-May-
"Andy?"
Nabigla ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Si Andy ba talaga 'to? Nag iilusyon ba ako? Paano siya napadpad dito?
"May."
"Ikaw ba iyan?"
"Yes, it's me."
Siya nga si Andy. Teka. Kung nandito nga siya ibig sabihin bampira din siya? But I've known him for five years at kahit kailan di ko pa siya nakitang uminom ng dugo or act weird. He's completely normal. Kasabay ko nga siya laging kumain ng NORMAL FOOD. Nagpakasal din ba siya sa bampira tulad ko?
"Bampira ka ba?"
"Yes. I am."
Bampira nga siya, but how come?
"Hindi naman kita nakitang uminom ng dugo, matakaw ka pa ngang kumain."
"That's because I'm a damphire."
"Anong damphire?" tanong ko.
"Half human, half vampire. My father is a vampire while my mother is a human. Therefore, I can drink blood and eat human food as well."
Ah, ganoon pala yun. Kaya pala parang normal lang siya. He's also a vampire. Nakakabigla naman lahat ng nalalaman ko ngayon. To think na nilait ko pa ang lahi niya dati.
"Andy, ano kasi..uhm. Kasal na ako."
"I know. Everybody knows that you're the prince's wife. You're destined to be his wife even before you were born. I wish ythkfnfnfomrrlm"
Hindi ko na narinig ang buong sinabi niya kasi binulong niya na lang yun. Buti na nga rin pala at may kaibigan ako dito. Maybe it was a good thing that Andy is also a vampire. Nakakapanibago nga lang. Hindi dahil sa english siya ng english kundi dahil ang gwapo niya ngayon. May tinatago rin palang appeal ang baklang 'to.
"May hindi pa ba ako alam tungkol sa'yo Andy?" tanong ko sa kanya.
Totoo naman kasi. Ang dami ng misteryo ng buhay ko. Isang araw tao ako tapos pagkagising ko kasal na ako sa bampira. And my bestfriend also turns out to be a vampire. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman?
He moved closer then whispered another shocking revelation.
"Marami ka pang di alam. Just so you know, I'm not gay and----"
Hindi siya bakla?
Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang tumalsik sa gilid.
Mabilis akong hinila ni Stephen sa likod niya. Ang higpit pa ng hawak niya sa akin.
"What are you doing here?!" galit na tanong ni Stephen.
They're eyes turned red and they grew fangs. Uh. Oh. Vampires.
"You talk as if I'm not part of the family!!" Galit na rin si Andy.
"Stop this," bulong ko.
Ayaw ko ng ganito. Bakit nag-aaway silang dalawa? Ni hindi ko nga sila nakita na nag-uusap sa school tapos may ganito?
Pinagtitinginan na rin kami ng mga bisita. We're making a scene for godsake!
"Kuya Stephen! Kuya Andy! Quit it!"
May babaeng sumigaw at papalapit na rin sa pwesto namin na may kasama ring isa pang babae.
"Stay out of this Angeli!" sigaw ni Stephen.
"Immature brats," sabi nung isang babae na kasama nung Angeli. Nakakatakot tumingin parang matutunaw ka.
Binitawan ni Stephen ang kamay ko at akmang susugod na kay Andy pero napatigil sila. Para bang nafreeze at naparalize sila at hindi na makagalaw.
"Ate Carmela!"
Sumigaw sa inis si Angeli at pinanlisikan niya ng mata yung babaeng kasama niya na tinawag niyang Carmela.
Nakatingin lang din ang mga bisita na para bang takot na rin sa mga nangyayari.
Puno na ng tensyon ang buong paligid. Hanggang sa nagsiyuko ang lahat sa pagdating ng isang babae at isang lalaki.
The King and Queen
Rinig ko ang bulong ng isang bisita. Ibig sabihin sila ang parents ni Stephen?
Yumuko rin ako bilang paggalang habang sila Stephen at Andy ay di pa rin makagalaw.
"Carmela, let them move," sabi ng hari
Nakagalaw na rin sila Stephen at Andy pero masama pa rin sila makatingin sa isa't isa.
"Aren't you ashame of yourselves, children?"
Kalma lang pagkakasabi nun ng hari pero mababakas pa rin ang awtoridad. Nakakaintimidate siya.
"Dad," sabay na sabi nila Stephen, Carmela at Angeli.
"I invited your cousin , Stephen, be nice."
Nagsalita na rin ang reyna. Cousin? Pinsan niya si Andy?
"I'm sorry for this. Please continue on with the celebration."
Bumalik sa normal ang lahat pagkasabi nun ng hari. Para bang wala lang ang nangyari. Nagpatuloy ang musika at balik na ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa bago ang kaguluhan.
"You look beautiful, hija. "
"Thank you, your highness."
"You're too formal. You can call me dad," sabi ng hari at nginitian pa ako. Hindi naman pala siya nakakatakot.
"Mom, Dad, we need to go, she needs to rest."
Hihilahin na sana ulit ako ni Stephen nang magsalita si Angeli. Siya yung babaeng tumawag kay Stephen na kuya.
"Aren't you gonna introduce you're wife to us?"
Unang tingin ko pa lang sa kanya alam ko ng maldita siya. I mean maganda naman talaga siya, sopistakada din pero iba ang mga tingin niya sa akin, parang bitchy.
"Fine. May, This is my Dad, King Vladimir, my mom, Queen Jocelyn and my sisters Angeli Dominice and Carmela Rae."
"And?" Inip na tanong ni Carmela. Tinutukoy niya siguro si Andy na ngayon ay tahimik na naman.
"And Andy," sagot ni Stephen
"I'm Candice May Gregory errr--"
Nagdadalawang isip kasi ako kung iaadress ko ang apelyido ni Stephen. Kasi nga, di ba kasal na kami?
Wife you're a Grayson now
Kinausap na naman niya ako sa isip.
Hehe. Nahihiya ako
Its okay wife
"Candice May Gregory-Grayson , pleased to meet you."
Nagbow pa ako sa kanila.
"Okay. Aalis na kami ng asawa ko."
Hinila na ako ni Stephen palayo sa kanila pero rinig ko pa rin ang conversation nila. Talas na talaga ng pandinig ko at sana di ko na lang narinig kasi nakakahiya.
"They're gonna make our future grandchildren!" sabi ng reyna na rinig ko pa rin kahit ang layo na namin. Shocks. Apo agad?
"I'm looking forward to it my queen."
Nagtawanan sila at iyon na ang huli kong narinig. Nakapasok na pala kami sa kwarto.
"Ang pula ng mukha mo."
Nahihiya ako sa narinig ko kanina. Di pa ako ready. Meged.
"Hehe wala to nanibago lang ako. Malamig kasi."
"You can't lie to me wife I know you heard them."
"Alam mo naman pala bakit tinatanong mo pa?"
Tumawa siya ng malakas. As in TUMAWA SIYA! End of the world na ba ito?!
Pero napatigil ulit siya at nagsmirk sa akin. Alam kong may masamang ibig sabihin yang smirk na yan! Gosh!
"Wanna do it?"
"Hah? A--Ang alin?"
Eto na ba 'to? I mean kasal na kami pero di pa ako handang isuko ang bataan! Hindi ba siya aware na hindi ko pa siya ganoon kakilala?
"You know what I mean."
Lumapit siya sa akin. Ano bang iniisip niya? Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya pero wala. Ang daya naman. Nababasa niya ang isip ko pero ako minsan ko lang nababsa ang isip niya.
Lapit siya ng lapit habang ako, atras naman ng atras. Wala na akong maatrasan. Wall na itong sa likod ko. Sheet of paper ang hot niya.
"S--stephen?"
"Why are you stammering? Nervous? Don't worry this will be fast."
Omygossh.
His lips are about a centimeter away from mine. Third kiss ko sa'yo pa rin mapupunta Stephen?
Pero hinalikan niya lang ako sa gilid ng labi.
"Good night, wife. Sabi ko naman sa'yo mabilis lang 'to."
Mabilis nga. Kala ko ano ng gagawin namin. Kala ko gagawa na kami ng apo para sa parents niya. Tama na nga! Ang halay na ng utak ko.
Dumiretso na ako sa kama. Nakaupo lang siya sa may gilid at hinahaplos ang buhok ko.
"I can wait Wife."
Shete ka ang sweet mo. Bakit ang swerte ko?
"Di ka ba matutulog?"
"No. Vampires don't sleep. Pwede ka pang matulog kasi di pa naman fully evolved vampire."
"Good night."
****