-May-
"Ingat ka hubby," sabi ko bago isarado ang kotse ni Stephen.
"I will. Take care, wifey," sabi niya.
Tumalikod na ako sa sasakyan ni Stephen at dumiretso na sa eskwelahan. Hindi ulit papasok ngayon si Stephen dahil aasikasuhin niya pa ang moonlight festival. Namiss ko tuloy siya.
Marami siyang binilin. Sabi niya, dapat daw sumabay ako sa tatlong pangit (Hans, Steve, Brentt) kung uuwi ako at huwag ko daw kausapin si Andy. Ang protective niya talaga.
"Aiish. Late na ako,"sabi ko sa sarili ko.
Dahil nga sa kinulit ko ng kinulit si hubby na sumama ako sa kanya kanina, heto ako ngayon at patakbo-takbo sa hallway dahil super late na talaga ako. Wala ng estudyanteng nagkalat dito, ibig sabihin umpisa na nga ng klase.
"Where do you think you're going?"
Nilingon ko si Olive na mataray na nakatingin sa akin. May mga kasama siya ngayon. Dalawang babae na sobrang iksi ng palda at mukhang espasol.
"Malamang sa klase ko," walang kagatol-gatol na sabi ko at dumiretso ng maglakad
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakatayo na silang tatlo sa harap ko at hinarangan ang dinadaanan ko sana. Kaasar naman 'tong mga bampirang 'to. Late na ako! Ngayon ko lang napag-isip na dapat ginamit ko na lang ang super speed ko, edi sana nakarating na ako sa classroom at hindi na sana ako nakikiusisa sa feeling mistress na si Olive. Nagdala pa ng minions na kasing pangit niya.
"Padaanin mo nga ako!" inis na sabi ko.
"Wala ang asawa mo ngayon kaya magpakabait ka na lang para di ka masaktan," sabi ni Olive with matching roll eyes pa. Bwiset siya! Eh kung dukutin ko kaya ang eyeballs niya?
"Tabi sabi eh! Hindi ka lang pala maharot perwisyo ka pa!" sabi ko.
"Maharot? I'm just taking care of my properties and Stephen is one of them," sabi niya tsaka dinuro-duro ako.
Property? Ano kala niya kay Stephen, pag-aari niya? Hindi lang pala siya maharot at perwisyo isa din pala siyang malaking feeler.
"Excuse me, Olive. I don't think you own my husband. You don't even own anything except your flirthy clothes and your ugly face."
"You bi--"
"Hep! I'm not done yet. You know what you are in our relationship? Let me tell this to your disgusting face, you're nothing but a pest. Wala na ngang may gusto sa'yo, nakikisiksik ka pa sa relationship namin. I know my husband has high standards so he won't waste his time to a slutty b***h like you. So f*ck off."
Lihim na napapangiti ako, deep inside. Nakikita ko kasi ang pamumula niya sa galit. Sobra na kasi siya eh. Bilang legal wife dapat ipaglaban ang asawa. Di ba? Hoho.
"Bea, Thea, dalhin niyo na ang babaeng 'yan. Kailangang turuan ng leksyon," utos niya sa dalawa niyang kasama
Bigla na lang nagkaroon ng maraming Bea. As in. Mga sampu yatang Bea ang nasa harap ko ngayon. Parang nagkaroon ng sampung xerox copy si Bea. Is this her ability?
Tatakbo na sana ako nang bigla na lang akong higitin ng dalawang Bea. Hindi na ako makawala dahil ang lakas niya. Malakas din ako pero di ako makapalag dahil ang dami nila.
"Thea, gawin mo na."
Lumapit sa akin si Thea. Tiningnan niya ako sa mata. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa mata niya hanggang sa unti-unting nanghina ang katawan ko at nandilim na ang paningin ko.
"Sleep, bitch."
******
Naggising ako at nandito na ako sa isang abandonadong building. Nakakaasar talaga ang mga kampon ni Olive. Edi hindi na ako nakapasok! Nakakabwiset!
"Oh! The princess is awake!" maarteng sabi ni Olive saka lumapit sa akin.
Nakagapos ako ngayon sa isang upuan. Tsk. Walang originality talaga ang babaeng 'to. Saan niya kaya napanuod 'tong k********g scene? Grabe nakakamangha! (Insert sarcastic tone =_=)
Sinampal niya ako. Naramdaman ko ang pagdugo ng gilid ng labi ko dahil sa lakas ng sampal ng bruha.
Ilang pasakit pa ang naranasan ko sa kanya. Pati sila Bea at Thea ay nakisali rin. Sampal, kalmot, suntok at ilang sabunot ang inaabot ko. Gusto kong kumawala pero ang higpit nang pagkakatali nila.
"Can I drink her blood?" tanong ni Thea kasabay ng paglabas ng pangil niya.
Ano? Iimunin nila ang dugo ko? Bampira din kaya ako!
"Yuck, Thea. Drinking that b***h's blood? You have got to be kidding me," sabi ni Olive na parang diring diri.
Ako din nandidiri sa mukha mo, Olive.
Nawala ang pangil ni Thea nang pagsabihan siya ni Olive.
"Ganyan ka na lang ba May? Akala mo kung sino kang matapang? Well in fact isa ka lang malaking pabigat kay Stephen. Aagawin ko sa'yo ang asawa mo. I know it will be easy because your weak."
Biglang nandilim ang paningin ko. Sobrang galit ang nararamdaman ko kay Olive. Hindi ko alam ang sunod na nangyari pero parang may kumakawala sa katawan ko na hindi ko mapigilan.
*****
-Third Person-
Naputol ang lubid na nakapulupot kay May. Sobrang lakas nito ngayon. Nag-iba din ang kulay ng kanyang mga mata. Naging pula ang mga ito. Kitang-kita din ang galit na ekspresyon niya. Ang kanyang matutulis na pangil ay lumabas na rin.
Hindi inasahan nila Olive, Bea at Thea ang nangyari kay May. Nakaramdam sila ng kaba dahil ngayon ay maayos na nakatayo si May na para bang wala siyang iniindang sakit. Napakaganda nitong bampira pero nakakatakot din.
"How did you---" sabi ni Bea na halata ang kaba.
"Scared? Well you should be," malamig na sabi ni May. Walang bakas na kahinaan sa kanya.
"You wanna fight? I'll give you a fight," sabi ni Olive kasabay ng paglabas ng kanyang pangil.
Mabilis na nilusob nilang tatlo si May. Pinarami ulit ni Bea ang sarili. Gumamit naman ng teleportation si Olive para mas mabilis pa siyang kumilos. Umaatake rin si Thea. Ginagamit niya lang ang skill ng ordinaryong bampira dahil hindi magagamit sa laban ang ability niyang pagpapatulog.
Kung mabilis silang tatlo, ay lalong mas mabilis si May. Parang wala lang sa kanya ang atake ng tatlo at walang hirap niya itong iniilagan.
Tumigil ang tatlo dahil wala namang epekto ang ginagawa nila. Bakas ang frustration sa mukha ni Olive dahil hindi siya umubra kay May.
"Are you done?" nakakakilabot na sabi ni May.
Hindi sumagot ang tatlo. Gusto na nilang tumakbo pero wala silang magagawa.
"Levity," wika ni May.
Kinumpas ni May ang kamay niya kasabay ng pag-angat ng katawan nila Olive. Para bang dinadala sila ng hangin. Itinaas ni May ang tatlo hanggang sa makaabot na ito sa dingding ng building.
Kinumpas niya ulit ang kamay niya. Mabilis na nahulog ang tatlo mula sa ere. Rinig ang lakas ng kalabog dahil sa pagkahulog nila.
Hindi na nakatayo sina Bea at Thea pero pinilit pa rin ni Olive na tumayo. Kahit hinang-hina na siya ay nagawa niya pa ring tumayo.
"You're quite strong b***h," sabi ni May saka ngumiti ng nakakilabot.
"Let's see. Right knees." wika ni May.
"Ahhhh!" sigaw ni Olive kasabay ng pagsakit ng kanan niyang tuhod. Napaluhod ito sa sobrang sakit na pinaparamdam sa kanya.
"How about shoulders?"
Napapikit na rin si Olive sa sakit ng balikat niya. That moment she realized na lahat ng sinasabi ni May ay nangyayari.
Pero sa huli hindi pa rin sumusuko si Olive. Kinuha niya ang silver knife na nakatago sa likod niya. Iningatan niyang hindi makita ni May ang kutsilyo. Ito ang kahinaan ng mga bampira, silver. Gawa sa kahoy ang handel ng kutsilyo kaya hindi siya nasaktan ng hawakan niya ito.
"We're not done yet princess," sabi ni Olive saka niya binato ang kutsilyo kay May.
Hindi ito inasahan ni May. Naramdaman niya na lang ang sakit at unti-unti niyang panghihina.
-Stephen-
Hinatid ko si May sa eskwelahan. Marami pa akong aasikasuhin ngayon dahil sa moonlight festival. As much as possible, I want to be with her all the time, but I can't. I still have my duties.
Habang inaasikaso ang mga preparation, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Wala naman dapat ikakaba pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali.
"Sh*t," I cursed. This is happening because May is in danger. We have a bond because of our marriage. This kind of feeling happens to a vampire when his or her mate is in danger.
"Aalis na ako," sabi ko.
"Pero po---"
"May is in danger."
Hindi ko na hinintay sumagot si Waldren at mabilis na akong tumungo sa kotse ko. I'm still nervous and uneasy. The thought of my wife being in danger makes me feel multiple emotions--sadness, grief, anger.
"D*mn. Where the hell is she?"
Nagdrive ako ng nagdrive but then my instinct told go to the old building.
Doon ko nakita si May. Nandoon din sila Olive pero nakahandusay na ang dalawa niyang kaibigan at walang malay. Si Olive naman ay nakaluhod na parang hirap na hirap na rin. Did May do this?
"We're not done yet princess," sabi ni Olive saka niya binato ang kutsilyo kay May.
"May!!" sigaw ko.
Para bang tumigil ang mundo ko sa nakita ko. Halos hindi ako makagalawa nang makita kong tumusok sa katawan niya ang kutsilyo.
Mabilis kong pinuntahan si May. I saw blood in her shirt and she's losing her consiousness.
"Silver."
Halos manginig ako nang malaman kong isang silver knife ang binato ni Olive. Kahinaan ng mga bampira ang silver. Kung may makakapatay man sa amin, 'yun ay ang silver. Kinuha ko ang kutsilyo na nakasaksak sa sikmura niya. She slightly yelped in pain.
Kitang-kita ko ang panghihina ni May habang hawak ko siya. Hindi ko rin napigilan ang pag-agos ng luha ko sa nakikita ko ngayon. Millions of thing is running in my mind at this moment. I swear I'm not gonna forgive myself if something happens to her.
Mabilis ko siyang binuhat at tumakbo ako sa kotse ko.
Nag-umpisa akong magmaneho pero di pa rin tumitigil sa pag-agos ang luha ko.
"Please hold on, wife. Don't leave me. I love you so much," sabi ko habang umiiyak. Sh*t.
"I---lo--ve-- you too."
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa oras na 'to dahil narinig ko ang pinakamatamis na salita mula sa kanya, pero mas nananaig ang pag-aalala at galit ko sa sarili ko dahil wala ako noong kinailangan niya ako.