Chapter 15

1198 Words
-May- "Nagigising na siya." "Unbelievable." "Her recovery is too fast." Miunulat ko ang mga mata ko. Hindi sila mapakali ang mga bampira sa paligis ko pero sa isang mukha lang talaga ako nakafocus. Nakangiti siya sa akin pero bakas pa rin ang pag-aalala sa kanya. "I'm so glad you're awake," sabi ni Stephen. Hinaplos ko ang mukha niya at nginitian ko rin siya pabalik. "Hindi kita pwedeng iwan hubby, baka agawin ka ni Olive," pabirong sabi ko. Bumangon ako. Naalala ko ang nangyari. Hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yun pero sa tingin ko instincts yun. Naguguluhan ako sa ability ko. Para bang kaya kong gawin lahat. "Don't stress yourself too much, wifey," sabi niya tsaka ako inalalayan. "Okay na ako hubby. Parang wala ngang nangyari eh." Totoo 'yun. Wala akong nararamdamang sakit sa katawan ko. Kahit katiting wala akong nararamdamang kirot. Parang natulog lang talaga ako. "Pero muntik ka ng mamatay." Napayuko si Stephen matapos niyang sabihin 'yun. Kinuyom niya ang kamao niya hanggang sa halos mamuti na ito. "Hahayaan ko bang mangyari 'yun, hubby? Syempre hindi." Biglang lumapit sa amin ang isang middle age na lalaki. "Ichechek ko po muna siya." Tiningnan niya ako. Naawkward nga ako dahil sa tingin niya eh. Its okay, wifey. He's a doctor. His special ability is x-ray vision. Kaya pala. Ang astig din ng powers niya malaking tulong sa profession niya. "Normal naman po lahat ng organs niya. It was an incredibly fast recovery. Normally, kapag natamaan ng ganun kalalim ng isang silver ay matatagalan ang recovey. It could take a year or worse the patient might die. Pero isang linggo lang nakarecover agad siya." Isang linggo? Ibig sabihin, isang linggo na akong tulog? "Mauuna na po ako," sabi ng doctor tsaka umalis na. Tumango si Stephen at pinaalis niya na lahat ng nag-aasikaso dito sa kwarto namin. Nag unat-unat na rin ako tsaka tumayo. Isang linggo ba talaga akong tulog? Di ko naman feel dahil okay na okay naman ang pakiramdam ko. "What are you doing?" tanong ni Stephen. "Tumatayo? Bakit?" "You need to rest," seryosong sabi niya. "Okay na ako. Isang linggo na nga akong natulog eh." Sumayaw sayaw pa ako sa harap niya. Pfft. Nakakatawa ang reaksyon niya nakakunot ang noo at lukot ang mukha. "Then it's settled, you're not going to the festival," sabi niya. "What!? Bakit!? Sa moonlight festival?! Kailan ba 'yun!? Okay na ako ah!" reklamo ko "Yes. It's tonight. Dito ka lang sa kwarto magpahinga ka," sabi niya. "Waaah! Ayoko! First time kong makakita ng festival niyo dito tapos ikukulong mo ako! Hubby naman eh!" Nagpout pa ako at nagpacute sa kanya pero mukhang wala namang effect. "Dito ka lang. You can watch in the balcony. Doon ka na rin magharness ng energy. Wag ka lang lalabas." "Huhu." Hindi na ako nakaangal. Ang unfair niya talaga! Hindi na,an ako imbalido ah! Papaalis na siya nang bigla ulit siyang lumingon sa akin. "I love you," he said with a smile. Automatic nagflash sa isip ko ang sinabi ko sa kanya. Waaah! Omygosh. "Uhm. Thank you?" patanong na sabi ko. It's obvious that I'm trying to act dumb. Nahihiya kasi ako. Oo totoo ang sinabi ko. I love my husband. Narealize ko 'yun nang sinabi ni Olive na aagawin niya ang asawa ko. I felt threatened. Natakot ako na mawala si Stephen. Nakita ko ang pagkunot ng nuo ni Stephen. I know he's expecting a different answer. Lalabas na sana siya nang tawagin ko ulit siya. "Stephen." Tumigil siya at tumingin sa akin. "I love you too." I love you more, wifey *** Boring! Kailangan ko na talagang makalabas dito! Alam kong abala ang lahat pero gusto ko talagang makita ang festival. Okay naman na kasi ako pero masyadong protective 'tong asawa ko. Lumabas ako sa balcony. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. Lahat ng mga bampira ay nakakulay pula. Tapos may mga nakakulay green at blue. Siguro sila na ang mga wiches, warlocks at werewolves. Buhay na buhay ang bayan sa gabing ito. Nakikita ko ang kasiyahan mula dito. Sa may garden kasi ang pagtitipon. Kitang-kita din doon ang napakaliwanag na buwan. Naiinggit na talaga ako. Kailangang makatakas ako dito. Lock kasi 'yung pinto. Nakakainis talaga. Kaya ko bang tumalon dito? Ang taas naman nito. Fly Lumipad? Kaya ko ba? Nagconcentrate ako at pinikit ko ang mga mata ko pagkatapos ay tumalon ako mula dito sa balcony. Iniisip kong lumulutang ako. Naramdaman ko ang paggaan ng katawan ko. Dahan dahan akong bumaba. Inaalalayan ako ng hangin hanggang sa makababa ako ng ligtas. Whoah. Cool. Teka, paano na 'to? Siguradong mapapansin agad ako dahil hindi ako nakapula. May idea na ako sa kapangyarihan ko. At kung tama ako, gagana 'to. Red dress Inimagine ko na suot ko ang isang kulay pulang damit. Pagdilat ko, laking gulat ko na suot ko na nga ito. Cool. So this is my power. I can make things happen just by thinking. Naglakad ako ng dahan dahan para walang makahalata sa akin. Lagot ako sa asawa ko pagnahuli ako. Lakad. Lakad. "I saw what you did." Napatigil ako sa paglalakad nang may nagsalita galing sa puno. Doon ay dahan dahang lumapit sa akin ang isang napakagandang babae. Parang magkasing edad lang kami. She's wearing a green flowy dress that accentuated her curves perfectly. "Ha? Anong--" "You have incredible powers May." Teka, kilala niya ako? Tsaka nakita niya ang ginawa ko? "Yes, I saw it and I know you," sabi niya. Mind reader ba siya? Bakit alam niya? "I'm not a mind reader. It's easy to read your expression, that's why." "Uhm. Ano ka ba? I mean, saang clan ka nabibilang?" tanong ko. I'm sure she's not a vampire. "I'm a witch. My name is Delphi." So lahat ng nakagreen ay witch at warlock. Delphi. Saan ko nga ba yun narinig? Pamilyar siya. Alam ko na! Siya 'yung pinag-uusapan nila Stephen at Queen Jocelyn sa library. Delphi, the witch from the South. May alam ba siya sa emblem sa likod ko? "I have to go, nice to meet you your highness," yumuko siya tsaka bigla na lang nawala. Sayang. Hindi ko naitanong sa kanya. *** Nakita ko si Stephen sa di kalayuan. Seryoso ang mukha niya habang nakikipag usap sa mga bisita. Poker face talaga si hubby. May ilang dalaga ring lumapalit sa kanya. Bitches.  Gusto kong sugurin 'yung ibang nakacling sa kanya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil siguradong mahuhuli niya ako. "Tense ka masyado, May. May ginagawa bang masama ang asawa mo?" Napalingon ako kay Andy. Gosh. Tagal ko na rin siyang di nakausap. "Wala no! Baka masapok ko 'yun ng wala sa oras pagnagkataon," sabi ko. "You're finally acting like his real wife." "Ako pa! Haha. Ang usisero mo talaga no! Namiss ko tuloy nung mga panahong bakla ka pa. Nung mga panahong mas malandi ka pa sa'kin," natatawang saad ko "Yeah, I miss those times too. 'Yung hindi ko kailangang lumusot sa asawa mo para makasama ka," seryosong sabi niya. Natahimik kami sandali. Napaisip din ako kung bakit ganoon na lang galit nila sa isa't isa. Bakit nga ba? "The moon has reach its peak, be ready." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD