Rhian's POV
Natapos ang ball na tatlo silang nakahawak sa akin. If hawak ang tawag sa ginawa ni Oliver. Anyway ang nakasayaw ko din ng time na iyon ay si Kuya Rico. No choice siya dahil tatlong lalaki ang nakapalibot sa akin at ang kuya ko protective.
Christmas break na at nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay. Nasa baba naman ang dalawa kong kapatid nag-iisip kung magpapa-christmas party din sila dito sa bahay. Closed friends lang ang pupunta so kung closed friends that includes THEM.
How would I spend my christmas breaks? Maybe mag-shopping muna ako ng christmas gifts ko sakanila. Agad akong tumayo sa higaan at nag-ayos para lumabas. Pagkatapos noon bumaba na ako para magpaalam sakanila.
"Ate Kuya. Labas na muna ako ha? Balik din ako ng mga 3pm. Bye" lumabas na ako ng hindi pa sila nagsasalita. Agad akong sumakay ng taxi kaya mga 15 minutes nakarating na ako. Malapit lang ang mall sa amin kaya dati akong tambay dito.
Nag-ikot muna ako ng mall bago ako nakahanap ng pang-regalo ko kay Ate Rhea at Kuya Rico. Naghanap na rin ako ng pang-reregalo ko kay Blue at Oliver. Hindi ko alam bakit ako bumili pero I think because they became a part of my life. Anyway mag-iikot muna ako ayaw ko pang umuwi dahil nabobored ako sa bahay.
"Alone?" Nagulat ako sa nagsalita kaya hindi ko sadyang naisampal ang mga paper bag na bitbit ko.
"Ouch" saka ko na-realize kung sino ito. Agad ko siyang tinulungang tumayo dahil sa ginawa ko.
"I'm sorry Eulycis. Hindi mo dapat ako ginulat ng ganoon" at isa-isa ko pinulot mga pinamili ko.
"Ako dapat ang mag-sorry kasi ginulat kita. Pero that hurts you know" at nakahawak ito sa ulo niya. Na-guilty naman ako sa ginawa ko dahil nasaktan siya
"Pero nasaktan kita. I'll treat you for lunch. Ano bang gusto mo?" Nakakahiya naman kung hindi ko siya ililibre sa ginawa ko
"Ikaw. Hahahaha just kidding. I've been invited sa christmas party niyo that's why I'm here buying gifts. At dahil nakita kita gugulatin sana kita and that was a success well except for throwing those" loka tong tao na ito. Kasalanan din naman pala niya kung bakit siya natamaan eh
"I see" tinalikuran ko na siya dahil doon. Nagmadali akong maglakad para hindi niya ako sundan pero hinabol niya ako.
"Sabi mo ililibre mo ako. Bakit mo ako iniwan?" Hindi ko nalang sana sinabi yun . Hinila ko nalang siya papunta sa jollibee. Para tipid lang dahil halata naman sakanya na mahilig siya sa mamahaling gamit
"Why here? Gusto ko doon hindi ko pa nata-try ang food doon" nagmamaka-awang sabi niya pero dinedma ko siya. Naghanap muna ako ng mauupuan saka ko nilagay mga gamit ko doon.
Sinenyasan ko siyang umupo doon at pumila na ako. Umorder nalang ako ng dalawang 2-pc. Chicken joy at isang large fries. Gutom na rin ako kaya pagbalik ko doon halos maglaway na siya. Pagkalapag ko ng tray agad na niyang kinuha ang kanya. Para siyang bata para sa edad niya
"Hey don't look at me. Just eat already" sabi niya kaya kumain na rin ako. Mabilis akong natapos kaya nagpaalam na rin ako sakanya na aalis na ako. Pero mukhang hindi niya ako napansin kaya umalis na rin lang ako
Nag-ikot muna ako. Wala pa akong isusuot para sa christmas party kaya pumunta na ako sa paborito kong boutique at tumingin. Napatagal ako ng konti doon dahil madaming magaganda ngayon kaya pagkatapos ko lumabas na ako sa boutique.
Naglakad-lakad muna ako hanggang sa mapadaan ako sa isang petshop. Wow ang cute ng aso gusto ko yun. Hiberian husky ata ang tawag doon. Ang cute kung ako magkakaroon niyan aalagan ko na parang anak yan.
"Seems like you want that dog so bad" nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa taong ito at bumilis ang t***k ng puso ko. You never cease to make my heartbeat so fast Oliver
"H-Hindi ah!" Agad akong tumalikod. At mabilis naglakad palayo sa kanya. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko pambihira bakit sumusulpot sila ngayong araw? Ano bang meron ngayon? Sinong susunod? Si Blue? No. Makauwi na nga lang
Naglakad na ako palabas ng mall at pumunta ng taxi bay. Maraming tao ang nakapila at hassle ito dahil marami akong bitbit at mainit pa. Tinignan ko ang orasan ko at 2:57pm na dapat makauwi na ako nito baka isipin na nila na nakipagdate ako. Nagikot muna ang paningin ko para makahagilap ng kakilala ko.
"Baby hop in" napalingon naman ako sa nagsabi. Si Blue naman ang lumitaw. Great just great. At dahil nakatingin ang mga tao sa akin dali-dali na akong sumakay ng kotse niya.
"Glad to see you here. Katatapos ko lang bumili ng christmas gifts ko for my family at sa christmas party para bukas. Bakit mag-isa ka lang?" Sabi ni Blue habang nagda-drive.
"Shopping as usual. Christmas gifts din. I'm too tired gusto ko ng makauwi" at pinikit ang mga mata ko. Tatlo sila ang nakita ko ngayong araw. Masama talaga pakiramdam ko sa tatlong ito.
"Rhian andito na tayo" minulat ko agad ang mata ko. At binitbit muli ang mga pinamili ko
"Salamat" pagkasabi ko noon lumabas na ako saka pumasok sa bahay namin. Hindi ko na siya nilingon dahil napapagod ako sakanila.
"Bukas na ang christmas party princess. Ready ka na?" Nakangiting sabi ni kuya at tumango lang ako bilang sagot
"Magpahinga ka na muna. Tawagin ka nalang namin ni kuya pag-dinner na" nakangiting sabi ni ate kaya tumango lang din ako saka umakyat papuntang kwarto
Nagbihis na muna ako ng pang-komportable saka ko inayos ang mga regalo ko kina ate, kuya, Blue at Oliver. Pagkatapos noon humiga na ako. This day is the start of the changes I'm talking about. Ano nalang sa future?
Hindi ko alam. Pero si Oliver kay ate Rhea na siya pero bakit niya ginawa iyon sa ball? Si Blue understandable dahil binigyan ko na siya ng second chance sa buhay ko so basically boyfriend ko na siya ulit. And about Eulycis? I don't even know bakit gusto niya ako. Argh! Nakakainis. Pinikit ko ang mata ko at ang unang nagpakita sa paningin ko ay si Oliver. Titig na titig ako sakanya kahit nakapikit lang ako at ng dahil doon nakatulog ako agad.