-May-
Nandito kami ngayon sa kwarto. Umaga na at hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kasi kung bakit ganoon na lang ang galit ni Stephen kay Andy. I know there is a reason why they are acting like that. Pati yung sinabi ni Carmela. I have a feeling na may kinalaman ako dito. Plus I think those two, Angeli and Carmela, don't like me at all.
Tsaka si James. Dapat ko na rin siyang kalimutan dahil kasal na ako kay Stephen. I like James. I didn't call it love yet kasi iba daw 'yun. Pagnasasaktan si Stephen, nasasaktan din ako. He's been very good to me and I can't afford to see him hurt just because I have a huge crush on James.
"Ang lalim ng iniisip mo ah. I can't hear it though. I think you learned how to block," sabi ni Stephen.
"Well buti nga! Ang daya mo kasi! Lagi mong pinapakinggan ang iniisip ko *pout*"
"Aiiish. Don't you do that!"
"Ang alin ito? *pout*"
Pout pa more nakakatawa kasi itsura niya eh. Namumula ang tenga at mukha niya. Kinikilig ang asawa ko!
"Ang cute ko ko kasi!" sabi ko na may kasama pang pagflip ng buhok.
"You're not cute wife," seryosong sabi niya.
"Ganun!? Di ka nacucutan sa akin!? "
Kaimbyerna naman 'to. Denying pa namumula na nga kanina eh.
"Hoy! Hindi talaga ako cute!?" sabi ko at nagpout at nagpuppy eyes pa sa harap niya.
"Ang cute ko di ba? *puppy eyes* *pout*"
"Hindi nga."
"Pssh. Ewan ko sayo! Doon na lang ako kay Blake at kay Andy!"
"Tampo agad 'to. You're not cute okay?"
"Oo na nga! Hindi na nga ako cute!"
He brushed my hair, looked straight into my eyes. Ano na naman balak nito? I felt something tickling inside my tummy. Butterflies?
"You're not cute. You're gorgeous."
Takte naman. Saan niya nakuha yang mga pick up lines na yan? Ayokong kiligin pero kinikilig talaga ko eh.
"See you're blushing!!!"
"Pssh. Ewan ko sa'yo! Alam ko namang gorgeous ako kahit di mo sabihin!"
Tumawa lang siya. Napansin ko lang na napapadalas na ang pagtawa niya.
"Gusto mo bang maglibot? Baka kasi naiinip ka na dito."
Actually hindi naman ako naiinip dito kasi enjoy naman siyang kasama.
"Ok. Pero umaga na kaya. You know the sun?"
"It's okay. Wala namang masyadong effect ang sun sa amin. It'll just irritate our eyes. Magdadala lang ako ng sun glass."
"Dalhan mo na rin ako. Baka kasi maexperience ko yung next sign. Di ba yung tungkol sa sun?"
"Okay. Mag-ayos ka na."
***
Una siyang lumabas ng kastilyo.
"I hate the sun," sabi niya
"Teka, matanong ko lang, bakit mukhang wala namang epekto ang araw sa'yo nung nasa mundo pa tayo ng mga tao?"
"Because I was wearing a special charm. Pandalian lang naman ang effect nun."
"Ah kaya pala."
As soon I stepped out, lalo akong nasilaw sa araw. Masakit siya sa mata. Hindi naman masyadong masilaw pero masakit talaga siya sa mata. I think this is the second sign, the sun will irritate me.
"Aww."
"Wife. Wear this."
Binigyan niya ako ng sun glasses at cardigan. Sinuot ko yun and I felt much better.
"The perks of being a vampire," bulong ko
****
Nilibot niya ako sa buong lugar. Para din pala itong City. Ang kinaibahan lang ay walang umaaligid kung umaga.
Mayroong park, school at iba pang pasyalan. May nakita din akong restaurant but I don't want to know what they are serving though I know someday I will be eating what they are eating .
Overall, ordinaryo lang ang lugar, only difference is, community ito ng mga vampires.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench. May puno naman kaya di masyadong masilaw.
