-May-
I never thought na sa pagtatapos ng araw ng kaarawan ko ay si Andy ang makakasama ko. My bestfriend not my husband. Siguro naman may reason siya di ba? It's wuite disappointing.
Nandito kami ngayon sa balcony sa palasyo. Sabi niya maganda daw dito. It's already past midnight but we're okay.
"Nasaan kaya si Stephen?" sabi ko.
"Bakit mo siya hinahanap, nandito naman ako," sabi ni Andy habang tumitingin sa kawalan.
"Asawa ko yun eh."
"Mahal mo ba siya?"
Sandali akong natahimik. Mahal ko ba siya? Hindi lang nama ako nakatanggi sa kasal pero mahal ko nga ba si Stephen? Hindi ko pa alam. Naguguluhan ako.
"Hmm. Hindi ko pa masasagot 'yan."
"Alam ko. Pero mukhang mamahalin mo rin siya."
"Hay. Ewan ko pero malaki ang posibilidad na mahalin ko siya. Hindi naman siya mahirap mahalin. Bakit, paano mo malalaman kung mahal mo na?"
"Tss. Bakit mo ako tinatanong niyan?"
"Malay ko. Ang dami mo kayang alam sa romance, fan ka nga ni Edward Cullen eh."
Napatawa siya sa sinabi ko. Adik kasi sila sa twilight. Namiss ko tuloy yung ganun. Yung normal na buhay--walang komplikasyon.
"I don't know. I don't think there is a reason why you love someone. You love him because you love him. That's it."
"So deep dude."
"Yeah."
"Bakit nagpanggap kang bakla?" tanong ko.
I never had a chance to ask him that. Dahil siguro si Stephen na lang lagi ang nakakasama ko.
"Galit ka?" tanong niya pabalik.
"No. But a little bit confused. Why did you do that?"
"Because I wanted you to be my friend. And for the sake of Stephen."
"Huh? Kala ko ba ayaw niya sayo? And speaking of, bakit nagkagalit kayo?"
"I don't think I am in the right position to say that to you."
"Fine. Buti na lang nakausap kita ng matagal-tagal. Masyado kasi siyang protective eh."
"Hindi ko naman siya masisi. You are really precious to him. He's so lucky to have you."
"Maswerte din naman ako sa kanya."
"May."
Tumingin siya sa akin. Seryoso siya. Kahit sinag ng buwan lang ang ilaw ay kitang kita ko pa rin ang seryoso niyang mata na taimtim na nakatingin sa akin.
"Bakit?"
"Pwede ka pa bang magmahal ng iba bukod kay Stephen?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Bakit niya ba tinatanong yun? Posible ba yun? Pero hindi. Malapit na akong mahulog kay Stephen. Hindi ko alam kung makakawala pa ako dun.
"Bakit mo natanong 'yan?"
"Wala. Wag mo ng isipin yun."
"Ok. But I think I'm really falling for him. Konting konti na lang."
"I know that. Just remember, pagsinaktan ka niya you could always go to me. I will accept you no matter what."
A smile formed in his lips. His sincere eyes are intently looking at me. He leaned closer and gave me a kiss in my cheeks.
Hindi ako nagsalita. I just smiled. He's definitely a true friend and I appreciate everything that he has done for me.
Pero napawi ang ngiti ko sa dumating. Pakiramdam ko parang nagkasala ako. Para bang isa akong bata na mapapagalitan ng magulang niya. Hindi naman dapat ako mag-alala. Siya pa nga itong may kasalanan.
Lumapit si Stephen sa kinatatayuan namin. Wala siyang expression. Para bang bumalik yung cold Stephen na walang pakielam sa paligid niya.
Marahas niyang kinuha ang kamay ko. Hindi na ako pumalag dahil baka magkagulo pa. Hindi na rin nagsalita si Andy pero kitang-kita ko ang pagpipigil niya.
***
Nandito kami sa kwarto namin. Nakaupo ako dito sa kama habang siya naman ay nakasandal sa dingding habang tinitingnan ako. Ayaw kong magsalita, bahala siya sa buhay niya.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong kwarto hanggang sa magsalita na siya.
"May. I'm--s--sorry."
Liningon ko siya. Papalapit siya dito sa kinauupuan ko.
"I was late because of the meeting. Sorry pinaghintay kita. Binalikan kita doon pero nandito ka na pala kasama si Andy. Please forgive me May. Ayaw kong nagagalit ka sa akin," pagmamakaawa niya
Napabuntong hininga ako. Hindi ako galit sa kanya. Nagtatampo siguro. Sino ba namang hindi kung paghintayin ka dun ng tatlong oras sa wala? Pero may parte sa puso ko na natouch dahil siya ang unang nagsorry kahit valid naman ang reason niya kung bakit di niya agad ako nabalikan.
"Apology accepted," nakangiting sabi ko.
Ngumiti rin siya sa akin at mabilis akong niyakap. May puso pa ba kahit bampira? Kasi feeling ko nagwawala ang sistema ko kung magdidikit kami. Resulta ba ito ng bond namin? O nahuhulog na ako sa kanya? Either way, I love the feeling.
Niyakap ko din siya.
Kumalas siya sa yakap, nakangiti na siya ngayon hindi tulad kanina na ang cold ng expression niya.
"Tara, icecelebrate pa natin ang birthday mo."
"Tapos na kaya ang birthday ko."
Mag-uumaga na nga eh. Well again, one of the perks of being vampire, they never sleep.
"Doesn't mean na hindi na natin icecelebrate," sabi niya at walang ano ano'y hinila niya na ako palabas.
Sumakay ulit kami sa ferrari niya. Hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta. Pagtingin ko sa relo ko, its 3:00 am. Paano ang araw? Hindi pa naman ako nakapagdala ng shades or jacket.
"Stephen, may shades ka ba? Wala akong dala eh."
"Don't worry meron ako."
***
Nakarating kami sa isang mataas na lugar. Kitang kita ang buong city. The city is truly alive during night.
"Tara, dito tayo."
Sa isang malaking puno, may nakalatag na malaking kumot. May mga pagkain pa. Ewan ko kung makakain ko pa 'yan.
"Stephen, ayaw ko yata ng pagkain na iyan."
"Yeah. I forgot sorry. Do you want to drink?"
"I'm fine. Tama na siguro ang drinking session ko."
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"About saan ba ang meeting ninyo?"
Curious lang ako. Importante siguro yun kaya sobrang nalate siya.
"It's about the moonlight festival," seryosong sabi niya.
"Anong moonlight festival?"
"Kami ang maghohost nun ngayong taon. Witches, werewolves and vampires gather in one place to harness energy from the moon. It makes us immortals powerful."
Teka. Witches? Werewolves?
"Witches and werewolves exist?" parang batang tanong ko sa kanya. Hindi na masyadong shocking pero astig naman.
"Yeah. They exist."
"Hate ba ng mga bampira ang werewolves?"
Tumawa siya sa sinabi ko. What? Anong problema dun? Di ba ganoon sa twilight? Malamang alam ko yun dahil sa ilang libong beses na panunuod ng mga kaibigan ko.
"No. We don't hate them. All immortals live in peace. We respect each bounderies. Of course, each have special abilities."
"Woah cool."
"Nga pala, I have a gift for you."
Kinuha niya ang isang red box at binigay niya sa akin. I opened it and I saw a necklace. Isa itong gold necklace na may pendant na parang hour glass. Sa loob ay may apoy. Oh shocks, ang ganda.
"Special ability ko ang apoy. That fire in that necklace is a part of myself and I'm giving it to you."
"Thank you Stephen."
Sinuot niya sa akin ang necklace.
"You're welcome, wife."
Sinandal ko lang ang ulo ko sa balikat niya. Everything was peaceful until I felt a seering pain. Para bang sinasaksak ang upper right corner ng likod ko. Napakasakit.
"Aaahh!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit.
"Wife! Wife! What's happening!?"
Buong lakas kong hinawakan ang parte ng likod ko na masakit. Sobrang hapdi talaga. I felt like I was stabbed with a thousand knives or even more.
Bahagyang nilaylay ni Stephen ang damit ko sa parteng iyon. Kumunot ang nuo niya na ba para bang nagtatanong at wala siyang maintindihan sa nangyayari sa akin.
I was still in pain. My cold fangs grew. This intense feeling is driving me crazy. It's too painful
Hinawakan ni Stephen ang parteng iyon ng likod ko.
"The Emblem of Immortals."
Yung ang huli kong narining hanggang sa malawalan na ako ng malay.
*******