Rhian's POV
Isang araw na ang nakalipas ng makita kong muli si Angel. Hindi ko iyon makakalimutan dahil mas nadagdagan ang bigat ng puso ko.
~flashback~
Tumayo ako agad ng makita ko si Angel kasama niya ngayon si Oliver. Dahil ako si Tanga sinundan ko silang dalawa. Hindi kaya siya yung ex niya? Naging modelo rin si Angel. Pero sa dinami-dami ng tao bakit si Angel at Oliver pa?
Pinagpatuloy ko pa rin ang pagsunod sa kanila. Nagmu-mukha na akong tanga kakasunod sa kanila. Huminto sila sa isang jewelry shop. Masayang-masaya silang dalawa. Masaya na dapat ako dahil masaya ang taong mahal ko sa piling ng iba. Aalis na sana ako ng napahinto ako sa sinabi ni Angel
"Kuya I want this one! Please" nagmamakaawang sabi niya kay Oliver
"Angel no! Antayin mo nalang ang ibibigay ni Mom sayo okay? Wag makulit" pag-saway nito
Umalis na ako agad doon na bakas pa ang gulat sa mukha. Damn they are siblings. Ang taong nanakit sa akin at ang taong nakakasakit sa akin ay magkapatid?!
~end of flashback~
Small world ika nga nila. Akalain mo nga naman. Nagkita na kami ni Blue tapos makikita ko pa si Angel? Why life is so cruel?
*ting ting...
From Blue:
Hey just want to update you. Don't forget about the ball. You're my date .
Ugh. Isa pa yan may ball DAW kami sa lunes at siya pa ang partner ko and as if I have a choice. That ball is also a ticket to my graduation. Gahd my life sucks.
*ting ting
From Ate Rhea:
Uwi ka muna. Namimiss ka na namin ni Kuya Rico. Nagtatampo siya sayo.
Isa rin ito sa mga sakit sa ulo ko ngayon. Ang mga kapatid ko. Bumangon na ako at naligo. Kailangan kong pumunta sa amin since kukunin ko pa ang ibang natitirang gamit ko doon. Ayaw kong may maiwan akong gamit sa amin.
Mabilis akong natapos at agad ng nagpunta sa bahay. Tahimik ito at naninibago ako kasi kadalasan maingay ang bahay dahil kay Kuya Rico. Ngayon sobrang tahimik. I wonder why? Inikot ko ang first floor kaso wala sila. Pinapunta nila ako dito tapos wala rin sila. Bahala nga sila sa buhay nila. Umakyat na ako sa kwarto ko para hakutin na ang dapat hakutin nang biglang...
"Surprise!" Mga nakangiting tao ang nasa loob ng kwarto ko. Pero ako heto poker face pa rin.
"Ngiti ka naman ah. Birthday ng Princess namin ngayon" sinusundot na ni Kuya ang tagiliran ko pero pinigilan ko lang ang matawa
"Hey baby smile. Andito na nga ako para sayo" natawa ako ng sinabi iyon sa akin ni Blue. Well sarcastic laugh iyon.
"Andyan ka para sa akin? Ha! Don't make me laugh Blue" alam kong nasaktan ko siya sa mga salitang binitawan ko pero doble pa ang naramdaman ko ng ginawa nila ni Angel sa akin iyon.
"I'm sorry. Sabihin mo na lahat ng masasakit na salita tatanggapin ko basta gagawin ko ang lahat mapasa-akin ka lamang muli" pagkasabi niyang iyon hindi ko alam na nag-init ang mukha ko siguro epekto ito ng mga alaala niya sa akin.
"Namumula si Rhian. My 'lil sis is blushing" pang-aasar sa akin ni Ate. Well surprise sa akin ang lahat ng ito. Happy Birthday to me. 17 na pala ako.
"Since Birthday mo ngayon bunso. Palibre ka naman. Please" binatukan ko si Kuya Rico dahil doon.
"Pinapunta niyo ako dito para lang doon? Si Kuya talaga. Magluluto nalang ako para sainyo. Bibili lang ako ng gagamitin kuya" lalabas na sana ako ng nagsalita ang pinakahuling taong gusto kong marinig ang boses.
"I'll help you" tumango nalang ako bilang sagot. Hindi ko alam bakit nandito siya sa bahay namin. Wala ng kami at walang naging kami. So why?
"Sakay ka na" pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. Sumakay naman na ako. Habang nasa byahe nakatingin lamang ako sa labas.
"Happy Birthday nga pala Rhian" nakangiting sabi nito sa akin. Tumango nalang ako. Kasi pag nagsalita ako may masabi ako na hindi ko gustong marinig niya.
"Hey talk to me" dinedma ko lang siya. Pero biglang nag-iba ang daan. Kinabahan na ako dahil biglang hindi pamilyar ang lugar na tinatahak namin.
"Saan mo ako dadalhin?" Pero this time siya naman na ang hindi namansin sa akin. Gosh kinakabahan ako. I don't like this feeling.
"Get out! We need to talk" lumabas na siya ng sasakyan at galit itong sinara ang pinto. Sinundan ko naman siya. Dahil natatakot ako. Tulad ng itsura niya ng magalit siya sa akin sa condo niya.
"What is your problem?! Dahil ba sa naghiwalay tayo? Why? Did you fall inlove with me already? Ha! Good for you. I got my revenge to your sister" sinampal ko siya ng napakalakas dahil doon. So totoo lahat ng narinig ko na niloloko niya lang ako. Tumulo na ang luha ko...
"So all along alam mong magkapatid kami. That explains why Rhea looked me that way. I'm so pathetic falling inlove with my sister's ex-boyfriend. And I'm so stupid for falling inlove with my ex-bestfriend's brother. No wonder pareho kayong manloloko" umiiyak kong sabi. Ang sakit. This is a s**t.
"Don't ever talk that way to my sister!" Sigaw niya sa akin kaya tinipon kong muli ang lakas ko
"Why? Can't accept that your sister steal my boyfriend away? Hindi mo alam ang buong istorya so don't cover up for your sister. I know her very well unlike you! You don't even knew her pain. Pero ito ang sinukli sa akin ng kapatid mo. So shut the fck up!" At humagulgol na ako. Makapagsalita siya sa kapatid ko at kapatid niya parang ang linis niya ah. Lahat ng tao may pagkakamali.
Shit. Hindi ako makahinga. Kinapa ko agad ang bag ko. s**t hindi ko dala. Wala ang inhaler ko. Kakayanin ko. I hope so.
"Ikaw? Do you know your sister very well?" Pabalik niya sa akin pero ramdam kong unti-unti nang bumabasag ang boses niya
"No. Ever since she became a model she moved out. Malayo ang loob namin ni Ate pagkatapos noon. I wanna go home" gusto ko ng umuwi. Ayaw ko na dito.
"Pala! So don't talk like you also knew your sister! Because you are nothing compared to her. She is the most valuable person in your family without her---" pinutol ko ang pananalita niya
"I wanna go home!" Hindi ko...na kaya...talaga
"Why? Do you hate so much to be compared?" Nakangising sabi niya sa akin. Gustong-gusto kitang sumbatan gag* ka pero hindi ko na kaya. Bago ko maramdaman na matutumba na ako nasabi ko pang muli ang gusto kong sabihin...
"I...wanna go...home"