-May-
Naggising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti ko ring minulat ang mga mata ko kahit medyo sumasakit pa ang ulo ko.
Pero unti-unti ding nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong hindi ko kwarto 'to. Nilibot ko ang paningin ko. Magara ang mga mwebles at isang king-sized bed itong hinihigaan ko. Nasaan ba ako? Sinubukan kong alalahanin ang lahat - 'yung dare, 'yung kasal namin ni Stephen at ang pagkagat niya sa akin. Nanaginip na naman ba ako? Pero bakit nandito ako sa malapalasyong kwarto na 'to? Di kaya--waaaah! Wag naman sana!
"Good morning." Binati niya ako na may ngiti sa kanyang mga labi.
"St--stephen? P--paano? A--akala ko panaginip lang iyon," nauutal na sabi ko.
Mula sa may pinto ay lumapit siya sa kamang hinihigaan ko at umupo.
"May, it's not a dream. We're married."
Ibig sabihin totoo 'yun? Kasal na ako?
"Totoo 'yun? 'Yung sa black building? 'Yung pagkagat mo sa akin? 'Yung kasal?" sunod-sunod na tanong ko.
"Yes. All of it."
"Kung ganoon, hindi ka tao?"
Anyare sa THERE'S NO SUCH THING AS VAMPIRE?
"Yes. I'm a Vampire. Kaya kita kinagat ay dahil mag-asawa na tayo. It's our bond."
Bigla kong naalala 'yung sinabi niya. I love you daw.
"I truly love you May. Totoo 'yung sinabi ko sa kasal natin."
Paano niya nalaman ang iniisip ko?
"I can read your thoughts 'cause we're bonded."
Ah ganun pala yun. Astig naman. Makapag-isip nga.
Magiging bampira rin ba ako nito? Eh kinagat mo ko eh.
"Yes. But you're not fully evolve until you experience the four signs."
Magiging bampira ako? Ibig sabihin, di ko na makikita sina Amanda, Jess, Andy at James. Bigla tuloy akong nalungkot. Bakit ako pa kasi ang napiling mapangasawa ka?
"Please don't be sad. I know marami kang magiging adjustments dito at alam ko ring matatagalan pa bago mo ko matutunang mahalin. I waited for a hundred year, now that your here I could still wait a little longer ."
He kissed my forehead. He really respects me. Hindi ko inaasahang may tao I mean may bampira pa lang totoong nagmamahal sa akin. Who would ever thought that this cold guy loves me sincerly?
"Andyan ang mga damit mo sa closet. And believe it wife, I love you and I hope you could learn to love me back."
Tuluyan na siyang umalis sa kwarto. Naisip ko itong mga nangyayari bilang bagong simula para sa akin. Hindi ko alam pero hindi pa rin ako natakot kahit nalaman kong bampira siya. Para bang kampante ako na hindi niya ako sasaktan. Stephen, kung ganyan ka naman palagi, sa tingin ko madali kong masusuklian ang pagmamahal mo.
***
Kasya lahat ng damit sa akin. Puro itim at pula nga lang. Bampira nga pala sila. Ang hilig nila sa black at red eh. Lumabas na ako matapos kong mag-ayos. Teka, papano ko mahahanap si Stephen eh palasyo yata tong bahay niya?
Stephen asan ka?
Wife, wait for me there.
Nandito lang ako sa labas ng kwarto.
Ok.
Ayos din pala yung ability na 'to. Parang cellphone lang, pwede sa long distance.
Wala pang isang minuto ay nandito na siya sa harap ko.
"Let's eat."
"Teka. Ibig sabihin iinom din ako ng dugo?"
I heard him chuckle. Ang sexy niyang magchuckle.
"So you think I'm sexy?"
Binabasa niya na naman ang isip ko.
"Stop reading my mind!"
"Can't help it, wife. Come on. Don't worry hindi pa dugo ang iinumin mo. Not yet."
"Not yet? Ibig sabihin iinom talaga ako ng dugo?"
Kadiri yata yun.
"Yes. That's part of being a vampire. We have a thirst for blood. But don't worry we don't drink human blood, only those from animals."
Napatango naman ako. Naglakad kami habang nag-uusap. Nagtanong-tanong ako sa kanya tungkol sa lugar.
"May sinabi ka kaninang four signs. Ano yun?" tanong ko sa kanya
"You will undergo all of those until you become a fully grown vampire. First, madedevelop mo ang senses mo (sight, hearing, smell, taste and touch) Magiging sensitive ka. You can hear from distance at madedevelop and instincts mo. Second, the sun will irritate you. Hindi ka naman masusunog but you're eyes will sore. No harm naman actually. Third, you will have an intense craving for human blood. Pero tutulungan kitang madisiplina iyon. Fourth, you will develop a special ability. Every vampire has one. Wether its speed, agility, strength, teleportation and some can even control the elements."
"Ganun ba? Hind ko pa naman naexperience ni isa sa mga yun. Yung black building totoo ba yun?"
"No. It was just an accident. You are really destined to be my wife. Walang kinalaman ang dare ng mga kaibigan mo."
"Paano mo nalaman yun? Yung dare namin?"
"Because I was there."
"So sinusundan mo ko lagi? Pati nung kasama ko si James? Ayiieh. Stalker!!"
"Tss. Tara na nga."
Hinigit niya ako kung saan. Ewan ko pero hindi na mapawi ang ngiti ko. My husbad is a stalker, how amusing.
**
Ang laki naman ng dining room nila. Parang castle talaga itong napasukan namin.Para bang isa itong kastilyo na victorian style. Gaano ba siya kayaman?
Nakahanda ang napakaraming pagkain. Normal naman lahat ng pagkain. Wala namang dugong nakaserve.
"Tara."
Kumain lang ako ng matiwasay at nakatingin lang siya sa akin.
"Wag mo nga akong tingnan!"
Nakakaconcious kaya yung ganyan. Yung tinitingnan ka habang kumakain.
She looks cute when she eats
Boses ni Stephen? Eh di naman siya nagsasalita ah. Teka! Nababasa ko na rin ang isip niya!
"Cute ako?"
Nagpuppy eyes pa ako sa kanya.
"Aiish stop that!"
Narinig ko na naman ang boses niya sa isip ko.
Kainis to. Pinapakilig ako ng babae that's so gay!
"So kinikilig ka? Hahahaha."
Bigla siyang nagsmirk. Teka. Di ko na nababasa isip niya.
"You want me to kiss you again, wife?"
Ako naman ang natahimik. Oh shocks. Siya pala ang first and second kiss ko. Pati third baka siya rin. Di pa ako ready!
***
Nilibot niya ako sa buong castle. Castle nga talaga 'to. He's a Prince, A Vampire Prince. Halos di pa ako makapaniwala noong una pero naconvince niya rin ako, dahil na rin sa mga tagasilbi na nagbobow sa kanya at tumatawag na 'your highness'.
Nilibot niya ako sa library, sa courtyard, sa ballroom. Ang laki talaga ng lugar na 'to. Nagkikita pa ba sila dito?
"It's almost time," sabi niya
"Time for what?"
"For the ball."
Ball?
"Yes. Come on. Nandoon na siguro sa spa ang mag-aayos sayo. I'll meet you later."
Hinatid niya ako sa spa nila. Grabe lungs may sarili pa silang spa. Iniwan niya ako dito kasama ang mga mag- aayos sa akin. Bampira rin siguro sila. Ang putla nila eh.
Ewan ko kung anong mga seremonyas ang pinaggagawa nila sa akin. Pero ineenjoy ko lang dahil napakarelaxing ng ginagawa nila.
Nilagyan ako ng kolorete sa mukha at sa wakas natapos na.
Pagharap ko sa salamin nakita ko agad ang pagbabago sa akin. Medyo naging maputla na rin ako at para bang mas bumata ako. Oo, totoo 'tong sinasabi ko.
Nagbihis na rin ako. Ang ganda naman ng damit! Fit siya na black dress na may konting slit.
***
Lumabas na ako at doon ko nakita si Stephen na nakablack tuxedo. He looks dashing, handsome and hot!
"You look beautiful."
Flattered naman po ang lola niyo.
"Ikaw din. You look handsome."
He took my hand. At ng lumabas kami sa ballroom, nagpalakpakan ang mga tao, I mean, bampira.
"Please welcome the newly weds, his royal highness, Prince Stephen and Princess May."
"Relax, wife. Just smile."
Sinunod ko yun at ngumiti lang ako.
Stunning
She's lovely
The royal family do have a taste
I heard a lot of noises. Kahit malayo sa amin ang mga vampires ay naririnig ko pa rin kahit konting bulong nila. Then it hit me. I was experiencing the first sign. I am developing my senses. Mas tumalas ang pandinig ko.
Kinalabit ko si Stephen at sinabi ko sa kanya ang nararanasan ko. Hinila niya ako sa may gilid at pinaupo.
"Wait for me here, I'll be right back."
Patuloy ang kasiyahan nila. May mga nagsasayaw na rin. Naririnig ko pa rin ang mga tunog. Ang talas na talaga ng pandinig ko.
Pero nabigla ako nang lapitan ako ng isang lalaki. He's somehow different. At ang kinagulat ko ay kung bakit nandito siya. Is he also a vampire?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Andy?"
.
.
.
***