-May-
Tahimik lang kami ni Stephen buong byahe. Hindi na ako normal. Magiging bampira na ako and I have to accept that.
Hindi ko namalayan ang pagdating namin sa kastilyo. I'm too occupied by my thoughts that I didn't even noticed our arrival.
Pumasok na kami. Nandito kami sa isang balcony. Panay rin ang pagbuntong hininga ko.
"Wag na tayong pumasok sa school," sabi niya at halata ang pag-aalala.
"No. Papasok tayo. Wag ka ng mag-alala sa akin. Tanggap ko na rin naman. I'm going to be a vampire o baka nga bampira na ako. Just please don't leave my side."
Niyakap niya ako. Its comforting. Para bang nababawasan ang mga pag-aalala ko sa unti-unti kong pagbabago.
"Of course. I won't leave you. I promise."
****
Nagbihis na kami at naghanda para sa eskwela. Pero bumabalik na naman yung feeling na yun. Nauuhaw ako. Nanghihina. The third sign I will have a thirst for blood.
"S-stephen."
"Wife!?"
Nilapitan niya ako. Alam niya na siguro ang nangyayari. I'm so damn thirsty. I want blood.
"Wait here," sabi niya
Umalis siya at bumalik rin matapos ang ilang segundo. D*mn good thing he's fast, because I'm really drained.
"Drink this."
He handed me a cup. I know it's blood. Napakabango nito. Pero mas mabango ang dugo ni Amanda. I think this is an animal blood.
Ininom ko agad 'yun without even thinking. I really drank it up to the last drop. Iba ang pleassure na nabibigay ng dugo. Para bang pleassure na nabibigay ng pagkain sa tao but a lot of times na mas masarap. This is the nature of vampires. They depend on blood. At mukhang ganoon. na rin ako.
Pinunasan ko ang dugo sa labi ko. That was my first cup of blood. Nakakatawa lang isipin kung gaano ko pinandidirihan ang dugo noon. Pero heto ako ngayon at sarap na sarap sa pag-inom nito.
"How was it?"
"Satisfying."
*****
Pagkatapos ng drinking session ko ay dumiretso na kami ni Stephen sa kotse niya at mabilis ng nagdrive papuntang school. I hope we're not late.
Buti na lang at hindi kami na late. Nandoon na rin si Andy sa upuan niya. Bakit ang gwapo na niya? Gosh. He's really not gay. I mean his wearing eyeliner for godsake but he still manages to look manly. (Baekhyun. Amp xD) Is it really possible that I develop a certain feeling of attraction towards him? Maybe a crush? Naku naman, ano ba tong iniisip ko!? Pero gusto ko siyang makausap. Gusto ko ng kaibigang makakusap. Being a vampire is really hard. Ang daming adjustments.
"Hi Andy!" energetic na bati ko sa kanya.
"Good evening, May," pormal na bati niya.
Umubo si Stephen na para bang sinadya niya yun para mawarningan ako. Ano ba ang masama kung kausapin ko si Andy?
Don't start a fight Stephen
Fine. I won't. Just don't talk to him.
Na uh.
Buti na lang dumating na si Sir. Kundi, baka mag-away pa kami ni Stephen sa isip. Shocks. Ang weird nun kung sa isip mag-aaway.
He discussed random things. Blah. Blah. Blah. Eto siguro ang maganda sa pagiging vampire, kahit nakakaantok ang klase, hindi ka pa rin makakatulog. Bigla kong naalala si Stephen noong nandoon pa siya sa mundo ng mga tao. He's always asleep. Teka. Kung di naman nakakatulog ang mga bampira ibig sabihin nagtutulog- tulugan lang si Stephen sa klase namin dati. Clever monkey.
***
Natapos na rin ang misa I mean ang klase ni Sir. As usual kasabay ko ang asawa ko. Pero gusto ko yatang pumatay dahil sa malalanding tingin ng mga vampiress sa kanya. Relax May. Ikaw ang legal wife!
Nakasalubong ulit namin sila Angeli at Carmela looking sophistacated and beautiful as ever pero may kasama sila ngayon. But like I said, mabigat talaga ang dugo nila sa akin.
"Hello kuya," bati ni Angeli with her usual bitchy smile
"Kuya," expressionless na sabi ni Carmela.
"We need to go," walang ganang sabi ni Stephen.
"So this is your wife," sabi ng matangkad na babae na kasama nina Carmela at Angeli. Maganda din siya. Mahaba at napakaitim ng kanyang buhok na mas lalong nagpatingkad ng kaputian niya.
"Shut up Olive," matigas na sabi ni Stephen
"Oh baby. I could be your mistress." malanding sabi nung Olive.
Putcha. Walang hiya naman to! Bulgaran talaga! Nandito kaya ang asawa!
"You---"
Naputol ang sasabihin ko dahil umeksena si Blake.
"Ooohh. Hi Olive, Carmela. And..Angeli," sabi ni Blake.
Is it just me? Pero may kakaiba yata dito. Hindi lang dahil sa haliparot na si Olive, sorry for the term pero ganun talaga eh. Sana naman may magsabi sa akin ng kahit konting background nila. I stood here like an idiot who doesn't know anything.
"Ugh. All of you just f*ck off goddamnit!" sigaw ni Stephen
Nakahakot na nga kami ng audience dahil sa sigaw niya. He's clearly frustrated about all of these.
A Devonshire and a Grayson
This is war
Nandito pa ang ex
I heard ramdom things from them. Di ko naman maintindihan. Eto ang pinakaayaw ko. Yung bang parang ako lang ang walang alam sa nangyayari.
Sa gitna ng mainit na pagtatagpo namin ay may umeksena ulit. He looks like a nerd. Meron din pala dito nun? Akala ko hindi na kailangan ng bampira ng salamin.
"Sorry to interrupt. Prince Stephen, Princess Carmela and Angeli, pinapatawag kayo ng reyna sa office niya," nahihiyang sabi nung nerdy vampire.
"Tss. Tell her we're coming," sabi ni Carmela
"I hope makapagbond pa kayo ni Ate Olive kuya haha," sabi ni Angeli.
I'm starting to hate her. That b***h Olive also. Kainis talaga yang mga ganyan. Mas matapang pa ang kabit sa asawa! Hindi ako mahilig sa No Other Woman, Two Wives o kung ano pa man diyang movie about mistress pero kung ganito ang magiging drama namin di ko siya uurungan.
"Wife, wait for me. Doon ka muna sa Waiting shed sa may gate."
I nodded at pumunta na doon.
**
Three hours. I waited for three hours. Wala pa rin si Stephen. Gusto kong umiyak. I don't like to think na kinalimutan niya ako pero yun ang naiisip ko ngayon. Some birthday this turn out to be.
"May?"
Inangat ko ang ulo ko. It was Andy.
I can't hide my disappointment. Kung ano man ang reason niya at pinaghintay niya ako ng three hours, that better be good.
***