Chapter 13

1710 Words
-Angeli- Nakita namin ang nangyari doon sa mga babae at kay Olive. How gross! We saw it all. Of course I'm with my sister Carmela. She's quiet, as usual. We are on our way to our class and then we saw this super disgusting hallway scene starring those vampiress and Olive. "So gross," sabi ko. "Something's wrong," sabi ni Carmela habang sinusundan ng tingin sila kuya at May. "Huh?" "About May." Ano bang mali kay May? Well I can say that she's weak because she is once a mortal and I hate weaklings. "Stop talking in riddles Carmela, ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" iritang tanong ko. Lagi kasi siyang ganyan. Ang misteryoso niya masyado. Mana siya kay kuya Stephen. Wala namang kakaiba kay May except the fact that she irritates me. "Tss. Nevermind." Kita mo 'to! May sinasabi kanina tapos babawiin. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad papuntang class. Hindi namin kaklase si kuya kaya dumiretso na kami sa sarili naming classroom. Pero nakita ko si Blake na nagmamadali rin papuntang class niya. He looked at my direction and smiled. Nginitian ko din siya. "Stop that Angeli." Napalingon ako kay Carmela. She's dead serious. I just hate my sister when she acts this way. "Kalaban natin ang mga Devonshire," matigas na sabi niya Sa mundo ng mga vampires, ang pamilya namin ang kinikilalang pinakamataas sa royal blood. There had been a secret war between the Devonshire and Grayson. Gusto din ng mga Devonshire na sila ang kilalaning pinakamataas kaya nagkagulo. Everyone is aware of that pero ang alam nila ay natigil na ito pero hindi, dahil hanggang ngayon, magkaaway pa rin ang pamilya namin. Blake is the son of the Devonshire and I'm a Grayson. Yeah. Forbidden love. Sucks, right? "Involve ba kami doon ni Blake!? He won't hurt me," sabi ko. "Stay away from him or I will tell kuya about you and Blake," pagbabanta ni Carmela I smirked. You're smart Carmela pero hindi mo yata naisip na may sekreto ka rin. "No you won't. Pag sinabi mo yan kay kuya, sasabihin ko rin ang tungkol sa mortal na kinababaliwan mo. What was his name again? Oh right. Darren? Am I correct?" I saw her stiffen. It's a sign that I won. "Keep your mouth shut," sabi niya. Victory. "Of course, sis. Love yaah!" "Tss." Pumunta na kami sa klase namin. We are the Grayson sisters, no one dares to mess with us. *** -May- Pumasok na kami ni hubby sa klase. Natatawa pa rin ako sa nangyari kanina. Pero the best talaga 'yung pagsubsob ni Olive. Ang sama ko ba? Deserve niya naman 'yun eh! Pasalamat pa nga siya marble floor 'yung sinubsuban niya. Pero epic talaga eh. Umaayon talaga sa akin ang swerte. "Why are you smiling? Tss. You look stupid wifey." "Eh?" Napatingin ako kay hubby na kanina pa pala ako tinitingan. "Anong stupid? I think the right adjective is pretty." Kasalanan ko ba kung paulit ulit na nagrereplay sa utak ko 'yung nangyari kanina? "Ang hangin mo," sabi niya. Waah! Gaya-gaya siya! In fairness natututo na siya. "Anong pinagsasabi mo hubby? Nakaaircon naman tayo ah," mapang- asar na sabi ko Naalala ko ang scene na 'to, yan din ang sinabi niya sa akin. "Pssh." Inasar ko lang siya nang inasar. Wala pa naman 'yung teacher. Asan kaya si Andy? Wala rin siya eh. "Wifey, may nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong niya. "Wala naman. Bakit?" "Yung mark sa likod mo? Wala bang pagbabago? Sumasakit pa rin ba?" "Hindi na siya masakit, hubby. Wag kang mag alala wala naman akong nararamdaman." Hinaplos ko ang likod ko Pati ako napapatanong din, ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Pagkatapos naming magbasa ni hubby ay dumiretso na kami sa kwarto. "Wifey, pwede bang matingnan 'yung likod mo?" Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Nilaylay niya ang damit ko. Masusi niyang sinusuri ang parteng 'yun ng likod ko. Come to think of it, hindi ko pa pala nakikita kung anong nangyari diyan. Bigla na lang kasing sumakit. Binalik niya sa ayos ang damit ko. "Wifey, aalis muna ako," sabi niya. "Sama ako!" "No. I'm gonna meet my Mom." "Bakit? Bawal ba ako dun?" tanong ko. "We have some private matters to discuss. Just wait for me, wife." Hindi na ako nangulit hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko. "See you, wife. I love you." Hindi ko maiwasang mamula sa gestures niya. Kinikilig ako! **** Ano ba talaga ang tinitingnan niya sa likod ko? Lumapit ako sa isang malaking salamin dito sa kwarto. Tiningnan ko ang parteng 'yun ng likod ko. Hindi ko maiwasang magtaka. Wala naman 'to dati ah? May marka ang likod ko. Ang ikinabigla ko pa ay kaparehong-kapareho ang korte nito sa picture sa libro kanina. "The emblem of immortals," bulong ko habang tinitingnan ang marka sa likod ko. Bakit naman ako nagkaroon nito? Parte ba 'to ng pagiging bampira? Kung ganun, bakit hindi sa akin sinasabi ni Stephen ang tungkol dito? Mukhang naguguluhan pa nga siya eh. Inaayos ko na lang ang sarili ko at lumabas. Hahanapin ko na lang si hubby. Hubby? Asan ka? Kinausap ko siya sa isip pero hindi siya sumasagot. Nilibot ko ang palasyo hanggang sa makarating ako sa isang kwarto. Dinig ko ang pag-uusap nila hubby at ni Queen Jocelyn. Nagtago ako sa may gilid. Mabuti na lang matalas ang pandinig ko kaya walang problema sa akin na pakinggan ang conversation nila kahit medyo malayo ako. "Bakit anak? Mukhang may pinoproblema ka," malumanay na sabi ng reyna. "Mom, It't about May." Hala? Ako? Pinoproblema niya ako? "Why? What happened?" "She has the emblem," sagot ni Stephen. "Of course she will have an emblem, she's a royal blood vampire." "It's not what you think, Mom. She doesn't have the Emblem of Vampires." 'Yung mark sa likod ko? Tama. Hindi naman nito katulad ang emblem of vampires. "What do you mean?" takang tanong ng reyna. "She has the Emblem of Immortals." Sandaling natahimik ang dalawa. The queen is thinking of something and so is Stephen. "I'm thinking of something but it's impossible, I mean, it never happened. Lumalabas ang emblem bilang patunay na isa ka ng ganap na imortal. The Emblem of Vampires are for vampires, the witches are for witches and werewolves are for werewolves. Bakit iba ang sa asawa mo?" "Hindi ko rin alam. Sabi mo kanina may naiisip ka, ano 'yun mom?" "Wag mo ng isipin 'yun. Pasensya na at wala akong maisasagot sa kalagayan ni May ngayon. But I think Delphi knows." "Delphi? The witch from the South?" "Yes. I think she can help. Pupunta siya dito sa moonlight festival. Ask her after the feast." "Okay, I will. Bye Mom. Thank you." Narinig kong palabas na sila hubby sa kwartong 'yun. Tarantang-taranta ako dahil alam kong masamang mag-eavesdrop at baka mahuli ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya tumakbo ako at hindi ko namalayan na nandito na ako sa kwarto ko. Whooooah. Ang bilis nun! Wala pang isang minuto andito na ako. Cool. Super speed. Bumagabag sa utak ko yung pinag-usapan nila. Sigurado akong bampira ako. Umiinom ako ng dugo, naiirita ako sa araw at lumabas na rin ang pangil ko kaya sigurado ako. Pero bakit iba ang sinasabi ng marka sa likod ko? "Wifey?" "Huh?" "Spacing out? Teacher is here. I'm going now." "Teka, saan ka pupunta?" tanong ko. Balak niya bang magditch ng klase? "Oy! Oy! Masama magcutting!" saway ko. "No wifey, I have things to do for the moonlight festival." "Ok. Pwede bang sumabay dito kay Andy?" Tiningnan ko si Andy. Nandito na nga siya. Ngayon ko lang napansin. "No," matigas na sabi ni hubby. "Eh bakit? Wala sa aking maghahatid sa palasyo." "Meron. Hintayin mo lang sa may gate sila Hans, Steve at Brentt sila maghahatid sa'yo." "Sino naman ang mga yun?" "Mga kaibigan ko. Pag may lumapit sayong tatlong pangit, sila na 'yun," sabi niya sabay tawa ng mahina. "Eh?" May pangit bang bampira? Makapanlait naman 'tong si hubby. "Ako na lang maghahatid kay May." sabi ni Andy "F*ck off. Narinig mo naman sigurong may maghahatid na sa asawa ko. So shut your d*mn mouth." Heto na naman sila. Kinakabahan ako tuwing ganito silang dalawa, parang kaya nilang magpatayan anytime na gustuhin nila at wala manlang akong kaalam-alam kung bakit. "Bullsh*t," mura ni Andy. "Something wrong?" Napatingin kami kay teacher. Nakatingin na rib sa amin ang lahat ng classmate namin. "Ah. Eh. Wala po. Aalis na po si hubby," sabi ko. "Okay. You're highness you may go." Umalis na si Stephen pero bago 'yun ay hanalikan niya muna ako sa cheeks. "Take care, wife. I love you," bulong niya saka tuluyang umalis. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag iwas ng tingin ni Andy. "Sorry sa inasal ni hubby," paumamhin ko. "It's not your fault." 'Yun lang ang sinasabi niya tsaka nakinig na sa klase. **** Uwiaan na. Nag-insist si Andy na ihatid ako pero tumanggi ako dahil baka pag-awayan na naman nila 'to ni hubby. Kaya nandito ako ngayon sa gate at hinihintay ko ang tatlong pangit na bampira na sinasabi ni Stephen. Dumating ang tatlong gwapong bampira. Oo malakas talaga ang appeal nila dahil halos lahat ng babae napapatingin sa kanila. Kinikilig pa nga yung iba eh. "Hello May!" bati sa akin ng isa sa kanila. "Huh?" Lumapit sila dito sa kinauupuan ko. Sila ba ang tatlong pangit na bampira na sinasabi ni Stephen? "Ako nga pala si Brentt." "I'm Hans." "Steve." "Kayo ba yung tatlong pangit na bampira na sinasabi ni hubby?" "Huh!? Asan ang pangit? Sa mukhang to?" sabi ni Brentt na pa-acting acting pa. "Ikaw siguro yun dude," sabi ni Hans sabay siko kay Steve "Aiish. Wag niyo kong idamay sa problema niyo. Biniyayaan ako ng gwapong mukha. Tara na May baka malintikan kami kay Stephen kung di kami namin maihatid," sabi ni Steve Dumiretso na kami sa sasakyan. Nice. Lambourgini naman ang sasakyan nila. Si Hans na ang nagdrive at napakapit naman ako sa sobrang bilis niyang magmaneho. Hinatid nila ako sa palasyo. Pero napapailing na lang ako dahil nagtatalo sila kung sino daw ang mas biniyayaan ng kagwapuhan. Hindi nga sila pangit pero mga baliw naman. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD