Chapter 19

1059 Words
Rhian's POV Two weeks later... Madaming nangyari sa mga nagdaang araw at isa na doon ang pagsasama namin ni Ai at Blue. Kadalasan lumalabas na kami ni Blue kasama si Ai. Iyon ang pinangalan ko sa aso na regalo sa akin ni Oliver. Ai means love in Japanese. Dahil love ko ang aso na ito "Ai come to Mommy. Dumating na ngayon ang regalo ko sayo" ngayon lang kasi dumating ang personalized collar niya. Tinahulan lang niya ako bilang sagot "Behave ka dito okay? Papasok pa ako ng school. Iiwanan nalang kita ng pagkain at tubig. Pagmagdumi ka doon sa litter box ha? Bye darling" pagkatapos kong kinabit ang collar niya umalis na ako Sa dalawang linggong nasa akin siya na-train na namin ito. Mabait siya at nakikinig sa akin. Hindi nga lang kay Blue dahil kadalasan kinakahulan niya pa ito. Pumasok na ako sa loob ng classroom namin at ramdam ko na ang bagong taon. Maraming magbabago. "Goodmorning class" nakangiting bati ni Sir Alex. Ngayon ko lang nakita si Sir Alex na nakangiti pero parang may something? "Since its a new start of the year I would like to announce you guys. Our foundation is coming up too and it will be held at first week of February. Now we need to find our candidates at dahil ako ang in-charge sa pagpili I will choose the Heartthrob Prince of the campus Oliver Park" nakangiting sabi ni Sir Alex. Aha! Ito na nga yung ibig sabihin ng ngiti niya. Panigurado namang si Lia ang partner niya maganda siya eh. Pero nakakalungkot dahil hindi na niya ako kinakausap tulad ng dati "And I choose Rhian Santiago to be the partner of Oliver Park. Dapat ipanalo niyo ang department natin okay? Fighting!" Sabay taas ni sir ng mga kamay niya na naka-closed fist. "Baby kaya mo ba? Pwede mo namang i-reject" naka-pout na sabi ni Blue pero nginitian ko lang siya "Okay lang Blue kaya ko naman eh. Believe me I can do it" assurance ko habang hawak ko ang pisngi niya. Although nasabi ko na sakanya na mahal ko si Oliver okay lang sakanya basta matutunan ko pa rin daw siya mahalin pero hanggang ngayon mahal ko pa rin si Oliver. "Okay lets start the class" nagturo na si Sir Alex pero ang utak ko ay lutang pa rin dahil makakasama ko sa isang pageant si Oliver. Excited ako na kinakabahan. "Tignan mo itong nerd na ito. Akala mo kung sinong maganda eh mas maganda pa si Lia bakit siya pa ang naging partner ni Oliver?" Girl 1 "True. Hindi hamak mas okay pa si Lia kaysa sa kanya" Girl 2 "Sabihin ko porke nabansagan siyang prinsesang nerd ay siya na ang panglaban ng bayan. Pangit naman siya" Girl 3 Naririnig ko ang mga bulungan nila. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang nerd na tulad ko? Si Blue lang naman dahil kilala niya ako. Hindi ko naman sasabihin na may gusto sa akin si Oliver at Eulycis dahil matagal na silang walang paramdam sa akin. Hindi ko naman gusto na magparamdam sila anyway makikinig na nga lang ako. Pagkatapos ng ilang oras natapos na rin ang klase. Dumeretsyo na ako sa gym dahil kailangan na namin simulan ang praktis dahil marami kaming gagawin at ayaw nila ng rush. "Okay. Bukas ang totoong training after ng mga class niyo. It means 4:30 hanggang 7pm kayo sa school. Now ang gagawin niyo ay rarampa sa stage na parang supermodel. First ay introduction, second talent portion and lastly the q and a. Dapat prepared na kayo para bukas dahil magpapraktis kayo ng pagrampa niyo. At syempre ang madugong talent niyo gets? Good now you are dismissed" ang daming sinabi ng mentor namin bukas pa pala. Common sense naman na yan. "What should we do about the talent portion?" Nagulat ako sa nagsalita kaya naibato ko ang bag ko "Hey careful" sabi niya at inabot ang bag ko. Gago ka talaga Oliver ikaw palang ang pangalawang taong gumulat sa akin ng ganyan "Ehem. Hindi ko pa alam dahil wala na akong ibang talent bukod sa pagkanta. Ikaw ba?" Hindi ako marunong sumayaw waltz lang ang kaya ko dahil iyon lang ang napraktis ko noon. "Singing is also my talent. Parehong kaliwa ang paa ko pero kahit ganoon gwapo pa rin ako" sabay nagpose pa ng gwapo sign. Natawa ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan "Sus sinungaling ka bro" at dumating na ang mga kaibigan niya na sina Rick at Ken. "Hey kamusta na? Kayo pa rin ba?" Nakangiting sabi ni Ken. Naku ang swerte siguro ng gf niya ngayon gwapo eh. "No. Walang kami magkasama lang kami dahil nag-dedecide kami ng talent para sa pageant" nakangiting sabi ko sa dalawa at siya namang ikina-nganga nila. Nagtaka naman ako dahil nanahimik silang dalawa hanggang sa natawa nalang sila pareho "Si Oliver mag-pageant? Hahaha that's absurd!" Napaupo na si Rick sa katatawa kaya binatukan siya ni Oliver "Oliver bakla ka na ba? Kailangan mo na ba ng dress at wig? Madaming ganoon ang girlfriend ko dahil cosplayer siya. Tell me if you want okay?" Nagpipigil naman ng tawa si Ken kaya binatukan rin ni Oliver "Hindi ako bakla at napili lang ako ni Alex. Kaibigan ko ba talaga kayo? Mga siraulo may gwapo bang magiging bakla?" Inis na inis na bulyaw niya sakanila Natawa ako ng napakalakas dahil parang bata silang tatlo pag magkasama. Pinagtutulungan siya ng mga kaibigan niya. Namumula rin ang tenga niya pag-naiinis siya. Ang cute ni Oliver. "Ang ganda mo pala pag tumatawa" sabay nilang sabi kaya napahinto ako sa pagtawa at sure na akong namula ako sa sinabi nila. "Joke" sabay rin nilang sabi saka tumawa. Ang sarap nilang batukan pero alam kong pulang-pula na ako. "Che! Aalis na ako baka hinahanap na ako ng anak ko" baka miss na ako ni Ai "May anak ka na?" Sabay-sabay na sabi nila. This time ako naman ang natawa dahil priceless ang mga mukha nila. Ang sakit na ng tyan ko "Seryoso? May anak ka na Rhian?" Napatingin ako kay Rick dahil ang laki pa rin ng mata nito. Hanep mas naloko ata sila "Wala akong literal na baby. Si Ai yung tinutukoy ko. Yung aso na regalo ni Oliver" natatawang sabi ko at isa-isa silang napapangiti dahil nagets na nila ang ibig kong sabihin. "Ai pala ang ipinangalan mo sa bigay ko? Ai means love hindi ba?" Nakangiting sabi ni Oliver I nod as a response saka tumalikod. I chosed Ai to be his name because I love the person who gave it to me last christmas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD