-May- Isang katok ang narinig namin mula sa pinto. Agad namang tumayo si Stephen para tingnan kung sino ang kumakatok. Nandito pa rin kami sa kwarto namin. Nagdadaldalan lang kami ng kung ano ano. Nonsense topics kumbaga. Pero mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. I don't know why. Kahit di niya pa sinabi sa akin kung bakit niya nagawa yun, ay gumaan pa rin ang pakiramdam ko dahil nandito na siya sa tabi ko at binigyan niya ako ng assurance na hindi na niya ako iiwan. "Mahal na prinsipe, pasensya na po at naistorbo ko kayo. May naghihintay po kasi sa inyo sa ibaba." magalang na sabi ng maid na siyang kumatok kanina. "Who is it?" tanong ni Stephen sa kanya. Nanatiling nakayuko ang katulong. Bakit kaya nakayuko to? Baka protocol nila dito ang yumuko sa amo. Who knows? At ano raw? May n