"Wife."
"Bakit?"
"Do you wanna go home?" seryosong tanong niya.
Hmm. Kung hindi niya pa sinabi, hindi ko maiisip ang umuwi. Maybe I was enjoying his company. There is not a day that I felt bored when I'm with him. Gusto kong umuwi pero mas gusto ko yata dito kasama siya.
If I have a reason to go home, that would be my friends Jessica and Amanda. Hindi na kasi ako nakapagpaalam.
"What do you think?" tanong ko pabalik.
"I don't know. I can't read your mind anymore."
"I think mas gusto ko dito," sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Ngumiti din siya pabalik.
"Wanna visit your friends?
"Talaga?! Di nga!?"
"Yeah. Come on!"
Bumalik kami sa kastilyo. Kinuha niya ang bongga niyang ferrari. Sumakay kami doon at lumarga na. Normally, aantukin ako pag ganitong byahe pero ngayon parang may nag-iba sa sistema ko at hindi na ako inaantok kahit kagabi pa akong walang tulog dahil sa night class.
Marami siya nilikuan di ko na nga maalala yung iba eh. Pero sigurado ako na mahirap talagang mahanap ang lugar ng mga bampira.
***
Dumating na kami sa school. Feeling ko ilang taon din akong di nakabisita kahit ilang araw pa lang akong nawawala.
Dumiretso kami sa dorm. May klase pa siguro sila Jess at Amanda.
Pero pagdating namin ni Stepehn sa dorm, nakita ko agad si Jess na nakatulala sa kawalan at tingin ko nagluluto si Amanda.
"Jess," tawag ko.
Nilingon niya ako. Nakatayo kami sa may pinto. Kinusot niya pa ang mga mata niya at mukhang naninigurado kung ako ba talaga to.
"May? Ikaw ba yan!?"
Tumango ako at niyakap niya ako ng mahigpit. Tinawag niya si Amanda na di rin makapaniwala na nandito ako.
"*huk* akala namin kung *huk* ano ng nangyari sa'yo."
Naiiyak ako sa kanilang dalawa. Sinisi pa nila ang sarili nila sa pagkawala ko.
Marami silang tanong tungkol sa nangyari sa akin. Syempre nagpalusot ako. Di ko naman pwedeng sabihing naging bampira ako. Tinanong din nila kung bakit kasama ko si Stephen. Sinabi ko sa kanila ang totoo na kasal na kami. Kaso nga lang sinabi naming nagtanan kami at matagal na kaming mag-on. Kinilig naman sila ng bongga. Pero sinabi ko sa kanila na isekreto 'to.
"Alam mo ba, naghanda kami ngayon," sabi ni Jess.
"Bakit anong meron?" takang tanong ko.
"Its your birthday May!" masayang sabi ni Amanda.
Gosh! Birthday ko nga! Nakalimutan ko talaga. Dahil na rin siguro sa maraming kakaibang nagyari sa akin.
"Wait lang ha, nagluluto kasi ako," paalam ni Amanda. Umalis na siya at iniwan kaming tatlo.
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Kinausap din ni Jess si Stephen.
Pero bigla akong napatigil. May naamoy akong mabango. Napakabango.
"Aww," sigaw ni Amanda
Hindi ako makagalaw. Napakabango ng amoy ng dugo. I badly want blood.
Hinawakan ni Stephen ang kamay ko. Ang hirap magkontrol. Gustong gusto ko ng dugo.
"Anong nangyari sa'yo Amanda?" sigaw ni Jess.
"Nahiwa ko ang daliri ko," sagot niya
Stephen
Wife. Are you okay?
I'm not. I need to get out, please. Baka masaktan ko si Amanda.
"We need to go."
Hindi na nakasagot sila Amanda at Jess. Alam kong ginamit ni Stephen ang ability niya para makalabas agad kami. Mabilis kaming nakarating sa sasakyan.
Medyo okay na ang pakiramdam ko pero alam kong hindi na ako tao.
"Stephen, I'm thirsty for blood."
***