-May-
pic sa gilid --->
Pagdating ko sa dorm, niratrat agad ako ng tanong nila Andy, Jess, at Amanda.
"Bakit kasama mo si Fafa Stepehen!?" tanong ni Jess.
"Siguro nirape mo siya no!?" dagdag ni Amanda.
Binatukan ko si Amanda dahil sa dumi ng utak niya. Mga sira talaga. Di ba ang bait nila? Di manlang nagtanong kung okay ako. Mas inuna pa ang chismis kaysa sa kalagayan ko. Gawin ba naman akong r****t?
"Grabe imagination mo Amanda ah!" sabi ko.
"Wuusssshhooo May ! Alam ko namang pinagnanasaan mo din ang pandesal ni Fafa Stephen! Meged ka babaita! Ang hot niya kaya!" Isa pa 'tong si Jess, isa sa mga fangirls ni Stephen. Dinamay pa ko sa pantasya niya.
"Ewan ko sa inyo! Anong din? Kayo lang no! Wala akong pagnanasa sa kanya"
"Ayiiieh! Namumula ka o! Is this Love?" panunukso ni Amanda.
Binalewala ko na lang ang panunukso sa akin nila Amanda at Jess. Napansin ko kasing hindi na nakipagkulitan si Andy sa amin. Natahimik na lang siya sa sulok. Nakakapanibago. Ini-expect ko kasi na tutuksuhin niya rin ako pero wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya.
Lumingon ako kay Andy. Kanina lang ang ingay pero ngayon tumahimik. Moodswing?
"Hoy bakla! Bakit natahimik ka diyan? Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit kasama ko si Fafa Stephen niyo?" tanong ko.
Ngumiti lang siya ng pilit. Ang weird naman nito, di kaya may dalaw?
"Bakla! Baka naman nagseselos ka sa akin at kay Stephen! Hahahaha."
Tumawa ako nang tumawa. Baka nga naman crush din ni Andy si Stephen. Magkaribal ang peg namin? Nakakaloka!
Inaasahan kong tatawa si Andy pero parang namutla pa yata siya. Anong problema nito? Di kaya may gusto talaga siya kay Stephen?
"Wala. Iniisip ko lang na bagay kayo ni Stephen," seryosong sabi ni Andy.
Di ako sanay na ganito siya. Tumahimik din sila Jess at Amanda. Seryoso kasi si Andy na nagsasalita at walang bakas na bakla siya, which is weird. Ay! Ang hot pala nitong si Andy 'pag naging lalaki kamukha ni Baekhyun. (Fangirl mode ^_^/)
"Hoy! Ang emo mo naman!" sabi ko.
"Hehe. Don't mind me. Sige, alis muna ako ah!"
Dali-dali siyang umalis. Ano bang problema niya?
"Problema nun?"
"Ewan, baka may dalaw," biro ni Jess.
"Wow Jess nireregla na rin pala ang bakla," pambabara ni Amanda.
"Nye nye nye. Hoy May! Hindi mo pa sa'min sinasabi kung bakit mo kasama si Stephen!" sabi ni Jess.
Wala naman akong choice kaya kinuwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari. Pero mas iniisip ko pa rin kung bakit ganoon ang kinilos ni Andy.
***
Normal naman ang klase at niremind kami ng teacher na next week na ang showcase of talent namin. Nilingon ko si Stepehen na natutulog na naman sa upuan niya. Bakit ba lagi siyang tulog? Well that's none of my bussiness. Pero minsan nakakacurious din. Masyado kasi siyang misteryoso.
Hindi ko pala makikita si James ngayon. May practice pala kami ni Stepehen. Syempre hindi ko naman pwedeng iditch si Stepehen. Aba, sinundan ko pa naman siya at muntik pang maharass kaya by hook o by crook dapat matuloy ang practice. Sayang naman ang effort ko kapag hindi natuloy.
"Stephen, answer the equation on the board."
Hala! Paano makakasagot 'to kung tulog?
"Stepehen!"
Lahat sila nakatingin sa upuan ni Stephen. Hay, hindi 'yan maggigising, tulog mantika eh.
"May, pakigising nga iyang katabi ko."
Ako?As in ako? Bakit!? Bakit ako pa!? Why is world so cruel to me!? Ay, ang OA ko na.
Pinindot-pindot ko 'yung ulo niya. Emeged, kailangan talaga tingnan nila ako? Siguro binabantayan nila kung kakainin ako ng buhay ni Stephen. Wag naman sana, Lord! Mababawasan na naman ang populasyon ng mga magaganda 'pag nagkataon.
"Hoy Stephen Gising! Hoy! Hoy---"
Nabigla na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Grabe naman ang higpit. Pinanlisikan pa niya ako ng mata. Waah! Nakakatakot siya!
"Ah. Eh. Pinapatawag ka ni Ma'am."
Binitiwan niya naman agad ang kamay ko at pumunta na sa board. Nasagutan niya agad ang equation. Ang talino talaga kahit laging tulog sa klase. Posible ba 'yun? Pinagpala talaga ang nilalang na 'to.
Naglecture na kami. Gising na si Stephen pero nabigla na lang ako nang abutan niya ako ng isang note.
---You'll pay---
Iyan ang nakasulat. Ano daw? Anong kasalanan ko sa kanya!? Wala naman akong utang ah?
Maya-maya, natapos na rin ang klase. Umuwi agad ako. Hindi ko na iniisip yung note niya. Baka may topak lang 'yun. Besides, may practice pa kami ngayon at di pwedeng hindi pumunta.
***
Sinuklay ko na ang buhok ko. I applied a bit of press powder and light lipstick. Diretso uwi agad ako kanina. 6pm sa school garden daw ang practice namin. Bakit ba ako nagpapaganda? Practice lang naman 'yun. It's not like were going to date.
Nagsuot lang ako ng shorts at lose shirt. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang wrist watch ko, it's only 5pm. Excited much naman ang lola niyo . Siguro napepressure lang ako dahil si Stephen ang kasama ko. I mean, effortless naman kasi ang pagpapagwapo sa kanya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kagandahan ko, sadyang nakakaintimidate lang talaga si Stephen kaya kailangan ko ng extra effort.
5:30 dumiretso na ako sa meeting place namin. Mas mabuti na ang maaga kaysa malate.
"Ang aga ko."
As expected, wala pa si Stephen dito sa garden kaya nagpatugtog muna ako sa cellphone ko.
Ano kaya ang talent namin ni Stephen?
"Hi!" bati ko.
Nakita ko siyang naglalakad na palapit dito sa garden. Parang bagong gising pa lang siya. Hindi na rin ako nagulat dahil lagi naman siyang tulog.
Palapit na siya sa akin. Sabi ko na nga ba effortless ang pagpapagwapo sa kanya. Nakasuot siya ng lose white shirt at khaki pants. He wore simple clothes but he managed to make it look like it worth millions. Crush ko na yata siya eh. Pero syempre mas crush ko si James, loyal yata 'to.
Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Kinuha ko 'yun at nakita ko dun ang nakapause na video ng troublemaker - troublemaker nila Hyuna.
"Uhm, ano 'to?"
"'Yan ang sasayawin natin."
Oh my gee! Eh ang sexy kaya ng sayaw na 'to! Kaya ko bang magpaka Hyuna? Ang layo ko naman yata dun. Scratch that. May ibubuga naman ang kagandahan ko pero medyo kulang pa sa kaseksihan. Si Stephen pwede pa dahil hot naman talaga siya. Pero ako? Gosh. I'm innocent kaya.
"Ah. Eh. Di ko yata kaya 'yan."
Tiningnan niya ako. Patay. Mukhang nainis sa akin.
"He he he . Sabi ko nga 'yan na lang eh."
Tinuro niya sa akin ang steps. Alam niyo 'yung hot? 'Yun si Stephen. He is the exact definition of the word HOT. Understatement pa yata ang salitang gwapo sa kanya.
Ang galing niyang sumayaw. Siya ang nagtuturo sa akin ng mga steps. Medyo madali kong nakukuha ang mga steps pero mas magaling talaga siyang sumayaw sa akin. His moves are defined. Every flick and stride is graceful but held oozing charisma. It's almost like he's been doing this for years. He looked like an expert with this art.
Patuloy lang ako sa pagpractice. Si Stephen, umupo muna sa may puno para magpahinga.
Kembot. Kembot. Aah! s**t madudulas ako. Lampa talaga.
"Waaaah!!!!"
Ready na akong makaramdam ng sakit pero sinalo pala ako ni Stephen. Bakit? Ang bilis naman yata niya. Nandoon lang siya kanina sa may puno ah? Mga ilang meters din ang layo niya sa akin. How did he get here so fast?
Hawak niya ang likod ko. Sheet of paper! Ang lapit niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ng malapitan ang mukha niya. Bumaba pa ang tingin ko sa lips niya. What the hell is happening to me? Why do I have the sudden urge to kiss him? May, ang manyak mo na!
Tinayo niya na ako.
Lumayo siya ng konti at bigla ba namang naghubad sa harap ko! TOPLESS PO SIYA. Ngayon naapreciate ko na ang pandesal na sinasabi nila Jess. 1,2,3.....8 waaah! Give me one of those pandesals!
"Last na."
Naturo niya na sa akin ang steps. Nagstart na ang music. Intro palang ang sexy na. Sexy pa ang kasayaw ko. Ang init yata dito.
Last pose na. Teka. My kissing scene ba to? Wala naman di ba? Sa last part kasi sa video ng troublemaker, nagkiss talaga sila Hyuna.
Hindi pa rin gumagalaw si Stephen. Nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata ko.
He leaned closer to me. I was stunned. I couldn't move an inch. And the next thing I knew, he was kissing me. He kissed me passionately. I can't help but to respond - our lips moving with the exact rhythm. His soft lips is against mine, moving and sending tingles to my spine. s**t. This is my first kiss, bakit nagpapadala ako?
Bumitaw na siya sa halik. He looked at me. I can see his deep black eyes turn into red ones. Am I seeing an illusion? Or maybe a dream?
"I told you, you're gonna pay, Wife."
I was still looking at his deep red eyes that is intently looking back at me.
Did he just call me his wife?
"Sleep now."
****
Naggising ako. Nandito na ako sa dorm ko. Hinawakan ko ang lips ko. Panaginip ba 'yun? I shook my head, siguro panaginip nga. The whole thing is absurd. It couldn't be real.
Hinanap ko na lang sila Jess at Amanda.
"Good morning, May," bati ni Jess.
"Good morning. Anong nangyari kagabi?" tanong ko.
"Nakatulog ka daw sa practice niyo ni Fafa Stephen." sabi ni Amanda
Nakatulog? Tama. Panaginip lang 'yun.
"Hinatid niya ako dito?"
"Hindi. Si bakla ang naghatid sa'yo dito, akalain mo nga naman kay Andy nag-uunat rin pala ng biceps kaya nakaya ka niya ditong dalhin," sagot ni Jess.
Si Andy ang naghatid sa akin? Saan naman siya nanggaling eh si Stephen lang ang kasama ko noon? Hay, sumasakit na ang ulo ko.
***