Rhian's POV
Maaga akong nagising ngayon para tumulong mag-ayos para sa christmas party. Mamayang 10am sila mag-start ng christmas party dahil marami pa kaming aayusin dahil sa sala ito gaganapin. Si Kuya Rico ang nagluluto na samantalang tinutulungan ko si Ate Rhea sa pag-aayos ng decorations.
"Rhian paabot naman ako ng bandana" inabot ko naman ito kay ate at tinuloy ang pagsabit ng christmas balls. Nakalagay na rin ang mga gifts ko sa kanila sa baba ng christmas tree namin.
Pagkatapos ng ilang oras tapos na rin kami sa pag-aayos kaya pumunta na kami ni ate sa kusina para tulungan si kuya. Naghugas nalang ako ng mga pinaglutuan niya habang inaayos nilang dalawa ang lamesa.
"Ako na dyan Rhian. Akyat ka na para makapag-ayos susunod naman na si Rhea sayo tapos ako" nakangiting sabi ni kuya. Tumango nalang ako bilang sagot bago umakyat
Dali-dali naman ako nag-ayos ng gagamitin ko saka naligo. Pagkatapos noon inayusan ko na ang sarili ko at lumabas na.
"Rhian ikaw na muna mag-entertain sa mga bisita natin maligo lang kami ni Kuya Rico" tapos pumasok na siya ng kwarto niya. Bumaba na ako para makita ang mga bisita namin at bigla akong nanigas.
"Blue? Oliver? Eulycis? Really? Ang aga niyo ha? Early birds nga naman" sabay talikod ko
"Teka" sabay pa nilang sabi kaya humarap ako
"Oliver maliligo lang si Ate Rhea. Eulycis naliligo lang si Kuya Rico. At ikaw Blue maghintay ka lang dyan kukuha lang ako ang girlfriend mo ng snacks niyo" at nakangisi akong umalis ng sala. Hindi ko alam bat nasabi ko sa harap nila na girlfriend ako ni Blue siguro para malaman ni Eulycis na hindi na pwede. At gusto ko ring malaman ni Oliver na kaya ko din siyang palitan
"Let me offer you a help" at sumipot sa tabi ko si Oliver. Hinayaan ko lang siya dahil gusto niya eh at syempre gusto ko kahit na may iba na kami pareho.
"Kayo na pala ulit ni Blue" nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko in-expect na sasabihin niya sa akin iyon akala ko sapat ng alam nila na kami na ulit.
"Ano ngayon kung kami na ulit? Ano ba sayo?" Taas-kilay kong sabi at nakapamewang pa.
"Nevermind" sabay talikod nito. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawa niya. Kaya sinigawan ko siya
"Sabihin mo nga sa akin Oliver? Ano ba ako sayo? Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin na kami na pala ulit ni Blue? Bakit Oliver? Tell me?!" Pinipigilan ko lang umiyak. Ayaw ko ng masaktan. Isang bagsakan nalang ang sakit para isang bagsakan nalang rin ang paghihirap
"Because I ------" biglang naputol ang sasabihin niya ng sumulpot si Ate Rhea at Blue sa pinto ng kusina
"Bakit kayo nagsisigawan? Magkalapit lang kayo ah?" Nagtatakang sabi ni Ate Rhea at lumapit naman sa akin ni Blue
"Okay ka lang?" Tanong naman niya sa akin
"I need some air. Excuse me" I'm too cold for them right now but I deserve to let this things out. Pumunta ako sa garden namin at doon iniyak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"You know its really good for the heart to let your problems out. You're tough putting that shield in you" napatingin naman ako sa taong nagsalita nito sa akin at nakalahad pa ang kamay niya na may panyo
Inabot ko naman ang panyo niya at hindi ko alam napahagulgol nalang ako ng niyakap niya ako. Bakit ganito si Eulycis? Sa ball ko lang siya nakilala pero ang gaan ng loob ko sakanya. Para bang safe din ako sa mga kamay niya.
"Ehem" pareho kaming napatingin sa taong iyon kaya agad din kaming naghiwalay dahil nakakatakot ang itsura niya.
"Tumalikod lang ako tapos susunggaban mo na ang kapatid ko Legaspi. Off hands ka sa princess namin" galit niyang sabi kaya hinila niya ako agad papunta sa likod niya
"Chill bro. I'm not doing any suspicious" natatawang sabi niya kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko saka pumasok muli ng kusina para maghugas ng mukha.
"Are you okay?" Nag-aalalang sabi ni Blue. Tumango lang ako at hinawakan ko ang kamay niya. I'm sorry Blue I like you but not the like I used to before.
"Tara sa sala" ngumiti ako sakanya ng totoo at hinalikan ko siya sa pisngi. Like I used to. At hinila siya papunta sa sala. Nag-umpisa na ang munting programa nila ate at kuya.
Sa bahay na ito andito si Oliver, Blue, Eulycis, Ate Trisha, Ate Rhea at Kuya Rico. Medyo nag-enjoy ako sa trip nila kahit papaano. Nabusog naman kami sa mga handa at dala nila. Naglaro din kami ng trip to jerusalem at iba pa. Pero ito ang pinakahihintay ko sa lahat. Exchange gifts
"This is for Rhian, Rhea and Trisha" inabutan kami ni Kuya Rico ng tig-isang paper bag. Agad ko namang binuksan ang akin at damit ito yung limited item pa
"Thank you Kuya Rico. I love it" at hinalikan ko siya sa pisngi saka niyakap. Nagtatalon ako sa saya dahil may bago nanaman akong damit na limited item ni Scarlet.
Sumunod naman nag-abot si Ate Rhea ng regalo ganoon din si Ate Trisha. Sapatos at bagong make-up ang natanggap ko sakanila. Sumunod ako sa nagbigay ng regalo. Tuwang-tuwa ang dalawa kong kapatid sa regalo ko. Well binigyan ko rin si Eulycis ng regalo kaso pabango iyon. Rush ko lang na nabili sa mall at iyon lang din ang natanggap niya na regalo.
Sumunod na nagbigay si Blue at Eulycis. Ang natanggap ko kay Blue ay teddy bear na lifesize syempre tuwang-tuwa ako dahil may kayakap na ako sa condo ko at hindi na ako mag-isa. Ang natanggap ko naman kay Eulycis ay bagong LV na bag syempre mahal ito kumpara sa binigay ko kaya nagpasalamat ako ng matagal sakanya.
"Oliver bat kami lang ang may regalo nasaan ang regalo mo kay Rhian?" Nanunuksong sabi ni Eulycis. Loko itong tao na ito hindi na ako mag-eexpect sa taong iyan dahil walang sense yan eh.
"Teka lang" saka lumabas. Nagtaka kaming lahat bakit ito lumabas ng bahay. Siguro bibili pa lang iyan. Nako kung cheap lang iyan ibabalik ko I don't accept cheap things na galing sa kanya. Maya't-maya may tumatahol sa labas. It can't be
"Here. Ito ang regalo ko sayo. Noong araw na nagkita tayo sa mall nag-iisip ako ng pang-reregalo sayo since I've known you as a nerd. But then I saw you staring at the dog so I thought you might wanted it since your eyes...are...sparkling" saka niya nilayo ang mukha niya. Agad kong kinuha ang leash niya at niyakap ang aso
"Naks naman Hiberian Husky ang peg niya. Na-iinggit ako" sabi ni Ate Trisha. Ngumiti ako ng napakalawak dahil dream dog ko ito noong bata pa ako ngayon tatanggalin ko na ito sa bucket list ko
"Thank you Oliver"