Rhian's POV
Maaga akong nagising at naghanda na para sa event mamaya. Bakit kasi ball palang ang theme namin ngayong December? Yes December na. Ibang klaseng transferee si Blue diba? Anyway this will be harder than I thought socializing with everybody else I mean Nerd lang ako last week pero ngayon Prinsesang Nerd na sa kanila.
Feeling used
But I'm
Still missing you
And I can't
See the end of this
Just wanna feel your kiss
Against my lips
Blue calling...
"Hello?" Bored kong sagot. Anong kailangan niya ng ganitong oras?
"Hi baby. Just want you too know 6pm sharp andyan na ako i'll be bringing your bracelet"
"Okay" agad ko naman in-end ang tawag niya. Yeah I'm rude you can't blame me anyway.
Pumunta muna ako sa sofa at nanood. Wala din lang naman ako magawa. Mag-oorder nalang ako ng pizza for lunch. Tinatamad ako magluto tyaka hindi rin naman ako kagalingan sa pagluluto pili lang ang dishes na alam ko.
Christmas. Where will I spend my christmas? Mom and Dad won't be there anyway. Forgiveness huh? Maybe I should give one. For my family first. Sa kakaisip ko hindi ko namalayan nakatulog pala ako.
Agad akong bumangon dahil may nag-dodoorbell. Annoying kasi. Pagbukas ko ng pinto si Oliver lang pala. Pero agad ko ring pinagsarhan dahil naiinis ako sa pagmu-mukha niya.
"Andito ang ate mo tutulungan ka raw niya mag-ayos kaya umayos ka" cold niyang sabi kaya pinagbuksan ko siya
"Pake ko sayo" at padabog kong sinara ang pinto. Napatingin ako sa orasan at 3:45pm na pala. Ang tagal kong natulog. Naligo na ako agad para makapag-ayos pa ako.
Nagpalit muna ako ng comfortable na damit ko saka may nag-doorbell muli baka si ate na iyon. Pagka-bukas ko siya na nga iyon kasama niya si Yca ang make-up artist niya. Kilala ko ang mga tao na tumutulong kay ate.
Inumpisahan na nila akong ayusan pareho. Sabi ni ate tutulungan raw niya ako sa pag-aayos kaya hinahayaan ko siya. Sinabihan pa ako ng boyfriend niya na umayos rin ako edi wow! Nakaka-inis talaga ang mga lalaki kahit kailan.
"Rhian wag ka ngang sumimangot? Masisira ang make-up mo nyan. Ang ganda pa naman ng gown mo. Sure ako ikaw ang pinaka-maganda sa lahat" inaayos na kasi ni ate ang gown ko para maisuot na para buhok ko nalang ang aayusin.
"I know right. Kahit na maganda ako sa event na iyon wala pa ring forever" nakangising sabi ko. Haha nakiki-uso lang ako
"Bitter ka Rhian? May forever kaya" natatawang sabi ni ate pero inirapan ko lang siya. If only you know niloloko ka lang ni Oliver I bet magagalit ka sakanya at sasabihin mo rin na walang forever
"Saan ka pala mag-christmas Rhian? Sabi ni Kuya doon nalang daw sa bahay" hawak-hawak ni ate ang buhok ko ngayon. Mukhang iniisip kung anong style nito.
"I don't know. Maybe if I forgive you I might" sarcastic kong sabi. Agad naman niya akong tinignan at tinignan niya ako ng what-is-my-fault look.
"Look nasabi ko na saiyo. Just forgive me already please. I'm sorry Rhian okay. If I need to kneel for you to forgive me then I will" akmang luluhod na si ate ng pinigilan ko na siya. She knows me too well
"Stop it okay? Alam kong alam mo na hindi ako basta-basta nagtatanim ng galit sa inyo. Sabay tayong mag-pasko ha?" Nakangiti na si ate ng sinabi ko ang mga salitang iyon
"Tama na yang drama niyo magkapatid. Magpalit ka na para maging dyosa" natatawang sabi ni Yca saka inabot ang gown ko. Namamangha pa rin ako sa gown ko hanggang ngayon. Sino bang mag-aakala ito ang susuotin ko sa isang school ball?
"Oh my gosh! You look like a goddess Rhian" nagtitiling sabi ni Yca. Agad ako pumunta sa full length mirror ko. Wow. Ako ba ito
"Say cheese!" Lumingon naman ako doon syempre with pose din. Saka ako kinuhanan ni ate ng picture
"Must send this to our parents" nakangiting sabi niya. Hinayaan ko naman siya sa gusto niya kaya pinaupo na ako ni Yca at inayusan na ng buhok.
Maya't-maya may kumakatok na. Pinagbuksan ito ni ate dahil si Yca ang nag-aayos sa akin. Bumalik na rin si Ate Rhea kasama si Oliver at Blue. Anong meron?
"Baby ang ganda mo. You look like..." Nagulat ako nang ibang tao ang nagtapos ng sentence ni Blue. At hindi ko rin inaasahan na siya ang magsasabi noon sa akin.
"A goddess" pagkasabi niyang iyon lumabas na siya ng kwarto. Buti nalang pala at kasalukuyan akong nire-retouch. Hindi masyado nahalata na namumula ako.
Simula ng umalis si Oliver hindi na rin bumalik si Ate Rhea. Natapos rin ako agad kaya inalalayan ako ni Blue hanggang sa makarating kami sa venue ng ball. Pinagtitinginan kami ng mga tao doon.
"She is a goddess came down from Mt. Olympus"
"Pare schoolmate ba natin iyang chics na yan?"
"Bes ang ganda niya nakaka-inggit ang damit niya"
"Bes siya yung bininygan ng taga section A na prinsesang nerd"
"Weh? Siya na yung nerd?! Omo ang ganda niya"
Natutuwa naman ako doon dahil maraming nag-cocompliment sa akin. Well expected from a former Campus Princess. Nililibot ko naman ang paningin ko at nahagilap ko si Lia kasama niya si Oliver. Is this abnormal? Boyfriend siya ng sister ko tapos fianceé ng bestfriend ko? Hmmmp
"Baby. They are staring at you" napalingon ako kay Blue at nakita kong nakasimangot siya kaya agad kong kinurot ang pisngi niya. I should give him my attention even though my heart beats for Oliver I believe I can divert it to Blue.
"Blue I'm giving you second chance..."