-May- Tahimik kami sa buong byahe namin pabalik sa Crimson Valley. Pinili ko na lang din na wag magsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko pagkatapos magpaalam ni Andy sa akin. Tumigil ang kotse sa tapat ng palasyo. Bumaba siya tsaka ako pinagbuksan. Nakikita ko ang malungkot na ngiti niya bago ko siya talikuran papunta sa palasyo ng asawa ko. I will never see him again. Tuluyan ng pumatak ang luha ko. Niyakap ako ni Stephen. Alam kong alam na niya ang plano ni Andy kaya hinayaan niya na lang akong umiyak. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. I felt guilty. "Si Andy...." "I know. It's the right thing to do. He needs to find his happiness, May." Tumango lang ako at dinala niya ako sa kwarto namin para makapagpahinga ako. Nagpaalam siya na aalis muna dahil may meeting

