukas ng lift, agad na lumabas si Caroline. Iniwan si Dev na nagmamadaling sumunod sa kanya.
Her phone rings. Kinapa niya sa bag ang nagri-ring na phone. It's Logan, ang nagmamay-ari ng Black Eagle.
“Hello, Boss?”
“Meet me at my office. Now.” Bahagya niyang nilingon si Dev na nakapamulsa at tahimik. Seryos ang hitsura.
“Copy, Boss.” Logan ended the call.
Binalik niya ang phone sa bag at hinarap si Dev. “Pinapatawag ako ni Boss Logan. May malaking transaksyon ba tayo?”
“Malalaman mo rin,” Dev answered in a serious tone. Pagdating sa trabaho ay seryoso silang dalawa. “Pumasok ka na sa loob.” He even led the way to Logan's office.
Bahagyang tumango lang si Caroline saka tinungo ang opisina ng kanilang boss.
She knocked twice bago narinig ang boses ni Logan na pwede na siyang pumasok.
Prenteng nakaupo sa swivel chair si Logan pagpasok niya. Sinara niya ang pinto at naglakad hanggang gitnang parte ng office. Doon na siya tumigil sa gitna.
“Boss...” Panimula niya.
Sumenyas si Logan na lumapit sa harap ng kanyang desk. And she did follow him.
May nilapag si Logan na litrato ng batang lalaki. Kumunot ang noo niyang tiningnan ang boss kung ano ang balak nitong ipagawa.
“Boss, kung balak mong–”
“That's my son. His name is Duncan. You will be his bodyguard from now on. Ihanda mo na ang gamit mo. Sa Agrianthropos ka n titira dahil naroon na ang mag-ina ko.”
A surprise look was evident in Caroline's beautiful face. Mag-ina? Wala naman siyang natatandaan n kinasal o kahit may girlfriend man lang ito. Ni hindi nga kilala ang iba't ibang mga babae na nakakasama nito. How come na may anak ito na nasa isla?
Isa pa, kung sa Agrianthropos siya titira ibig sabihin makakasama niya sa iisang bahay si Dev.
Ngayon pa lang ay nakikita na niya sa kanyang isipan ang magiging araw niya. Pagkagising niya, bubungad agad ang kinaiinisan niyang mukha. Kung mamalasin pa siya kapag walang trabaho si Dev, buong araw niya itong makakasama sa isla.
That thought made her want to back out. Iyon ang hindi siya sigurado kung matatagalan niya.
“It's a long story. But he is my son. Pinagkakatiwala ko sa iyo ang anak ko.”
Napalunok si Caroline. Ipinagkakatiwala ni Logan ang buhay ng kanyang anak sa kanya. She nodded.
“B-akit ako? Bakit hindi si Dev?”
“Don't tell me, natatakot ka?” He asked her. From the way, Caroline looked at him, tila nagdadalawang isip ito.
“Hindi naman sa ganun. Kaya lang, baguhan pa lang ako at–”
“Ikaw ang gusto kong magbantay sa anak ko.”
“P-ero, Boss...”
“I don't accept no as an answer, Caroline. Say no or leave Black Eagle.”
Huminga nang malalim si Caroline. Nangako siya sa kanyang ama na namatay na pagsisilbihan niya si Logan.
“Ihahanda ko na ang mga gamit ko, Boss.”
Logan smirked. “Good.”
Tumalikod na si Caroline when Logan spoke again which made her turn around to face him again.
“You will do what you're doing here in Black Eagle. You will pretend to be his nanny. You are not allowed to tell my soon-be wife that you're working here in Black Eagle. You are just a normal employee babysitting my son.”
With a question running in her head, she still nodded. “Copy, Boss.”
“Lyn, remember, you promised me that you would protect me and my family. I am counting on you.”
Napalunok siya sa sinabi ni Logan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pinangako niya noon dito.
“Hindi ko nakakalimutan, Boss, ang pinag-usapan natin noon. Until my last breath, I will protect you and now, your family.”
That statement made Logan smile. “Go. And don't tell anyone about your mission.”
“Masusunod.”
Paglabas ni Caroline sa loob ng opisina ni Logan, naroon sa labas si Dev, naghihintay. Nakasandal sa pader at nakapamulsa.
When he noticed her, umayos nang pagkakatayo si Dev.
“Are you ready?”
She nodded. Alam niyang may alam na si Dev sa kanyang misyon dahil ito ang kanang kamay ng kanilang amo. Lahat ng transaksyon ay naroon si Dev. Mula sa pagliligpit ng kalat, hanggang sa mga babae ni Logan si Dev ang nag-aayos ng bawat gusot.
“Ngayon na ba tayo aalis?”
“Uhmm... Magdate muna tayo kung gusto mo.” Casual na sagot ni Dev sa tanong ni Caroline kaya sinamaan siya ng tingin ng dalaga.
“Dev, magkakasama na tayo sa iisang bahay. Huwag na huwag mong bu-bwisitin ang araw ko dahil hindi ako magdadalawang isip na lasunin ka para manahimik ka.”
Dev smirked. He leaned closer to Caroline's body. Pinaikot ang isang braso sa baywang ng dalaga at hinapit palapit sa kanyang katawan.
“Kung mananahimik lang din ako habang buhay, gusto kong kasama kita.”
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Dev mula kay Caroline na inis na inis sa kanya. Tinulak niya rin ang binata. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing lumalapit ito sa kanya at sa tuwing kinukulit siya.
“Isa pa, Dev. Hindi lang iyan ang matitikman mo.”
Imbes na maging apologetic si Dev, ngumisi pa siya. Inabot ang isang kamay ni Caroline. Dinala sa kanyang labi at hinalikan!
The warm breath and lips of Dev on Caroline's hand made her gasp. Binawi niya ang kamay sa binata.
“Wala ka talagang kaseryosohan sa buhay mo. Siguro, walang nagmamahal sa iyo kaya ganyan ka.”
Dev clenched his jaw. Bumigat ang kanyang pagtitig sa dalaga. But then, he tried to plaster a smile on his face. Tila wala siyang narinig na masakit na salita mula sa babaeng kaharap.
“Magkita na lang tayo sa plaza. Alas quatro. May lalakarin pa ako. Tatawagan na lang kita kapag papunta na ako plaza.” Paalam ni Caroline at tuluyan na umalis sa harap ni Dev.
***
PINARADA ni Dev ang kanyang motorbike sa tapat ng isang lumang bahay. Sobrang tahimik ang paligid. It was an abandoned house. Dating bahay nila noong naroon pa ang kanyang ama. Bumaba siya sa motorbike at pumasok sa maliit na gate na sira-sira na. Sira na rin ang bubong ng bahay. Pati ang mga bintana ay luma na ngunit nakakabit pa rin naman.
Nang tumapat siya sa lumang pinto, tinanggal niya ang suot na shades. He's planning to renovate this house. Papalakihin niya rin ito. Gagawin niyang two-storey house with a modern design. Papalikihin niya ang bakuran at tataniman ng maraming halaman. Mahilig magtanim ang kanyang ina. Madalas, tinutulungan ito ng kanyang ama noong kasama nila.
Ilang beses siyang pinalo noon ng kanyang ina dahil madalas ay ginagabi na siya sa pag-uwi. Mahilig siyang rumaket upang magkaroon ng pera lalo na noong nagkasakit ang kanya ina.
He smirked at the memory. Naalala niya ang hirap na pinagdaanan nilang mag-ina upang mabuhay. Palipat-lipat sila noon ng tinitirahan. Sa tuwing tinatanong niya ang kanyang ina kung bakit, wala itong sagot sa kanya. Pakiramdam niya noon may pinagtataguan sila. Now he understands.
Muli niyang sinuot ang shades. Kapag natapos na ang kailangan niyang gawin, babalikan niya ang lugar na ito at dito na siya maninirahan. Malayo sa magulong mundo na pinasukan niya.