Chapter 12

1314 Words
-May- Pagdilat ng mata ko, ang gwapong mukha ni Stephen agad ang bumungad sa akin. Oo gwapo ang asawa ko! May angal? Teka lang. Anong nangyari sa akin? Ang natatandaan ko, sumakit yung upper right corner ng likod ko tapos may sinabi siyang something. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. "Yeah. I'm fine." Hinimas ko yung sumakit na parte ng likod ko. Actually, hindi na masyadong masakit. Pero kakaiba ang nararamdaman ko. Ewan ko ba. "Teka. May pasok pa tayo di ba?" Gabi na kasi. Ibig sabihin its time for our class. Nasanay na rin ako sa timezone nila dito. Sa gabi nag-aaral at sa araw naman, well wala naman kaming ginagawa ni Stephen. Nagpapacute lang ako sa kanya tuwing araw "Wag na tayong pumasok. I have some things to do. Take a rest first." "Oy! Teka! Sama ako!" Napalingon siya sa akin. Lumapit siya at napailing. "No. You need to rest." "Ayoko." Dali dali akong tumayo at kumapit ako sa braso niya. Kyaah! Ang muscles niya! Teka. Chansing na ito. Pero, who cares? Asawa ko naman 'to! Kaysa naman 'yung haliparot na Olive na 'yun ang kumapit sa asawa ko. No freaking way! "Rest now, wife." "No," sabi ko. "Yes," sabi niya. "No." "Yes." "No." "Yes." "Please hubby." "What did you say?" Ay bingi na pala asawa ko? "Sabi ko please." "No. After the "please" ." Gosh! Kahiya naman! Bakit ko pa kasi nasabi 'yun? Aaminin ko sa inyo naisip ko 'yung endearment na sinasabi nila. Kala ko kasi corny 'yun eh. Pero ganun naman ang ginagawa ng mag-asawa di ba? May petnames? Waah! Nakakahiya talaga! Plus lagi niya akong tinatawag na wife. Ewan ko nga kung endearment 'yun eh. Pero dahil dun, naisip kong maganda kong tawagin ko siyang hubby. Mas cute 'yun kaysa tawagin ko siyang errr husband. Ang eng eng din kasi ng author at ngayon  lang nakaisip na magbigay ng endearment eh chapter 12 na. Sisihin niyo siya! (agawin ko kaya si Kai, you want?) Tumahimik ka author! May sehun ka na! (K.fine. ps. Dyosa ko!) "Ah-hehe. Hubby." Napayuko ako dahil nahihiya ako. Baka kasi ayaw niya di ba? Pinangunahan ko pa talaga. "Hubby?" tanong niya. "Short term for husband *peace sign*" sabi ko habang nagpapacute at peace sign. "Then, call me hubby." Kyaah! Ang hot ng pagkasabi niya nun. Call me hubby ~ Parang kanta lang ng EXO, yun yung idol ko nung nasa mortal world pa ako. Nagpaplay sa utak ko. Kyaaah! Call me baby--este hubby! Alam niyo yung killer smile? Ganoo ang ginagawa niya eh. Kinikilig naman ang ovaries ko. Takte. "Then what will I call you?" "Uhm. Teka mag-iisip ako." Syempre joke lang na nag-iisip ako. Alam ko agad ang dapat itawag niya sa akin.  Antagal ko ng pinag-isipin. Hihihi. Ano pa ba ang partner ng hubby? "Wifey!" cheerful na sabi ko. Bahagya naman siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko. "Call me wifey," seryoso at sexing sabi ko. Feel ko lang sabihin 'yun. Ang cool kasi ng pagkakasabi niya eh, makikiuso lang ako. "Let's go, wifey." First time niya akong tinawag sa endearment namin and here comes the butterflies in my stomach. Magsitigil nga kayo! Kinikilig na ang lola ninyo! ***** Sumunod lang ako sa kanya. Kung di ako nagkakamali, papunta kami ngayon sa library at hindi nga ako nagkamali. Umupo kami sa upuan, malamang. May mesa dito sa gitna namin, bale, katapat ko siya. "Hubby?" "What?" "Anong gagawin dito?" tanong ko. "Magbabasa." Tangek ka talaga, May. Malamang magbabasa, library to eh. Kinilig kasi kanina kaya nawala common sense ko. "Hehe. Sabi ko nga." Nagsimula na siyang maghanap ng mga libro. Para di ako mabagot, naglibot din ako. Baka may magandang novel dito. Wala kasing watty, wala tuloy akong mabasa. Kumuha ako ng isang libro. Ewan ko nga kung ano basta ko na lang kinuha. Umupo na ako. Nasa tapat ko na si hubby at seryosong nagbabasa kaya nagbasa na rin ako. Hmm. Tungkol sa  immortals ang nakita ko. Mukhang maganda naman. Para kasing nagbabasa lang ako ng fantasy kahit alam kong hindi naman fantasy 'to. Sa una, inexplain ng libro ang special abilities ng mga immortals at kung paano sila naiiba sa isa't isa. May tatlong clan daw ang immortals. Witches (female) and warlocks (male), Werewolves and Vampires. Witches/Warlocks can cast spells. Special ability nila ang spells. Kaya nilang sumanib sa katawan ng iba at kontrolin ito. They can also summon the elements for help and do things with their mind. Eh? Hindi naman pala sila nangkukulam? Good to know. Werewolves have human like forms but can transform into mystical wolves. They have exquisite agility, strength and speed especially in wolf form. Eto nga si Jacob from twilight. Totoo pala ang lahi niya. Kasing gwapo din kaya niya ang mga werewolves? Vampires naturally posses great and powerful agility, strength, speed. Each have special abilities-elements, teleportation, telekinesis etc. Ito siguro ang sinasabi ni hubby na special ability. Kada vampire daw meron nun, iba-iba daw eh. 'Yung sa kanya kasi ay fire. Ewan ko nga kung ano akin. Di pa kasi lumalabas. Sunod na page pinakita 'yung sign ng kada clan. Emblem of witches, Emblem of werewolves at Emblem of vampires. Sa witches, parang stick na may mga design. Sa werewolves naman as in wolf na picture tsaka sa vampires ay pattern na hindi ko maintindihan. Anong kinalaman nun sa bampira? I turned the next page. The Emblem of Immortals 'Yun ang nakasulat. Narinig ko na 'to kay hubby ah? Tama! Noong sumakit 'yung likod ko at bago ako mawalan ng malay, sinabi niya 'to. Napahawak ako sa parteng 'yun ng likod ko. Hindi na siya masakit. "No. Impossible." Napatingin ako kay hubby. Umiiling siya habang ang mata niya ay nakapokos pa rin sa libro na binabasa niya. Para bang naguguluhan siya at may bumabagabag sa kanya. "Bakit hubby?" "Don't mind me wifey." Sinunod ko na lang siya at bumalik na sa pagbabasa. ****** Gabi, kinabukasan, handa na kami ni Stephen dahil papasok na kami ngayon sa school. Sa hallway pa lang ramdam ko na ang mga titig nila. Naririnig ko pa sila. Matalas nga pandinig ko di ba? Nakakairita tuloy. Bakit kaya umabsent sila? Kyaah! Namiss ko si Prince Stephen! Gwapo niya no? Swerte ng asawa. Oo ineng. Ang swerte ko kaya tumahimik ka diyan bago kita paliguan ng ipis. Kyaaah! Ipis! Ipis! Tulong! Napalingon kami doon sa sumigaw. Iyon 'yung mga babaeng nagbubulong-bulungan kanina. Bakit ang daming ipis? Parang kanina lang iniisip ko 'yun ah? Lumapit doon si hubby. Pinaalis niya 'yung mga babae at sinunog lahat ng ipis doon. Woah cool! Thank you Prince Stephen Nagpasalamat 'yung mga babae pero si hubby poker face. Sa akin lang 'yan ngumingiti ineng. Bumalik na siya sa tabi ko. Maglalakad na kami pero malayo pa lang ay kumaway na sa amin si Olive. Hintayin daw namin. Asa pa siya! Landi to the max talaga! Papalapit na siya at pangmodel pa ang lakad. Arte talaga. Hay naku, sana madapa siya. Omygoosh! Nagdilang anghel ako! Nadapa lang naman siya at nakasubsob ang mukha niya sa sahig. Pinipigilan ko ang tawa ko. Iyan napapala mo sa heels mong singtaas ng mayon. "Grrr. Who pushed me!?" galit na tanong niya. Pinipigilan pa ng iba na tumawa. Ako din gusto ko ng tumawa eh. Shunga naman, wala namang nakasunod sa kanya. Sino pa ba tutulak sa kanya? Sadyang lampa lang talaga siya. "Huhu. Stephen." Nag-inarte pa siya at kumapit sa braso ng asawa ko. Tss. Kaartehan mo te. Inalis naman ni Stephen 'yung kamay ni Olive. Tsaka hinatak ako papasok sa classroom. Buti nga sa babaeng 'yun! Nakakaimbyerna siya! "Stephen baby! Di mo ba ako dadalhin sa clinic," rinig ko pang sigaw niya. "Tss," yun lang ang sabi ni Stephen. In fairness ang ganda ng simula ng gabi ko. Lahat ng iniisip ko nangyari. Weird. Well that's just a pure coincidence. A funny coincidence it is. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD