Chapter 4

1743 Words
-May- Naperform namin ni Stephen ng maayos ang sayaw namin. Buti naman at nagawa ko ng maayos. I feel awkward, ewan ko nga eh. Dahil siguro sa napakaweirdo kong panaginip. He kissed me and even called me wife in that dream. Nakakakilabot. "Tara na!" Excited sila Amanda at Jess nang matapos ang klase.  "Mauna na kayo dun," sabi ko sa kanila. "Bakit? Ay oo nga pala, pupunta ka pa kay James." Excited sila ngayon kasi Biyernes, which means magsesleep over sila sa dorm ko. Panigurado maingay na naman 'to. Pero hindi raw makakasama si Andy dahil nag-out of town daw. Gusto ko ring makausap ang baklang 'yun eh. Kakaiba kasi ang kinilos niya last time na nagkita kami. Baka may problema? Ay ewan ko. Basta pupunta ako ngayon sa practice ni James. Hindi na kasi ako nakakapunta doon dahil sa practice sa talent show. ** Dumiretso ako sa soccer field at saktong nag-umpisa ang practice nila James. Ang cool niya talaga. Kaya nga siguro super crush ko siya. ang perfect niya kasi - gwapo, matalino, mabait at sporty. Napatigil ang practice nang sumenyas si James na stop muna daw sa coach. Bakit kaya? Lumapit siya dito sa pwesto ko. Teka? Totoo ba 'to? "Hey!" Tinuro ko 'yung sarili ko. Malay ko naman kung ako talaga ang kinakausap niya. Baka nagfi-feelingera lang ako. "Ako?" "Yeah. Gusto ko lang sanang mag-apologize, di ba ikaw' yung muntik ko ng matamaan ng bola?" Tumango ako. I can't believe this. James is actually talking to me! Kyaah! Jusko! May, maghunos dili ka. Wag kang maghyperventilate diyan nakakahiya! Kinakausap ka na ng crush mo! "Let me make it up to you. I'll treat you. Mamaya hintayin mo lang akong matapos at diretso agad tayo." "Ah sige." Hindi pa rin nagreregister ang sinabi niya sa akin pero naramdman ko na lang ang pagngiti ko. This is the best day of my entire existance! Bumalik na siya sa practice. Ang galing niya. He's getting better and better. No wonder he's the team captain. Matapos ng practice nila, nagpaalam siya na magbibihis muna kaya hinintay ko siya. Maya maya din ay bumalik na siya at dinala na niya ako sa isang cafè just like he promised. ***** "Sorry ulit." "I told you already, James, it's okay. Besides, hindi naman ako natamaan." Nginitian na naman niya ako. Gosh. One thing that I like about him is his smile. Iyon bang parang ang bait niya, approachable and of course ang gwapo. Total package siya, kumbaga. Sumubo na lang ako ng cake para di ako mapatingin sa kanya. Feeling ko kasi namumula ako. "You have something on your face." Tinuro niya yung mukha ko. Hala! Baka may frosting na. Kahiya namang magmukhang madungis sa harap niya. Baka isipin niya na messy eater ako. Pinunasan ko 'yung mukha ko pero napapailing lang siya. Kaya siya na mismo ang nagpunas sa gilid ng labi ko. "Ayan wala na." Alam kong clichè ang ganitong scene lalo na sa korean novela pero nakakakilig pala talaga lalo na at crush mo pa ang gumawa nito sa'yo. Clichè man pero nakakakilig pa rin! Ang swerte ko! Umaayon ang kalangitan sa kagandahan ko! Na-interrupt lang ang pagmomoment namin nang marinig namin ang mga nabasag na baso at pinggan. "Sorry, sir. Sorry po talaga." Sabay kaming napalingon doon sa bandang likod. Sorry naman ng sorry 'yung waiter doon sa lalaking nakatalikod. Mukhang nagkabanggaan yata kaya nabasag 'yung mga plato. Pinagpag nung lalaki ang shirt niya tsaka lumingon sa table namin.   His eyes met mine and I frozed.   Si Stephen? Nandito rin siya? **** "Bye." Sinarado ko ang pinto. Best day ever! Pwede ko na bang iconsider 'yun as date? Kyaah! Kinikilig ako kay James. Pero bakit nandoon si Stephen? Di kaya sinusundan niya ako? Pweh. Ang feeler ko. Malay mo naman kumain lang siya doon. As if naman kami lang ang costumer doon. Aish. Wag na nga siyang isipin basta ang importante, nakasama ko si James!! "Good evening May!" Binati agad ako nila Jess at Amanda. Nakapajama na sila at mukhang ready na talagang makitulog. "Kumain na kayo?" "Oo tapos na. Pero bumili kami ng mga junk foods," sabi ni Jess habang kinukuha 'yung mga drinks sa ref. "Ayaw ko pang matulog!" sabi ni Amanda. "Yeah. Maaga pa naman eh," sang-ayon ni Jess. "Guys. Nakasama ko pala si James kanina," sabi ko. "Weh? Di nga? Kyaah! I'm so happy for you girl!" kinikilig na sabi ni Amanda. "Nagdate kayo?" tanong ni Jess. "Hindi naman basta ganito kasi 'yun." Kinuwento ko muna lahat ng nangyari kanina at halos mamatay naman sila sa kilig. Dinaig pa ako. "Kyaaah! Eh paano na si Stephen?" tanong ni Amanda. "Si Stephen? Eh ano namang kinalaman ni Stephen dito?" tanong ko. "Wala lang. Hihihi." Ewan ko sa dalawang 'to. Di ko maintindihan. Pinasok pa si Stephen sa usapan na hindi naman dapat. Porke mga fangirls ni Stephen. "Ano ng gagawin natin?" tanong ko. "Movie Marathon!!!!!!!" ** Nagmovie marathon kami. Puro vampire movies - Twilight, Vampire Academy, Fright Night. Mga mahilig kasi sila sa vampire movies, kaya pati tuloy ako nadadamay. Nakailang movies na kami at 10 pm pa lang. Maaga rin naman kasi sila dumating sa dorm ko. "May ikukwento ako sa inyo." Tahimik kaming umupo dito sa sala habang nakikinig kay Jess. "Alam niyo ba 'yung tsismis?" "Anong tsismis? Marami kayang tsismis." "Yung black building sa likod ng dorm na 'to," sabi ni Jess na ginagawa pang creepy ang boses. Ang baliw talaga ng babaeng 'to. "Anong meron dun? 'Yung lumang building sa likod ng dorm ko?" tanong ko "Oo iyon nga. Sabi nila portal daw iyon sa ibang mundo. Tinayo daw ang building na 'yun sa panahon pa ng mga Kastila. Isa sa mga estudyante ng school na 'to noong mga 1980's ay si Feliz. Dahil napagkatuwaan daw nila, iniwan daw nila si Feliz doon sa black building. Kinulong daw siya doon. May iba pang nagsasabi na nakarinig sila ng mga boses doon pero kinaumagahan pagbalik nila ay wala na daw doon si Feliz. Imposible naman daw na makalabas siya dahil masyadong mataas ang mga bintana at lock pa. There's no way out. May mga nagsasabi pa nga na pinakasalan daw siya ng bampira," tuloy-tuloy na kwento ni Jess. "Hahahhahahaahahaahaha." Humagalpak na ako ng tawa sa kwento niya. "Bakit natatawa ka diyan? Nakakatakot kaya!" Siniksik pa ni Amanda ang sarili niya sa akin. 'Yun lang takot agad? "Tapang mo May ah! O sige may dare ako sa'yo." Nginitian ako ni Jess ng nakakilabot. Mukhang may binabalak na namang kalokohan ang babaeng 'to. "Call," sagot ko. Hindi naman talaga ako natatakot. Kahit ikulong pa ko doon. Again, VAMPIRES AREN'T REAL! "Mamayang hating gabi, pumunta ka sa black building. Sabihin mo, Prince oh prince, hear me," sabi niya at parang nanghahamon pa. "Ok. 10:30 pa lang naman. Gagawin ko 'yun." "Okay. Haay. Matutulog na ko. Inaantok na ko eh," sabi ni Amanda habang humihikab. "Ako din, 'yung dare May, wag mong kalimutan! I want proofs!" dagdag ni Jess at pumunta na sa kwarto ko para matulog ***** Ewan ko kung bakit ginagawa ko pa itong dare na 'to kahit alam ko namang kalokohan lang iyon. Pero heto ako ngayon at may dalang flashlight papuntang black building. Malamig ang paligid. Medyo nakakatakot naman talaga ang black building pero di ko naman inaalala 'yun dahil alam kong wala namang kung ano dito. Masyado lang nagpapaniwala ang mga kaibigan ko sa bampira. Nandito na ako ngayon nakatayo dito mismo sa sentro sa loob ng Black Building. Walang makikita kundi ang mga sirang gamit dahil matagal na ring napabayaan ang lugar. "Haist. Nonsense naman 'to." Wala namang mawawala kung gagawin ko ang dare di ba? Ipapamukha ko lang sa mga lokaret kong kaibigan na walang kung ano dito sa Black Building. "Prince oh prince, hear me...aiish kalokohan naman 'to." "Makaalis na nga." Aalis na sana ako pero naramdaman ko na lang na nahuhulog na ako. Nawala 'yung sahig na kinakatayuan ko at nahuhulog lang ako. Wala naman akong binabagsakan. Anong nangyayari? Sinubukan kong sumigaw pero walang lumalabas na boses. Unti-unti na akong kinabahan. Totoo ba ang sinabi ni Jess? Maya-maya pa ay natapos na rin ang pagkahulog ko. Hindi naman ako nasaktan. Nandito na ako ngayon sa parang isang simbahan. Pero di ko masasabing simbahan dahil wala namang krus o kahit sinong santo. Kinapa ko ang sarili ko. I was stunned when I saw myself wearing a white gown and a veil. Bakit nakapangkasal ako? Maya-maya pa ay may lumapit sa aking isang lalaki. Gwapo siya at may katangkaran pero parang ang creepy niya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. "Let's go, May. He's waiting for you." Wala sa sarili kong tinanggap ang kamay niya. I am walking in this aisle. Nakikita ko ang masasayang mukha ng mga bisita habang tinitingnan ako. Looks like this is a wedding and I'm the bride, but if I am the bride, then who is the groom? Papalapit na kami sa altar. Naaninag ko na ang pamilyar na pigura ng lalaki. He's waiting for me indeed. Closer and closer. I was shocked to see him. . . . . . . . . . . . . . . .. . . He is no other than Stephen Kai Grayson. Is this some kind of crazy dream? Am I really going to marry him? He kissed my hand and looked at me. Again I saw his deep red eyes. "I've been waiting for you, wife," he said. Hindi ko na naririnig ang mga nagsasalita. Tanging mukha niya lang ang tinititigan ko. Para bang nabingi na ako at sa kanya lang ang buong atensyon ko. If anyone sees me, I bet they would think that I'm hypnotized. "Do you take him as a your lawfully wedded husband?" I didn't know what's going through my mind but I answered, "I do." He cupped my face and kissed me passionately. It is a familiar kiss. Alam kong nagawa na namin 'to. God! Panaginip pa ba 'to? Bakit parang totoo na? When he stopped, he looked at me again. Then he leaned closer and whispered to my ear, " You're mine now, Wife. I love you" Then I felt the pain. Bumabaon ang ngipin niya sa leeg ko. Hindi ko maintindihan. Naghahalo ang sakit at hapdi. Matindi ang sakit. Nanghihina ako. Hindi na kinaya ng katawan ko ang sobrang sakit hanggang sa huli ko na lang nakita ang mukha ni Stephen na ngumingiti sa akin. **blackout** *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD