Chapter 14

966 Words
Rhian's POV Nagising ako na nasa may hospital nanaman. Everytime nalang na mag-blackout ako sa hospital ang bagsak ko. Nilibot ko ang paningin ko at ako lang ang nandito. Maya't-maya bumukas na ang pinto at niluwa noon si Ate Rhea. "Gising ka na pala. Pwede ka na ring lumabas mamaya sabi ng doktor" mapait na ngiti ang binigay ni ate sa akin pero hindi ko siya pinansin. "Alam kong marami akong pagkukulang sayo at marami akong nilihim sayo tulad ng kay Oliver at Angel. Nagsi-sisi ako patawarin mo sana ako Rhian" umiiyak si ate na sinabi ang mga iyon. Masakit man na hindi ko siya pansinin kailangan ko rin ng time. "Gusto ko ng lumabas. Maghahanap pa ako ng susuotin ko para bukas" cold kong sabi. Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto. Nakalabas na ako ng hospital at naghiwalay na kami ni Ate Rhea ng daan. Hindi ko na rin siya nilingon dahil baka bumigay ang loob ko at mapatawad siya agad. Nagpunta na ako sa favorite na boutique ko at naghanap ng gown. Syempre may nakita ako eye catchy na alam kong ako ang pinakamaganda sa lahat. Inorder ko na ito at ipapadala nalang nila sa condo ko. Naglibot nalang muna ako sa mall hanggang sa natagpuan ko ang favorite na tambayan namin dati ni Angel. Ice Cream Parlour. Agad akong pumasok doon at naalala ang mga magagandang memories dito. Siguro kung hindi niya ginawa sa akin iyon okay pa sana kami. Lalabas na sana ako ng may pumasok na babae kaya tumabi muna ako. Pero isang minuto na ang lumipas hindi pa rin gumagalaw yung babae kaya tinignan ko na kung sino siya. Ang babaeng iniisip ko lang kanina. "Long time no see...Angel" mapait na ngiti ang ibinigay ko sakanya. Ngunit niyakap niya ako ng sobrang higpit at ramdam ko na basa na ang damit ko sa mga luha niya. "Rhian. Namiss kita. Please let me explain. Gusto ko ng dating tayo please hear me out first" hagulgol niyang sabi. Everyone is staring at us. Na-conscious ako baka iniisip nilang pinaiyak ko itong babae na ito kaya hinila ko siya papunta sa isang lamesa. "Hey don't cry here. Mahiya ka naman Angel. You are not like that" at tinapik ko siya sa balikat pero patuloy pa rin ang iyak niya sa akin "I'm sorry sa lahat Rhian. I regret it all. I regret for hurting you and Blue. I'm so stupid doing those things to you. Pero alam kong babae ka rin at imposibleng hindi ka mahulog sa simple gestures ng isang lalaki. Kaya I'm sorry" hagulgol niyang sabi. Naiinis ako sakanya at the same time galit dahil umiiyak siya in a public place. Tumayo ako at umorder ng ice cream ito lang ang nagpapatahan sa kanya. "Here eat this. Saka mo ako kausapin pag okay ka na. Alis na ako" aalis na sana ako ng hinawakan niya ako sa braso "You know me too well. Dito ka muna Rhian. Don't leave me I cannot afford to lose you anymore" nakangiting sabi niya. Magang-maga na ang mga nito dahil sa kaiiyak. "10 minutes. I'll give you 10 minutes more to be with you" at umupo muli ako at hinarap siya. Gusto ko siyang yakapin at patawarin but I swore to myself that I won't trust anybody other than myself. "I'm sorry Rhian. Alam kong sawa ka na sa paulit-ulit kong sorry pero gusto ko lang malaman mo na nagsi-sisi ako. Nasayo nalang kung patatawarin mo ako o hindi basta ang sa akin nag-sorry na ako sayo" nakayuko na siya ngayon at alam kong nagpipigil lang siya ng luha niya. Ayaw ko siyang tignan kaya tumingin ako sa iba. "I need time Angel. I'm broken and I need to find myself again. I'm sorry but I have to go" umalis na ako sa parlour nang hindi siya nililingon. I already forgive you Angel but I really do need to find myself. Umuwi na ako sa condo. I feel alone in this unit. But this is amazing titira na ako ng mag-isa I can do what I want in this room. Inayos ko na ang gown na susuotin ko para bukas. My partner is Blue what a great combination. So probably wala ng pasok bukas para lahat ng babae ay ready para sa ball bukas. Nag-shower na muna ako para fresh ako ng mga oras na iyon pero biglang may nag-doorbell kaya agad kong tinapos ang shower ko. Agad kong sinuot ang bathrobe ko at lumabas naka-undies na ako ng sinuot ko ang bathrobe ko ha baka sabihin niyong ang laswa ko. Just kidding. Agad kong tinungo ang pintuan at binuksan ito. Ang akala ko si Kuya Rico o kaya si Ate Rhea pero ibang tao pala at hindi kong inaasahang siya ang lilitaw sa harap ko ngayon. "Ikaw pala ang bago kong kapitbahay? Small world nga naman" nakangising sabi niya. Gag* talaga itong lalaki na ito "So what do you need Sir Oliver?" Taas-kilay kong sabi. Bat parang ang baho? Inamoy ko siya at amoy alak siya "Did you drink?" Kinuwelyuhan ko siya para masigurado kung lasing ba talaga pero agad niya akong tinulak kaya natumba ako sa floor at litaw na litaw ang legs ko hanggang sa may undies ko. Napalunok ako ng mapansin kong tumingin siya sa akin ng kakaiba "Umalis ka na dito Oliver" tumayo na ako at tinulak na siya palabas ng unit ko pero hinawakan niya ang braso ko at...hinalikan niya ako ng napakatagal. Nag-init ako ng kaunti pero hiniwalay ko din ito agad. "Stop Oliver. Ayaw kong magkaroon kami ng away ni Ate Rhea. You should better go" at tuluyan ko ng sinara ang pinto. Napaupo ako dahil hinalikan ako ni Oliver at nag-init ang katawan ko. Maybe I should be careful hindi dapat ganito ang suot ko pag mag-eentertain ng guest. Stupid me. But that doesn't change the fact that we kissed kahit na sila ni Ate Rhea. It breaks my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD