Chapter 7

1539 Words
-May- (Blake Devonshire--->) "Wife." "Hmmm." Ang sarap ng tulog ko. Ginigising naman agad ako ng--Shoot! Kasal na pala ako. "Wake up." Minulat  ko ang mata ko. Nakabihis na si Stephen. At eto na naman ako, nganga na naman sa kgwapuhan niya. Teka. Bakit nakauniform siya? "Let's go. We're gonna be late for school." "Huh? Gabi kaya." Nakatulog siguro ako buong araw, gabi na kasi. Ano to, night class? "Vampires go to school during night, wife. Come on magbihis ka na. Andyan na ang damit mo." Kahit tamad pa akong bumangon ay ginawa ko na lang ang sinabi niya at nagbihis ako. Mag-aaral pa pala ako dito. Ano kaya course ko? Meron ba dito nun? Hay. Bigla ko tuloy naalala yung dati kong school. Pero hindi na rin akong pwedeng bumalik dahil bampira na ako. Kailangan ko na lang tanggapin ang bago kong buhay. And besides, sino ba ang makakamiss sa akin doon maliban sa mga kaibigan ko? Wala, dahil walang kwenta ang buhay ko. Walang pamilya, walang kahit sino. Napatingin ako sa salamin. Ang ganda ng uniform. Black na coat, red neck tie, red checkered skirt at black high socks, parang gothic uniform pero ang astig. "Tara na." Lumabas na kami sa palasyo. "Ferrari?" Shock ako sa kotse na nasa harap ko ngayon. Isa lang naman itong red ferrari.  Gaano ba siya kayaman? Syempre, hindi ko na iyon masusukat. "Yeah. Come on." Pinasakay niya na ako sa kotse niyang mabango. Ang bongga talaga ng asawa ko. Habang nasa byahe kami ay kinukulit ko naman siya. "Bakit ang suplado mo sa akin dati?" Di ba, ang suplado niya kaya dati! Parang di mo makausap. Kaya nga lagi kong sinasabihang weirdo sa isip ko. "That's why you call me weirdo?" sabi niya na nakangiti na naman. Nakakapanibago talaga pagngumingiti siya. "Ah. Eh. Oo." "Bakit ko naman sila kakausapin? Ikaw lang naman ang pakay ko dun." "Stalker ka nga! Hahaha." "Siguro nga. Pero dahil gwapo ako, admirer dapat ang tawag mo." "Ang hangin ah." "Huh? Nakaaircon naman tayo ah?" "Wahahhaahha!!!!" "Bakit tumatawa ka?" Kasi naman kala niya totoong mahangin. Di ba siya familiar sa filipino slang? "Bakit nga?" "Hindi naman kasi literal na mahangin. Ang ibig sabihin nun, ang yabang mo!" "Ah ganoon pala. Well I'm not being boastful, wife, cause that's a fact." "Wushhoooo. Ewan ko sa'yo! Ano ba nakain mo at ang yabang mo ngayon?" "Dugo," sagot niya Kaiyak talaga ang pagiging literal niya. "Iwww." Tumawa lang siya at di namin namalayang nasa school na pala kami. Iba ang ineexpect kong school. Hindi ito yung traditional school sa mga movies. Para nga itong normal school but I can say na high class ang design pwedeng makumpra ang structure sa Seoul Institute of the Arts. Sumunod lang ako sa kanya. Lahat ng nakakasalubong kong estudyante ay mapuputla pero magaganda at gwapo. "Hi there!" Hinarangan kami ng isang gwapong lalaki. Okay. gwapo naman talaga lahat sila dito pero kakaiba din ang dating ng isang ito. "F*ck off Blake." Mainit din yata ang dugo ng asawa ko sa lalaking 'to. "Why? Gusto ko lang naman makita ang asawa mo." Tiningnan niya ako. He has an innocent face but with a devilish grin formed in his lips. "Wanna die?" may panghahamong sabi ni Stephen "Chill dude. Hello May. Nice meeting you." What the. Kilala niya ako? Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Tatanggapin ko sana kaso tinapik ni Stephen ang kamay niya at hinila na ako papasok sa classroom. **** Umupo kami sa may likuran. Ang sossy talaga ang lugar na 'to. Wala pa ang teacher at may mangilan-ngilan ding mga vampires na rinig kong pinag-uusapan kami pero binabalewala ko na lang. "Ang dami mo yatang kaaway," sabi ko. Tama naman, di ba? Si Andy pati yung Blake, bakit ba inis siya sa mga 'yun? "I have my reasons," sagot niya "Bakit nga?" "Just please trust me and stay away from Andy and Blake." "I trust you Stephen. Kaya kong lumayo dun kay Blake pero di yata kay Andy. He's my bestfriend and I know him." Napabuntong hininga siya. I tried to read his mind pero wala. Binoblock niya ako. Nasabi niya dati kung bakit di ko marinig ang iniisip niya minsan. Sabi niya pwedeng lagyan ng block ang isip. Mukhang mabigat nga ang rason niya kaya hindi niya pinapabasa ang iniisip niya sa akin ngayon. "Alam ko. Mas matagal mo pa ngang kilala si Andy kaysa sa akin but please just stay away from him." "Why? Hindi mo nga sinasabi kung bakit dapat ko siyang layuan. I trust you Stephen don't ever doubt that, pero kaibigan ko din si Andy. Just try to get along. Di ba pinsan mo siya?" Di na siya sumagot at parang sumuko na. Maya-maya ay dumating na rin si Andy. Gosh! Classmate ko din pala siya! "Andy!" Napalingon silang lahat sa akin. Dahil siguro sumigaw ako. Nakikihiya. Lumapit si Andy sa kinuupuan ako. May, Don't you dare Rinig ko ang boses ni Stephen na parang nagwawarning sa isip ko. Alam niya na siguro ang gusto kong mangyari. "Andy tabi ka dito!" masaya kong sabi sa kanya.  Kahit di ko nakikita ang reaksyon ni Stephen, alam kong nakasimangot na iyan. Hindi na sumagot si Andy at umupo na sa tabi ko. Pinagigitnaan nila ako actually. Sa right ko si Stephen at sa left ko si Andy. "Good evening class." Nagklase na si Sir. Pero ramdam ko pa rin ang tensyon ng dalawa kong katabi. Binalewala ko na lang yun. Kailangan nilang magkabati. "Get 1/4 piece of paper were gonna have a pretest." Teka, wala naman akong dalang gamit. Wala nga akong bag eh. "Pahingi ng ---" "Wife/May," sabay na sabi nila Stephen at Andy. Sabay din nila akong inabutan ng papel at ballpen saka nagtitigan na naman sila ng masama. Tiningnan ko lang ang inabot nilang papel at ballpen, Pero pareho ko din yung kinuha. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ganito sila? Para bang nagkokompetensya sa lahat ng bagay. Ginamit ko ang ballpen ni Stephen at papel ni Andy. Nakinig ako kay Sir kahit wala naman akong naintindihan. Puro vampire stuffs kasi, nakakalito. "Haaay" Humikab ako dahil sa antok. Napatingin naman silang lahat sa akin. Take note LAHAT. Ay oo nga pala, hindi sila natutulog. "Bawal bang humikab dito?" bulong ko "Don't mind them," sabi ni Andy "Oh yeah. You're vampires," sabi ko kay Andy "Don't talk to my wife." Pinanlisikan naman ng mata ni Stephen si Andy. Ayan na naman sila. "She's my bestfriend," iritang sabi ni Andy kay Stephen, "She's my wife," matigas na sabi ni Stephen at pinagdidiinan pa ang salitang WIFE. "I've known her first," sagot ni Andy. Bwiset talaga ang dalawang 'to. Paano kung marinig kami? Baka matalas din ang pandinig nung teacher edi lagot kami. Nakakainis na. Nag-aaway sila at ako pa ang sa gitna. Dahil hindi ko na matiis, I stood up. Lahat nakatingin sa akin at pati na rin si Sir napatigil sa pagkaklase. "Yes? Is there any problem." "Gusto ko pong lumipat ng upuan." Nilibot ko ang paningin ko. Naghahanap ako ng vacant seats. "Pwede po ba doon?" Tinuro ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Blake. Nagulat siya nung una pero nagsmirk din. "No!!" sabay ulit na sigaw nila Andy at Stephen. "Wife please." Hinawakan ni Stephen ang kamay ko at nagpuppy eyes. My golly! Kainis siya! Sino ba ang makakaresist dyan sa puppy eyes na 'yan!? "Nevermind sir. Dito na lang ako." Hindi ko naman matiis ang asawa ko. "Why don't you just get along?" sabi ko *** Tapos na ang klase. Hindi na nakasama sa amin si Andy dahil ayaw ni Stephen. Nagseselos ba 'to? Wala naman siyang dapat ipagselos. "Nagseselos ka ba?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway. "Yeah," walang ganang sagot niya. Wow. Hindi manlang nagdeny. "Wala ka namang dapat ipagselos." "Hindi mo lang alam, May. Pero marami akong dapat ipagselos." I began to think of James. Kung binabantayan niya ako kahit nasa mundo pa ako ng mga tao then he is fully aware that I like James. "Alam ko rin 'yun. Yung kay James." "Sorry." "Why?" Because I still like James despite the fact that I'm married to you. Alam kong narinig niya yung inisip ko. Nakita ko ang malungkot na expression niya. Parang nasasaktan din ako. "I told you I'll wait. I love you and that's all that matters." ** Nagpatuloy kami paglalakad hanggang sa nakasalubong namin sila Carmela at Angeli. "Hello kuya! Hi May!" magiliw na bati ni Angeli habang si Carmela ay walang expression na nakatingin lang sa amin. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Stephen "Kay kuya Andy," sagot ni Carmela Nakita kong kinuyom ni Stephen ang kamao niya. He's definitely mad. "Anong gagawin niyo dun?" "Voice lesson kuya. Please don't make a big fuss about it," said Angeli and then rolled her eyes. Yup. Mataray nga siya "Don't--" "Kuya, I hate the fact that you and Kuya Andy's friendship is ruined just because of some puny mortal. Tss." Ako ba ang tinutukoy ni Carmela? Ako lang naman ang mortal dito ah? Ako ba ang may kasalanan ng pagkasira ng friendship nila ni Andy? "Let's go, Wife." Hinila na niya ako. Pauwi na kami pero iniisip ko pa rin ang sinabi ni Carmela. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD