Chapter 16

1453 Words
-Andy- Nakita ko si May sa di kalayuan. Akala ko hindi siya pupunta dito sa festival dahil sa kalagayan niya but here she is. I'm glad she's okay. Sobra akong nag-alala sa kanya. (Eto yung time na dinala nila Olive si May sa building) Hindi ako mapakali sa klase namin. Wala pa kasi si May. Wala din ang asawa niya. Alam ko namang busy si Stephen sa festival at alam kong papasok ngayon si May dahil nasense ko ang presence niya sa school kanina. Special ability ko 'yun. Nasesense ko ang kahit ano sa paligid ko. Wether it's a person or danger, I can sense it as long as nasa 1km radius 'yun. Pero hindi lang ganoon ang ability ko; ten times na mas enhance ang pandinig, pang-amoy, paningin at pandama ko sa ordinaryong bampira. Well, enough with my powers. Nag-aalala na ako kay May. Papalayo na siya at hindi ko na masense ang presence niya. What's worse ay may naramdaman pa akong kasama niya and they are not Brentt, Hans, Steve nor Stephen. Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso na sa labas. Di ko na pinansin ang mga reaksyon nila sa bigla kong paglabas ang importante ngayon ay mahanap ko si May. Nagdrive ako ng nagdrive hanggang sa maramdaman ko ang presence niya sa isang lumang building but I also sense danger along with her presence. Mas lalo akong nag aalala. Sh*t baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Pagdating ko doon halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang nakita kong buhat buhat ni Stephen si May. Duguan ito at walang malay. What the hell happened? Sinundan ko agad ang kotse ni Stephen. I don't care if he'd drive me away if he finds out. What's important is I see May. Naghahalo ang nararamdaman ko. Sobrang nag-aalala ako kay May. Sobra akong nag-aalala sa babaeng mahal ko. "Please hold on, wife. Don't leave me. I love you so much." "I---lo--ve-- you too." At this very moment, I curse this vampire ability. Sana hindi ko na lang narinig kasi parang bakla mang sabihin ay parang pinipiga ang puso ko. Umiiyak si Stephen para kay May. Mahal niya nga. Stephen never cried before, ngayon lang. Pero ang sakit lang dahil narinig ko pa. Mahal rin siya ni May and I'm nothing but a f*cking third wheel. It sucks but I still love her. It's f*cking painful. Sa narinig kong 'yun, ipinamukha lang sa akin na wala akong puwang sa puso ni May at si Stephen lang talaga ang nagmamay-ari nito. Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko at sinundan ko pa rin sila. Papunta sila sa palasyo. Ayos na rin 'yun dahil nandoon ang mga manggagamot. Maasikaso siya ng  maayos doon. Dali dali nilang inasikaso si May. Nandoon din si Stephen. Hindi na siya umiiyak pero bakas ang lungkot, galit at pag-aalala sa kanya. Nandito lang ako sa sulok. Naghihintay. Ano ba ang magagawa ko? Nandoon sa isang silid si May at inaasikaso na siya ng mga manggagamot. "She' stable," rinig kong sabi ng mga nag aasikaso sa kanya sa loob. Lumabas na ako pagkatapos nun dahil alam kong alam na ni Stephen na nandito ako. Ayaw ka muna ng gulo, kailangan kong makapag-isip isip. *** Nalaman kong naggising na si May makaraan ng isang linggo. Buti naman at naggising na siya. Gustong gusto ko siyang puntahan pero alam kong hindi pwede dahil paniguradong nandoon si Stephen. Ayaw kong mag-away kami sa harap ni May. Hanggang ngayon, tinuturing ko pa ring kaibigan si Stephen. But for him, I was no longer his friend but a traitor. Inaamin kong kasalanan ko ang mga nangyayari. Ang sitwasyon ko ngayon ay kasalanan ko rin. Hindi ko alam na mahuhulog ako sa babaeng itinakdang magpakasal sa kaibigan ko. Pinigilan ko pero bumigay pa rin ako. Mahal na mahal ko si May. I'm inlove with my bestfriend's wife and I f*cking hate myself for that. Masama na ba ako kung hilingin kong sana ako na lang si Stephen? Sana ako na lang ang itinakda kay May. Ngayon ang moonlight festival. Hindi ko alam kung pupunta si May pero nararamdaman ko ang presence niya sa kwarto niya. Nararamdaman ko 'yun dahil nasa garden lang kami ng palasyo. Naramdaman kong papalapit na siya dito pero bago 'yun ay ikinabigla ko ang pag-uusap nila ni Delphi. Kinakausap siya ni Delphi? That's peculiar. Hindi basta-bastang nakikipag-usap si Delphi sa kahit sino lang. Mailap siya at hindi basta-bastang makakausap unless it's an urgent matter. She's one of the most respected witch in the immortal world. Kung baga, siya ay isang elite sa mga witches at warlock, almost at the same level as the royalties of the vampires. Lumapit na dito si May. She looks stunning in her red above the knee dress. Palingon-lingon pa siya until she saw him. Tss. So binabantayan niya si Stephen? Lumapit na rin ako sa kanya. "Tense ka masyado, May. May ginagawa bang masama ang asawa mo?" sabi ko dahilan upang mapalingon siya sa akin. "Wala no! Baka masapok ko 'yun ng wala sa oras pagnagkataon," sabi niya na parang naiinis. "You're finally acting like his real wife." I hope she can sense the sadness in my voice. Pero hindi niya 'yun napansin dahi nagbiro pa siya. "Ako pa! Haha. Ang usisero mo talaga no! Namiss ko tuloy nung mga panahong bakla ka pa. Nung mga panahong mas malandi ka pa sa"kin," natatawaang saad niya Sana ganoon na lang. Sana makabalik ako sa oras na kahit diring-diri akong nagpapanggap na bakla sa harap niya ay malaya ko siyang nakakausap at nahahawakan ng walang pag-aalinlangan. 'Yung mga panahong hindi niya pa nakilala si Stephen. "Yeah, I miss those times too. 'Yung hindi ko kailangang lumusot sa asawa mo para makasama ka." Natahimik kami sandali. Maybe she's thinking of something. Hindi ko alam kung manhid lang ba talaga siya at hindi niya nalaman na may gusto ako sa kanya noon pa. At hanggang ngayon wala pa rin siyang kaalam-alam. I think she only sees me as her friend and didn't even noticed. "The moon has reach its peak, be ready," sabi ko dahil maghaharness na kami ng energy. Somehow I felt happy dahil ako ang kasama niya sa oras na 'to. It's her first time to experience this at ako ang kasama niya. "Anong gagawin?" tanog niya. "Just look at the moon,"sabi ko. Sinunod niya naman ako at tiningnan niya ang buwan. The moon is flattering with it's blue radiance. Naramdaman ko ang energy mula dito and I felt much stronger. This is a simple gathering and we harness energy from the blue moon. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni May. Mukhang nararamdaman na niya rin ang energy. Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin pa siya sa akin pero di ko 'yun pinansin at hinawakan ko lang ang kamay niya. Natapos na rin ang peak ng buwan kaya bumalik na ang lahat sa pagdiriwang. "Feeling better?" tanong ko sa kanya. "Yeah. Ano ba yun? Ang weird ah. Pero masarap sa pakiramdam," sabi niya. Pagkatapos noon ay hinigit ko siya. Tumakbo kami ng tumakbo. Mabilis kami dahil nga sa bampira kami. Hindi naman kami masyadong nakalayo dahil nandito pa rin kami sa may palasyo, pero specifically, nandito kami sa balcony. (Eto yung balcony kung saan kinomfort ni Andy si May noong hindi siya sinipot ni Stephen sa birthday niya. Tanda niyo?) I think I'm starting to like this place dahil siya ang lagi kong kasama dito. "Uy! Bakla! Yung kamay ko!" Nakahawak pa rin pala ako sa kamay niya pero di ko 'yun tinanggal. "Ganito muna tayo, May," pakiusap ko. Hindi na siya magreklamo at tumango na lang. "Ang weird mo talaga ngayon. May paholding hands ka pang nalalaman! May problema ka ba Andy?" Tiningnan ko siya. I looked straight into her adoring eyes. Gustong gusto kong sabihin na siya ang problema ko. "Ang puso ko May. Nakakainis na. Kung pwede lang pumili ng mamahalin." "What?! Inlove ka!? Ommygoosh! Kanino? Huhu. Kala ko bestfriend kita pero bakit di ko agad nalaman?" Gusto kong matawa sa kanya. Sa tagal naming magkasama hindi niya talaga narealize na inlove ako sa kanya. "Uy! Bakla! Sino!? Daya mo naman eh." "Sino nga?" "Bigyan mo naman ako ng clue!?" "Maganda ba?" "Sexy?" "Kilala ko b---" Pinutol ko na ang sasabihin niya at niyakap ko siya. "It's you, May. I'm inlove with you." Hindi siya agad nakasagot. Alam kong nabigla siya. Pero hindi ako nagsisi na sinabi ko 'to. I sensed his familiar presence. A few meters away from us, two eyes were staring. I could almost feel the coldness in his stares. If stares could kill I would be lying dead right now. Stephen ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD