Chapter 2

1315 Words
There was nothing to say the day you left. I just filled a suitcase full of regrets I hailed a taxi in the rain Looking for someplace to ease the pain, ooh Then like an answered prayer I turned around and found you there... DEV HAS BEEN playing the song over and over again. Paboritong kanta iyon ni Andrea. If the music player can complain, they probably complain to him because he seems to have been listening to the song repeatedly for two hours. He also drinks. Just one night to sober up, he will be fine again the next day. Habang naririnig niya ang kanta, all he can think at that moment is Andrea. Never did he imagine that he would lose the woman he deeply fell in love with. He feels deeply connected to Andrea. After his mother lost, si Andrea ang unang taong tinulungan siyang buuin ang kanyang sarili. Matagal na silang magkaibigan at matagal na rin niya itong minahal. In an instant, she was lost too— forever. Pabagsak niyang sinandal ang ulo sa headrest ng sofa. He stared blankly at the ceiling. Mariin niyang pinikit ang mga mata sandali saka muling dinilat. “Happy anniversary, Love.” He whispered as if Andrea could still hear him. Two years. Two f*****g years when Andrea left him. She left him— broken. Kung paano siyang binuo, ganoon din siya nitong iniwan na durog na durog. Ilang beses na ba niyang hiniling na sana ay sinama siya nito kung nasaan man ito ngayon. Countless times he wished he was dead to escape the pain of losing his mother and Andrea. Tumayo siya't kumuha ng alak at nagsalin sa baso. Mabilis niyang inubos ang laman na alak. Lumapit siya sa glass wall na natatanaw ang mga building at ang mga ilaw ng siyudad. He missed her. Kahit saan yata siya tumingin, si Andrea ang nakikita niya. Kumuha siya ng sigarilyo at pumunta sa balcony at doon naninigarilyo. Humithit muna siya ng usok saka binuga sa kawalan ang usok. Tumingala. “Dev, sorry sa istorbo. Hinahanap ka na ni Boss Logan.” Biglang salita ni Miguel sa sliding door na nag-uugnay sa balcony. Tinapunan niya nang matalim na tingin si Miguel. Alas onse na ng gabi at pinapatawag pa siya ni Logan. Four hours ago ay magkasama lang silang dalawa sa isang nightclub. What does he need at this hour? He continued smoking. “Why?” Nakakunot ang noo niyang tanong with a frustrated look on his face. He wanted to drink more. Iyong tipong hindi na niya magawang makapag-isip mamaya bago matulog. Maayos naman ang naging trabaho niya kanina. Miguel shrugged his shoulders. “Wala ako idea, Dev.” Tamad na pinatay ni Dev ang sindi ng sigarilyo sa ashtray. May ipag-uutos na naman sa kanya si Logan kaya ganitong oras ay pinapatawag siya. Dev went back inside with Miguel following him. Miguel sat down on the long sofa when Dev entered his room to change his clothes. Pinuntahan nina Dev si Logan sa bahay nito. “Boss?” bungad niyang tanong kay Logan. Naninigarilyo at umiinom ng alak. “May problema ba, Boss?” Nagtataka siya dahil mukhang maayos naman ito kanina nang umalis siya rito, pero ngayon tila malalim ang iniisip ng kanyang amo at mukhang may mabigat na problemang dinadala. “Do you believe in love at first sight, Dev?” For a moment, there was a deafening silence between them. Dev couldn't react, but a surprised look was evident on his face. “Boss?” “f**k! Nothing. Nevermind. Just go.” Pagtataboy ni Logan bigla sa kanya. Nahiya ito bigla sa tanong when he realized what he just said. Pinapunta lang siya ni Logan ng alanganin sa oras upang tanungin lang siya kung naniniwala siya sa love at first sight? Ngumisi siya. Biglang sumagi sa isipan niya ang magandang mukha ni Caroline. Ang kakaibang babae na nakilala niya. Mas malakas pa kung sumuntok kay Miguel. “No.” He convinced himself that he didn't believe in love at first sight, or maybe he didn't believe in love anymore after he experienced his heartbreak. Logan sighed deeply as he puffed on his cigarettes. “Yeah.” Lumapit siya kay Logan at kumuha rin ng stick ng sigarilyo na inalok sa kanya. “Si Miss Calli ba ang problema mo, Boss?” Isang pakyu sign ang sinagot nito sa kanya. Kailan nga ba aaminin ang isang Logan na isang babae ang gumugulo sa kanyang isip kung kaliwa't kanan ang mga babaeng naghahabol dito? “Sundan mo siya, Dev. I want to know what she does, who she's with, and make sure walang mga putang ina na lalapit sa kanya.” May diin na utos sa kanya. Hindi nga ito tinamaan kay Calli. “Copy, Boss.” Pagkatapos nilang mag-usap pa ni Logan tungkol sa Black Eagle, umuwi na rin si Dev. Logan had no idea what he's been through. *** PASIPOL-SIPOL na tumabi si Dev kay Caroline nang makita niya itong kumakain sa cafeteria ng kanilang building. Si Grec at Miguel ang kasama ngayon ni Logan. Naiwan siya sa opisina ng Black Eagle. Natutuwa siyang asarin ang dalaga lalo na't mukhang pikunin. “Hi, Miss beautiful.” Nakangiti niyang bati sa dalaga. Pabalik na sana siya sa taas nang napansin niya si Caroline na tila malalim ang iniisip. Nakaupo sa dulo at mag-isa. Malayo sa ibang mga empleyado ng Black Eagle. Habang pinagmamasdan niya kanina si Caroline, hindi niya mapigilan ang sarili na lapitan ito. Curiosity strikes him. Gusto niya ang nakangiti na si Caroline katulad ng nakita niya kaninang umaga habang kausap ito ni Jessica. Naiinis na binitawan ni Caroline ang tubig na iniinom. “Problema mo?” “Binabati ka lang, bakit ang sungit mo?” Kumuha siya ng chips na kinakain nito ng walang paalam. Inagaw niya rin ang hawak na bottled water at wala ring paalam na ininuman ang tubig ng dalaga. “Thanks, baby.” Tumahimik si Caroline at humalukipkip. Sa kanyang pananahimik, gusto niyang iparating kay Dev na hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. Ngunit pinaglihi yata sa kapapalan ng mukha si Dev at inulit pa ang ginawa. Kumuha ulit ng chips, at iyong chocolate na binigay sa kanya kanina ni Jessica ay kinain din. “Hindi ko alam kung saan galing 'yang kapapalan ng mukha mo. Napakabastos mo!” Habang ngumunguya, biglang nasamid si Dev dahil sa sinabi ni Caroline sa kanya. “Lalo ka palang gumaganda, babs, kapag nagagalit ka.” “Babs?” “Baby and sweetheart. Babs.” Tila umakyat ang lahat ng dugo ni Caroline sa ulo niya. Bwisit na bwisit siya sa pang-aasar ni Dev. Wala ba itong magawa sa buhay at bakit siya ang iniistorbo? “Will you stop calling baby, babe, or babs?!” Tumawa lang lalo si Dev na tila hindi naapektuhan kahit nagagalit na siya. Walang kaseryosohan sa buhay. Mukhang wala itong dinadalang problema sa buhay kaya napakakulit at napaka-bully. “Bahala ka na nga sa buhay mo, Dev! Maghanap ka ng pwede mong bwisitin. Huwag ako!” Tumayo si Caroline at iniwan si Dev na kumain pa ng kanyang pagkain. “Babs! Babs naman! Huwag ka na magtampo sa akin. Wala akong babae, ikaw lang!” Sigaw ni Dev kay Caroline na nagmamadaling maglakad palayo sa kanya. Ang mga taong naroon sa cafeteria ay naghiyawan dahil sa sinigaw ni Dev. Kinilig pa ang ibang mga babae. Ang building ng Black Eagle ay regular ang operation na katulad ng mga security agencies. Hindi paghihinalaan na may ginagawang illegal activities ang kumpanya. Ang mga empleyado dito ni Logan ay walang alam sa illegal nilang ginagawa. High paid ang mga assassin dito ni Logan na binabayaran kapag may kliente silang may gustong ipapatay. And all of them are well trained na kapag sa labas ng Agrianthropos, they are ordinary people. And that's where Dev and Caroline belong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD